THIRD PERSON'S POV
Tumigil muna sa tapat ng bahay si Gillian para punasan ang luhang rumagasa sa kanyang magkabilang pisngi, hindi siya p'wedeng pumasok sa loob nila nang ganitong panay siya luha.
Marahas ang naging pagpunas niya, may halong inis na para sa inasal ng binata sa harapan niya at sa lahat ng pang-iinsulto nito.
"Inaano ko ba siya para ganunin niya 'ko?" Napahikbi pa siya at muling pinahiran ang pisngi. "Hindi raw ako maganda? Sinabi ko ba sa kanyang maganda ko!" himutok pa niya.
Wala naman siya sinasabing maganda siya para sabihan siya na parang nagmamalaki siya dahil hindi niya naman ito niyabangan sa ganoong aspeto kung bakit ba nito iyon nasabi sa kanya.
Inaamin naman niyang hindi siya kaputian, hindi kasing ganda ng mas magaganda pa riyan pero alam niya sa sarili niya hindi siya pangit! Ang sakit lang magsalita ng binata na iyon na simula pa magkita sila kanina puro masasakit na ang natamo niya.
Mag-mula unang pagkikita nila sa hacienda, pangalawa doon sa may sapa na nagawa pa siyang itulak, tapos ngayon na nagawa naman siyang insu-insultuhin na para bang wala siyang pakiramdam!
Ngayon lang siya nainis ng ganito sa tao buong buhay niya, gusto niya ito intindihin dahil mayroon itong pinagdaraanan pero sa ginagawa nito sa kanya nagtataninim ito ng hindi magandang kaisipan sa kanya.
Hindi na rin ito makaturangan para sa kanya, wala naman siya ginagawang masama para makaranas ng panlalait mula sa ibang taong hindi niya naman ganoon kalubos na kilala.
Dahil lang galit ang Señorito na iyon sa dating katipan pati ba siyang wala naman kinalaman pagbubuntunan? Pakiramdam niya pinagiinitan talaga siya ng binata! At bakit siya pa sa dinami-rami ng babae?
Naupo na muna siya sa upuang kahoy sa tabi ng pinto sa harapan ng bahay at doon nagpalipas ng sama ng loob. Naiiyak pa rin siya kasi naman masakit ang mga sinabi ni Señorito Ceb sa kanya.
Napaiyak na lang siya ulit at bumulong. "Oo na, hindi na 'ko maganda, opinyon mo iyan," aniya na tila kausap ito kahit nag-iisa lang naman siya.
"Hindi ka rin naman gwapo at kung ako walang katiting na ganda, pwes ikaw literal na pangit!" dagdag pa niya mailabas lamang ang bigat sa dibdib.
Laking pasalamat din niya nasabi niya iyon kanina sa harapan nito kahit na nakatalikod siya. Kung humarap siya malamang nakita nila ang pag-iyak niya baka imbis maawa, baka makatanggap na naman siya ng insulto.
"Gillian?"
Narinig niyang tawag sa kanya ng Nanay niya mula sa loob na palabas na ng pinto upang sinuhin kung siya ang nanditong naririnig na nagsasalitang mag-isa.
Kaya dali-dali niyang pinunasan ang luha niya para h'wag makitang umiiyak na naman siya dahil sigurado aalamin nito kung bakit, ano at sinong dahilan.
"Nay!" tugon niya batid na nandito lang siya sa labas. "Po! Nandito lang po ako!"
Bumaling siya sa pinto na wala nang luha at nagtataka namang tiningnan siya ni Opehlia nang masilip siya doon sa labas.
"Kanina ka pa ba nandiyan? Sinong kausap mo? Parang naririnig ako na may kausap ka?" tanong ni Opehlia na hindi agad napansing maga ang mga mata niya dahil medyo madilim na sa parteng labas.
"Guni-guni niyo lang po iyon, wala po 'kong kausap kumakanta lang ako, nagpapalipas ng oras para magpa-antok," pagdadahilan niya.
Totoong may kausap siya pero sa imahinasyon niya lang sa kagustuhan mailabas nag hinanakit kay Señorito Ceb.
"Ganoon ba... siya sige. Pero kamusta na iyung iniutos ko sa 'yo? Nasabi mo ba kay Tope na tulungan niya ako sa palengke na mag-simpan ng paninda?" ani ni Opehlia at ito ang nag-utos sa kanya na pumunta roon.
"Hindi ko po nasabi, Nay. May kainuman kasi siyang lalaki kaya hindi ako nag-tagal doon pero siya ang pupunta rito bukas sigurado," aniya na hindi sinabing si Señorito Ceb ang lalaking kainuman ng kaibigan.
"Nandoon ka na pala hindi mo pa nasabi baka mamaya makalimutan. Siya sige kung hindi niya ako matutulungan maaari naman iba na lang ang utusan ko babayad din lang naman ako," ani na lang ni Ophelia at akma nang papasok na sa loob pero natigilan nang pigilan siya sandali ni Gillian.
"Nay..." malungkot na tawag ni Gillian.
Muli naman siyang nilingon nito at hinarap siya. "Oh? Hindi ka pa ba tutulog? Halika na roon sa loob at malamok na diyan."
"May gusto lang akong itanong sa inyo, sana masagot niyo ng totoo..." aniya na mayroong pagdadalawang isip pa kung tama ba niya itanong ito pero ina niya naman 'to kaya magsasabi ito ng totoo.
"Ano iyon?" Hinayaan naman siya nitong magtanong at medyo tumahimik pa siya sandali saka nagsalita.
"Nay... p-pangit po ba 'ko?" Kamuntikan pa siyang maiyak ulit dahil pakiramdam niya'y masiyado naaapektuhan ang kompiyansa niya sa sarili na dati-rati hindi niya naman problema.
Ganoon siya ka-apektado sa panlalait sa kanya ni Señorito Ceb na taliwas pa sa kasarian niya.
Nagulat pa si Opehlia sa naging tanong niya kaya nilapitan siya. "Maganda ka! Bakit mo natanong? Sino nagsabing pangit ka? May nagsabi ba sa 'yo kaya mo natanong iyan?" Kaagad naman nitong nahulaang meron nga.
Pero umiling lang siya. "Wala naman po Nay... naitanong ko lang," pagtatakip niya pa rin sa taong nagsabi.
"Sandali nga, Gillian... umiiyak ka ba?" At napansin na nga nito ang mata niya na namumula kaya agad siyang nag-iwas.
"Nay, hindi!" maagap niyang tanggi pero hinawakan nito ang panga niya at kahit medyo madilim, nahalata siya nang matitigan siya nito.
"Umiyak ka?" Tila umusbong ang galit kay Opehlia nang pinagmasdan ang mukha ni Gillian na kahit medyo madilim kita na nito ang pamumugto at nahalatang hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Inutusan lang kita magpunta kay Tope, umuwi ka nang umiiyak. Sabihin mo, ano talagang nangyari? H'wag mo na subukan magsinungaling," pilit siyang pinagsalita nito.
"Wala naman ho kasi talaga Nay..." Wala pero napaiyak na naman siya para siyang binully sa eskwela.
Alam niyang sa edad niya hindi angkop ang pagiging ganitong masyadong mamon dahil malaki na siya, dalaga na hindi na bata pero may pagkakataon iyakin talaga siya lalo na kapag nasasaktan ng ibang tao. Hindi siya sanay mapahiya o mapagsalitaan ng 'di kaaya-aya.
"Gillian..." mariing tawag nito sa kanya batid na magsabi na siya agad o susugod ito roon at ito mismo ang aalam.
Kaya wala na nga siyang nagawa kundi sabihin ang totoo. "I-Iyung kainuman ho ni Tope..."
Agad namang bumulusok si Opehlia. "Sinong kainuman ni Tope iyon? Anong pangalan??"
Mariin siyang napapikit. "S-Si... Señorito Ceb Nay. Siya ulit," batid niyang ito na naman ang nanakit at namahiya sa kanya.
Napatiim bagang naman si Ophelia at wala nang sali-salitang tumalikod at akmang aalis na para sumugod sa bahay nina Tope ngunit agad na pinigilan ito ni Gillian.
"Nay! h'wag niyo na puntahan!" pigil niya sa inang nagpupuyos sa nalaman at umiling na lang siya batid na h'wag na palakihin ito at h'wag na gumawa pa ng eksena.
"Kakausapin ko lang naman iyang lalaking iyan kung bakit ba sa lahat ng tao ikaw ang parati niyang napagiinitan simula pa kanina. Wala na siya sa lugar sa ginagawa niya kung kanina napalagpas ko pa, pwes ngayon makakatikim na siya ng salita sa 'kin!"
Napaawang naman ang bibig niya sa nakikitang galit sa ina na ayaw na ayaw siyang maaargabyado pero hindi na dapat idaan pa sa ganito.
"H-H'wag na ho kasi Nay! H'wag niyo nang patulan lasing lang ho iyon!" muli niyang pigil dito at hawak-hawak ang braso pero tinabig lang siya.
.
"Kung hahayaan mo lang na ginaganon ka na lang parati ng ibang tao, sinasabi ko sa iyo anak, uulitin at uulitin lang nila iyan lalo kapag nakikita nila na ang dali-dali mo lang apak-apakan," malaman na sinabi ni Ophelia at umalis na nga ng tuluyan para tahakin ang daan patungong bahay nina Tope.
Lagot na... gulo na ito.