THIRD PERSON'S POV "Tope!" tawag ni Ophelia sa labas ng bahay nito. "Tope! Lumabas ka sandali may gusto lang ako itanong!" "Nay, uwi na tayo!" yagak na ni Gillian sa ina na kung hindi pa titigil ay makakagawa na ng eksena rito. Kaya ang iba tuloy mga nasa katabing bahay napalabas sa lakas ng boses nito. "Oh? Opehlia, bakit? Ano't naparito ka? Anong problema?" Si Mang Openg ang lumabas, tatay ni Tope. "Pasensya na, Openg. Nandiyan pa ba si Señorito Ceb? Si Tope nasaan siya?" tanong ni Opehlia. Lumabas na nga si Tope na muka atang nakahiga na kanina para matulog ngunit nagambala nga lang. Nakainom na rin ito kaya mamamahinga na sana pero dahil inabala nila agad itong napabangon. "Aling Ophelia... bakit ho?" pupungas-pungas nitong anas sa ina ng dalaga kaya lumapit sa kanya ang ginang

