THIRD PERSON'S POV "Wala po akong galit sa iyo, Señorito Ceb... sa halip nauunawaan ko kaya..." Napayuko pa si Gillian at tumingin sa mga kamay at nilaro pa ang mga daliri. "Ayos lang, at gaya ng sinabi ko ay sisikapin kong makaiwas na sa iyo..." "Ah, hija! Hindi mo kailangan umiwas! Hindi na mauulit pa ang ganoong pangyayari sa inyo, hindi ba, Ceb?" Dumako ang tingin ni Señora Dellia sa anak at batid niya ayusin nito ang sagot. Napatiim bagang naman si Ceb at napilitan tumango. "Yes... I won't do it to you... again." It sounds like a promise, but not like a sincerely promise. Pumagitan naman si Ophelia. "Señor, Señora sandali muna at hindi ko pa nakakaausap ng mabuti itong binata niyo. May gusto lang ako sabihin." Tumahimik naman sila at hinayaan si Ophelia na magsalita dahil hanggan

