THIRD PERSON'S POV Nasa sasakyan na si Cebrian pero sina Vicente at Dellia naiwan pa sandali sa labas para kausapin si Gillian patungkol sa inaalok nila rito na maging kasa-kasama nila sa mansion. Kapalit ay sila nang bahala sa matrikula nito sa eskwela sa natitirang buwang ilalagi sa pag-aaral at graduating naman na ito at mayroon pa magiging kinsenas na sahod tutal bakasyon pa naman hangga't 'di pa pasukan. Payag naman si Ophelia ngunit si Gillian hindi pa sigurado, nagaalangan pa ang dalaga dahil ibig sabihin lang nito parati niyang makikita ang matapobreng si Ceb. May parte pa rin sa kanya na nagaalangan sa ipinakita nito kanina dahil unang kita pa lang nila, unang kilala pa lang 'di na talaga maganda ang ginawa nito sa kanya, iniisip niya na baka naging mabuti lang ito dahil kahar

