Chapter 11

2045 Words
Chapter 11 We happily ate at the unlimited buffet, nagkukwentuhan kami tungkol sa mga activities namin sa loob ng classroom mag katabi kami ni Canea habang si Clarence naman ay kaharap namin sa lamesa. Marahan akong yumuko para kunin sa may paanan ko banda ang isang paper bag na may laman na damit na crop top na binili ko kanina at pagkatapos ay iniabot ko ito kay Canea habang kumakain. "Nea, para sayo oh!" I said softly to Canea, na ikinagulat naman niya at agad na kinuha ito sa aking kamay at tinignan ang nasa loob ng paper bag at pagkatapos ay binuklat niya ang laman nito at itinaas para makita ang design ng damit. "Ang ganda naman nitong binili mo para sa akin," Canea said happily to me. "Thank you Isha," dagdag na sabi pa nito sa akin at pagkatapos ay si Clarence naman ang nag abot ng isa pang regalo na naka box kay Canea. "Girl ito naman 'yong sa akin, Buksan mo na!" sabi naman ni Clarence kay Nea habang kumakain ito na agad naman kinuha ni Nea ang box at marahan na binuksan ito para makita niya ang nasa loob. "Wow ang ganda! ito talaga ang gusto kong tumbler!" masayang sabi ni Canea kay Clarence ng makita niya ang laman nitong box na kuromi stainless tumbler na kulay purple. "Hindi ko naman birthday ah! Bakit 'nyo ko binibigyan ng nga ganyang ragalo?" dagdag na sabi pa ni Canea habang pinagsasama ang tumbler at crop top sa iisang lalagyanan na paper bag. "Ayaw mo ba bakla? Deserve mo naman yan eh, kahit hindi mo birthday pero kung ayaw mo babawiin nalang namin ni Isha!" agad naman na sagot ni Clarence kay Canea kaya naman nag angat ng tingin si Nea at tinignan sa mukha si Clarence at pagkatapos ay ngumiti ito ng malawak. "Joke lang, 'tong baklang 'to hindi naman mabiro!" sagot agad ni Canea kaya naman nagtawanan kaming tatlo habang kumakain ng grilled pork belly. After we finished eating, we watched a movie until we finished the show, habang naglalakad kami papuntang parking para umuwi na naramdaman kong naiihi ako kaya naman tinawag ko sila Canea at Clarence habang naglalakad palabas sa parking ilang hakbang palang ang mga ito papuntang parking ng tawagin ko. "Nea! Rence!" sigaw ko sa mga pangalan nila na ikinahinto nila sa pag lalakad at ikinalingon ng mga ito sa akin. "Mauna na pala kayong umuwi, wag 'nyo na ako hintayin baka kasi mahaba pila sa CR matagalan ako!" dagdag na sabi ko pa sa kanila habang nakatayo ang mga ito malapit sa exit door papuntang parking. "Huh? Bakit naman?" agad naman na sagot ni Canea sa akin. "Okay lang! Hintayin ka nalang namin!" singit naman ni Clarence na agad naman akong umiling sa kanila. "Mag papasundo nalang ako, baka kasi maraming tao sa CR at matagalan ako! Mauna na kayo!" sagot ko naman kay Clarence habang nag pipigil ako ng ihi. "Sure ka?!" tanong naman ni Nea sa akin para siguraduhin ang sinabi ko, kaya naman mabilis akong tumango sa kanila at pagkatapos ay tinalikuran na ang mga ito at mabilis na nag lakad papunta sa ladies toilet. When I arrived at the ladies toilet, many women were queuing to pee, so I queued at the end. Ilang minuto pa akong nag antay sa pila hanggang sa makapasok na ako sa loob at maka ihi nag tagal pa ako sa loob ng CR ng ilang segundo. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ako umihi at agad din na lumabas pagkatapos ay nag tungo ako sa sink para mag hugas ng kamay at mag ayos ng sarili ko. Napansin kong medyo magulo ang aking buhok kaya naman nag suklay muna ako ng buhok ko at nag lagay ng kaunting lip tint sa aking maputlang labi at ng matapos na ako ay ibinalik ko sa loob ng aking shoulder bag ang suklay at lip tint at agad na lumabas ng ladies toilet. While I was walking out of the mall, I immediately called Manong Roger to pick me up at the Mall. Malapit an ako sa exit ng Mall ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng paulit ulit kaya naman nilingon ko ito para malaman kung sino ang lalaki na papalapit. “Isha!!” tawag ni Justine sa akin habang papalapit ito sa aking kinatatayuan, kunot noo ko naman itong tinitignan sa mukha hanggang sa makalapit na ito ng tuluyan sa aking harapan. “Isha, sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko kanina sa may parking eh!” dagdag na sabi pa nito na sa harapan ko habang hinihingal pa. “Bakit?” maiksing sagot ko naman sa kanya at bahagya ko pang itinaas ang kilay ko sa kanya at pagkatapos ay marahan ko itong tinalikuran at nag simulang mag lakad muli palabas ng Mall. “Wala naman gusto ko lang sana maki pag kwentuhan sayo at maki pag kaibigan!” mabilis niyang sagot sa akin at pagkatapos ay sinabayan pa ako nito mag lakad palabas ng Mall. “Ah ganun ba? Pauwi na kasi ako eh, saka gabi na!” masungit ko naman na sagot sa kanya, na agad naman ikinalungkot ng mukha niya. “Gusto mo hatid na lang kita pauwi? Pauwi na rin naman ako eh!” naka ngiting sagot naman nito sa akin na agad naman akong tumingin sa mukha nito habang nag lalakad at umiling sa kanya, at mukhang ayaw tumigil nito sa pangungulit sa akin kaya naman hinayaan ko nalang ito na mag kwento ng mag kwento sa aking tabi hanggang sa makalabas na ako ng Mall. Habang nakatayo kami sa labas ng mall at nag aantay ako na dumating si Manong Roger hinayaan ko na muna si Justine na samahan ako sa pag aantay. Hanggang sa makita ko itong nag lakad papunta sa mga food kiosk na naka hilera sa tapat namin at pagkatapos ay bumili ito ng dalawang fresh lemon juice at isang box na donut. Tinitignan ko lang ito sa mga ginagawa habang nasa malayo pa. At ng makabili na ito ay agad na bumalik sa kinatatayuan ko at agad na inabot sa akin ang isang fresh lemon juice at ang isang box na donut na agad ko naman tinanggihan. “Wag na! busog pa ako, halos katatapos lang din namin kumain!” sagot ko kay Justine, ilang segundo pa itong naka tingin sa mukha ko at pagkatapos ay marahan nitong kinuha ang isa kong kamay at isinukbit doon ang isang box na donut at pagkatapos ay ang isang kamay ko naman ang kinuha nito para ilagay naman doon ang fresh lemon juice. “Okay lang, kahit hindi mo kainin ngayon yan! Pag uwi mo nalang mamaya sa bahay n’yo o kaya naman sa byahe mo habang pauwi ka!” malambing na sabi nito sa akin, hindi nito pinansin ang mga pagtataray ko at ang pagtatanggi ko sa mga binibigay niya sa akin. Hanggang sa dumating na si Manong Roger dala-dala nito ang Van at huminto sa aming harapan. “Thank you dito Justine ha!” sabi ko naman sa kanya na inangat ko pa ang donut at ang fresh lemon juice na nasa aking kamay. “Dapat hindi kana bumili baka kasi hindi ko rin naman makain at masayang lang!” dagdag na sabi ko pa dito bago ito tuluyang talikuran paalis, pasakay na ako sa Van ng bigla itong mag salita sa aking likuran kaya naman marahan ko itong nilingon. “Okay lang, atleast maalala mo ako ng ilang oras lang na dala-dala mo yang pagkain!” sabi nito na nginuso pa ang mga hawak kong pagkain sa aking kamay. “Kahit display mo na lang sa kwarto mo!” dagdag na sabi pa nito habang naka ngiti sa akin at pagkatapos ay ikinaway ko na ang aking kamay sa kanya at tinalikuran ko na ito paalis. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng bigla nitong buksan ang pinto para sa akin at maingat ako nitong isinakay. “Isha, pwede ba kitang i-add sa f*******: friend list ko?” he said softly, agad ko naman ibinigay ang f*******: account ko sa kanya at agad din itong nag friend request sa akin. At nang matapos niyang mag friend request sa f*******: ko ay agad nitong ikinaway ang isa niyang kamay bago ito tuluyang tumalikod sa akin at umalis. When I got home, I immediately went to the kitchen and put the donut on the table. At pagkatapos ay nagtungo ako sa aking kwarto para mag palit ng damit pang bahay habang hawak-hawak ng isang kamay ko ang fresh lemon juice at sinisipsip ito sa straw habang nag lalakad. Agad kong ipinatong sa side table ng kama ko ang lemon juice na hawak ko at pagkatapos ay inihagis ko naman ang aking shoulder bag sa kama at agad akong kumuha ng damit sa wardrove ko ng pambahay at mabilis na nag palit ng damit. Nang matapos na ako ay nagmadali akong kunin ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko at ang lemon juice na inilapag ko sa table. Palabas palang ako ng kwarto ng maalala ko na nag friend request nga pala sa akin si Justine kanina kaya naman napa hinto ako sa pinto ng ilang segundo at agad na binuksan ang cellphone ko para i-accept ang friend request nito sa akin. And I immediately left my room and returned to the kitchen, pababa palang ako ng hagdan papunta sa kusina ng makita ko si Kuya Quentin na nilalantakan ang donut na nasa ibabaw ng lamesa. Agad akong naka isip ng kapilyuhan nanaman sa aking isip kaya naman marahan ko itong kinuhaan ng mga picture at video sa aking cellphone habang sarap na sarap ito sa pag nguya ng donut. Hanggang sa maramdaman nito ang presensiya ko na nasa hagdanan lang ako at pinanunuod ko lang itong kumakain. “What are you doing?” he asked me, agad naman akong natawa sa kanya ng makita ko itong may chocolate pa sa labi niya at agad ko din itong kinuhaan ng picture. Kunot noo itong napatingin sa cellphone ko ng bigla itong mag flash sa harapan niya at pagkatapos ay marahan akong lumapit sa kanya. "Just taking a picture of you!" I told him after I took a picture of him with my phone, at ng makalapit na ako sa kanya ay tinignan ko ang lahat ng mga nakuha kong picture sa cellphone ko. "Asan na nga pala 'yong pera kong 100k?" pag-iiba ko ng usapan at pagkatapos ay tumingin ako sa kanyang mukha at inilahad ko pa ang palad ko sa harapan niya na parang nanghihingi ng pera. "I have sent the money to your bank account!" he said, na agad naman akong tumango tango sa kanya. "You can check it," dagdag na sabi pa nito sa akin ng bigla naman nag notification ang messenger ko at nakita kong nag message si Justine sa akin na agad ko din tinignan ang message niya. "Hi!" sabi sa txt ni Justine pero hindi ko ito nereplyan, napa tingin ako sa donut at pagkatapos ay kumuha ako ng isang donut at kumagat at muli akong tumingin sa mukha ni Kuya Quentin. "Masarap ba yung donut na binili ni Justine?" pang-asar ko na sinabi sa kanya habang naka ngisi ako at naka taas ang isang kilay sa kanya na ikina hinto niya sa pag-nguya ng donut at pagkatapos ay marahan itong tumingin sa akin ng masama at nilunok ang nasa bibig nito bago mag salita. "Really? Is it from him?" he said, agad akong tumango sa kanya habang ngumunguya ng donut sa aking bibig at pagkatapos ay tinignan ko ulit ang txt message ni Justine para i-reply ang picture ni Kuya Quentin sa kanya hanggang sa mag message sent ito kay Justine. "Don't eat the donuts he gives you, Baka magayuma ka pa!" he said and then he took the donut I was holding and put it back in the box and close it, agad akong nagulat sa biglaang pagkuha niya sa kamay ko ng donut akmang itatapon niya na ito sa rubbish bin ng pigilan ko ito at pagkatapos ay muli niya itong binuksan at muling kumuha ng isa pang donut at isinubo ng buo sa kanyang bunganga bago tuluyang itapon sa basurahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD