Chapter 12
"Look what you did? Sinayang mo lang ang pagkain!" I shouted at him as I looked at him evilly, pero ngumisi lang ito sa akin ng nakaka loko dahil may naka salampak na buong donut sa bunganga nito at hindi ito makapag salita. Samantalang ako ay nag hihimutok ng galit sa kanya dahil sinayang niya ang pagkain at itinapon lang ito. Hanggang sa marinig kong tumunog muli ang cellphone ko kaya naman agad kong tinignan ang messenger ko. "Wow! He looks so cute, he's really hungry," sagot ni Justine sa txt message niya sa akin na may naka lagay pang sticker na humahalakhak ng tawa, sa inis ko ay agad ko naman ipinakita kay Kuya Quentin ang ne-reply ni Justine sa akin na ikina-gulat naman niya ng makita ang picture niya na senend ko kay Justine. "What the fu**," agad na sambit niya kahit hirap ito mag salita at mabilis na nilunok ang donut na nasa bunganga niya, agad naman akong umalis sa harapan niya dahil alam kong aagawin niya sa aking kamay ang cellphone ko kaya nag madali kaagad akong umakyat ng hagdan pabalik ng kwarto ko at nag lock ng pinto.
I heard him knock on my bedroom door several times, pero hindi ko ito pinag buksan ng pinto hinayaan ko siyang mag sawa kumatok ng kumatok habang tinatawag ang aking pangalan hanggang sa hindi ko na marinig ang maingay nitong boses at ang makulit nitong pagkalampag ng aking pintuan sa kwarto. Hindi na rin ako nag reply sa txt message ni Justine sa akin at agad ko na lang pinatay ang ilaw sa loob ng aking kwarto at pagkatapos ay agad natulog.
The next day I was about to go School, Clarence and Canea immediately stopped me. Takang napa hinto naman ako sa pagpigil nilang dalawa at nakatayo kaming tatlo sa labas ng paaralan. "Bakit? Ano merun? Bakit hindi tayo papasok?" sunod-sunod na tanong ko sa kanilang dalawa hanggang sa marahan akong hinila ni Canea papunta sa kotse ni Clarence para sumakay sa loob, marahan naman akong humarap kay Nea habang nakikipag usap sa akin ito at si Clarence naman ay nasa likuran lang ni Nea. "Mamasyal lang tayo, wala naman gagawin ngayon sa loob ng Classroom eh!" agad na sagot sa akin ni Canea habang nakatayo kami sa pinto ng kotse ni Clarence, napatingin ako sa likuran ni Nea ng mag salita si Clarence "Girl, paminsan minsan mag cutting classes din tayo at mag enjoy! Wag puro aral!" sagot naman ni Clarence na nasa likuran ni Canea ng makalapit na ito. "Saka wala naman pasok bukas eh!" singit naman agad ni Nea sa amin kaya naman humalukipkip ako sa harapan nilang dalawa at tinaasan ng kilay ang mga ito. "Oh? Tapos idadamay n'yo ako sa kalokohan ninyong dalawa? kaya kayo na ki-kick out eh!" masungit kong sagot sa kanilang dalawa na humalakhak pa ng malakas ang mga ito sa harapan ko. "Grabe ka naman teh, makapag sabi ng kick out wagas?" maarteng sabi naman ni Clarence sa akin at sinabayan pa nito ang pag irap sa akin. "Sasama ka ba o hindi? Oo o hindi lang ang isasagot mo teh!" dagdag na sabi pa ni Clarence at namaywang pa ito sa aking harapan.
"Oo na! Sasama na nga eh, artehan ba daw ako sa harapan ko?" inis kong sagot naman kay Clarence na ikinatawa ni Nea, at pagkatapos ay sumakay na ako sa back seat at si Nea naman ay naupo sa front seat katabi si Clarence. Agad naman minaneho ni Clarence ang kotse nito halos kalahating oras din kaming nasa byahe at nag kukulitan lang sa loob ng kotse nito hanggang sa makarating kami sa isang Mall at pagkatapos ay pinababa kaming dalawa ni Nea pagdating namin sa parking. "Akala ko ba mamasyal tayo? Eh, bakit nandito tayo sa parking ng Mall? takang tanong ko sa kanilang dalawa sa likuran na ikinalingon ng mga ito sa akin. "Biii wag kang shunga!! Malamang mamimili ng pagkain at maiinom bago mamasyal, alangan naman mag pagutom tayo sa byahe at sa mga dadaanan natin?" mataray na sagot ni Clarence sa akin, at pagkatapos ay muli itong humarap sa manibela ng sasakyan. Agad naman na lumabas ng kotse si Nea akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse para lumabas ng biglang pigilan ako ni Clarence sa kamay at pagkatapos ay nag abot ito ng ilang papel na pera sa aking kamay. Kunot noo ko naman iyon kinuha at napatingin sa kanyang mukha. "Para saan naman 'to?" takang tanong ko kay Clarence na itinaas ko pa ang aking kamay na may hawak na pera. "Girl pambayad 'yan sa bibilhin n'yong pagkain ni Nea, bigay mo na lang sa kanya alam na niya ang mga bibilhin!" sagot ni Clarence sa akin kaya naman tumango tango ako sa kanya bago ko buksan ang pinto ng kotse nito at tuluyang lumabas. Agad kong binigay ang pera kay Nea ng makarating kami sa loob ng grocery at inilagay nito sa kanyang bulsa pagkatapos ay nag madali itong kumuha ng push cart at kumuha ng mga chichirya at kornek.
Kumuha ito ng malalaking checharron na mang juan at tig apat pa at pagkatapos ay dumampot ito ng apat na supot ng mane at apat na malalaking nagaraya. At ng matapos na ito kumuha ng mga chichirya ay nag tungo naman kami sa mga drinks kumuha ito ng isang malaking coke na tig two liters at isang sprite na 1.5 liters.
Nagulat ako ng bigla itong mag tawag ng staff sa loob ng grocery para kumuha ng dalawang karton ng smirnoff at pagkatapos ay marahan itong ipinalagay sa cart. "Hoyy? Ano gagawin natin diyan sa dalawang karton na alak?" takang tanong ko kay Nea habang naglalakad kami palapit sa counter para bayaran ang mga pinamili. "Mag wawalwal tayo Isha!" natatawang sagot naman ni Nea sa akin ng makita nito ang mukha ko na hindi makapaniwala, hanggang sa inilagay na nito isa-isa sa counter ang mga pinamili para ma punch ang mga prize nito. "Seryoso ka ba?! Akala ko ba mamamasyal tayo?!" agad na sabi ko naman sa kanya habang kunot noo ko itong tinitignan sa mukha at tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalagay ng mga pinamili sa counter at ng matapos ito ay marahan na tumingin ito sa akin. "Oo seryoso ako, mag iinom tayo sa bahay nila Clarence at hindi mamamasyal!" agad na sagot nito sa akin at pagkatapos ay mabilis na dumukot ito ng ilang pera sa bulsa at inabot sa akin at muli itong humarap sa kahera. "Para saan naman ito?!" takang tanong ko naman ulit dito habang hawak-hawak ko ang pera, muli itong humarap sa akin at malakas na nagbuntong hininga.
"Biii bumili ka muna doon ng dalawang lechon manok, para pagkatapos ko mag bayad dito deretso na tayo agad sa parking!" sagot niya sa akin na itinaas pa ang kamay nito para ituro ang nakahelerang food kiosk na pagkain sa harapan ng grocery, agad naman akong napailing iling sa harapan ni Nea at naglakad papunta sa harapan ng grocery para bumili ng dalawang lechon manok pumila ako sa pangalawang babae na nakapila at ng matapos ng bumili ang nasa unahan ko ay bumili na ako ng dalawang lechon manok at pagkatapos ay ipina chop ko na rin ito. Nang matapos naman si Nea mag bayad sa grocery ay agad itong lumapit sa aking tabi para hintayin na maiabot sa akin ng staff ang nai-chop na manok at pagkatapos ay agad din kaming bumalik sa parking kung saan nag aantay si Clarence sa aming dalawa ni Nea habang tulak-tulak namin ang push cart na mga pinamili galing sa grocery.
When Nea and I arrived at the parking lot, she immediately knocked on the window of Clarence's car to open it. Agad naman ibinaba ni Rence ang bintana ng kotse nito ng marinig ang katok ni Nea at pagkatapos ay idinungaw pa nito ang ulo palabas ng bintana para tignan ang mga pinamili namin. "Bakla baka gusto mo kaming tulungan na buhatin itong dalawang karton at ilagay sa likod ng kotse mo!" nakapamaywang na sabi ni Nea kay Rence na naka dungaw sa bintana habang naka turo naman ang daliri Nea sa dalawang karton na alak na nasa push cart. Agad naman binuksan ni Rence ang pinto ng kanyang kotse at binuhat nito ang isang karton para ilagay sa likod ng kotse at kaming dalawa naman ni Nea ang nag buhat ng mga plastic bag para ilagay din ang mga ito sa likod ng kotse. At ng matapos na kami sa paglalagay ng mga pinamili namin mga grocery ay agad na sumakay si Nea sa harapan ng kotse kasunod naman ako nito na sumakay din sa back seat at si Clarence naman ay sa tabi niya para mag maneho.
Clarence drive the car for almost half an hour until we reached his house, papasok palang ang kotse ni Clarence sa malaking gate ng bahay nila ay napansin kong may naka abang na kaagad dito sa pinto na isang kasambahay hanggang sa huminto ang kotse sa harapan ng babae at agad na nagtungo ito sa likuran ng sasakyan para buksan ang compartment sa likod ng sasakyan napansin kong maingat niyang inilalabas isa-isa ang mga plastic bag.
Kaya naman nagmadali akong bumaba sa kotse ni Clarence para tulungan ang babae, agad din bumaba si Clarence sa kanyang kotse para buhatin nito ang dalawang karton na alak. "Yan ang gusto ko sayo bebe eh, maskulado sa umaga!" pabirong sabi ni Canea kay Clarence ng makita niya itong buhat-buhat ang dalawang karton na smirnoff papasok sa loob ng bahay nila at bahagyang pinisil-pisil pa ni Nea ang muscle nito sa balikat na ikina-inis naman ni Rence sa kanya. "Leche ka!! Tigilan mo ako Nea hindi kita bet!" maarteng sagot ni Rence kay Nea at tinignan niya pa ito ng masama, kaya naman natawa kaming dalawa ni Nea sa sinabi ni Rence.
We went to the back of Clarence's house where there is a pool where you can swim, nakita kong may mahabang upuan sa tabi ng pool at dalawang maliit na magkaharap at ang nasa gitna naman nito ay ang maliit na glass table agad na inilapag namin ni Nea ang mga hawak namin na plastic bag sa isang glass table at pagkatapos ay naupo kaming dalawa sa poolside furniture na naka harap sa pool habang si Clarence naman ay maingat na ibinababa ang mga karton ng alak sa gilid ng inuupuan namin at pagkatapos ay muli itong bumalik sa loob ng bahay. Napa sandal naman ako sa upuan at nag unat-unat ng aking katawan habang si Nea naman ay nangangalkal sa plastic bag ng mga chichirya para may mangata kami. Ilang minuto lang ay lumapit sa amin ni Nea ang kasambahay nila Rence at may dala-dala itong malaking puting bowl na ipinatong sa glass table na nasa harapan namin ni Nea. Nakalagay dito sa malaking bowl ang dalawang lechon manok na binili namin kanina sa Mall. Agad na pinapak ni Nea ang manok na nasa harapan namin ng makita niya ito at sunod na nakipapak din ako. Maya-maya ay bumalik si Rence at may dala-dala na itong isang plastic bag na ice cube at tatlong basong babasagin na ipinatong niya sa glass table.
Clarence sat down in a single chair and then he opened a two bottle of smirnoff and handed one to me and Canea, kinuha ko naman ang isang baso na ipinatong ni Rence sa lamesa at inabot ko kay Nea at pagkatapos ay isinalin ko naman ang hawak kong smirnoff sa baso na nasa harapan ko at nilagyan ito ng yelo at iniabot ko naman iyon kay Clarence. Kunot noo naman itong napa tingin sa aking mukha at sa basong hawak-hawak ko na may laman na smirnoff na inaabot ko sa kanya.
"Girl? Ano ginagawa mo?" takang tanong nito sa akin. "Ano 'to iinumin ko ng sabay yung sa akin at 'yong sayo?" dagdag na sabi pa nito sa akin na inangat pa nito ang hawak niyang bote ng smirnoff para makita ko. "Ah, para sa akin ba 'to? Hindi ko alam eh, hindi naman kasi ako umiinom," natatawang sagot ko naman sa kanya habang tinitignan ang baso at pagkatapos ay marahan kong inilagay sa lamesa ang baso.