All That Matters

1554 Words
Titus 3:8 "Ang mga aral na itoʼy totoo at mapagkakatiwalaan. Kaya gusto kong ituro mo ang mga bagay na ito upang ang mga sumasampalataya sa Diyos ay maging masigasig sa paggawa ng mabuti. Ang mga itoʼy mabuti at kapaki-pakinabang sa lahat." Third Person's POV Unang kita pa lang ng mag-asawang Figueroa itong si John Dave ay magaan ang kanilang kalooban. Nang pinapasok ni Ginang Figueroa sa kanilang looban upang ibigay sa kanya ang kanilang kalakal, kinagabihan ay sinabi ng ginang sa kanyang asawa hinggil sa binata. Nagpasya ang mag-asawa na lihim nila itong ipa-imbestiga sa kanilang private investigator tungkol sa buhay ng binatang mangangalakal. Hindi sa pangingialam ng buhay niya ngunit nais lang nila malaman ang lahat sa kanya. Makalipas ang dalawang araw ay pinasa sa kanilang mag-asawa ang resulta ng kanilang pinagawa sa private investigator. Binasa ng mag-asawa ang resulta habang nasa klase ang kanilang anak na si Natalie. Nanlumo ang mag-asawa sa kanilang natuklasan sa buhay ni John Dave. Mangiyak-ngiyak ang ginang Figueroa dahil hindi nakayanan ang emosyon at lumabas ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Humihikbi pa ito habang yakap-yakap ng kanyang asawa at hinahagod ang kanyang likod. Awa at habag na hindi maipinta ang kanilang nararamdaman. Kabaliktaran siya sa kanilang anak na si Natalie, lahat ay naibibigay nila sa kanilang anak na kumbaga ay "spoon fed." Dahil sa kanilang natuklasan ay hinayaan na lamang nila ang pagkakaibigan ni Natalie at John Dave. Nakikita nila ang kanilang anak na masaya sa pakikipag-usap sa binata sa tuwing hapon na galing sa eskwela. Hindi naman magnanakaw ang binata o masamang tao para pagbawalan nila bagkus ay natulungan pa niya si Natalie sa halos pagkabangga nito. Isa siya sa mga kabataan na pag-asa ng bayan at hindi problema na gaya ng karamihan. Ang swerte ng mga magulang ni John Dave kung nabubuhay pa lang sana sila ngunit hindi na mababawi ang pagkakataon dahil nangyari na 'yon. Siya ay matapang dahil nagagawa niyang mabuhay ng mag-isa at di umaasa sa iba. Gaya na lang sa oras na ito ay nagmamadali si John Dave sa pagsisilid ng kanyang mga nabiling kalakal sa sako upang ilagay sa kanyang kariton. Maaga siyang lumabas kaninang umaga at nakarami siya. Ngayong hapon ay marami rin ang kanyang nabiling kalakal at tila ba nagiging blessings in disguise niya ang dalaga sapagkat pagkatapos niyang makausap kanina sa kanilang tagpuan sa labas ng bahay ay nagiging masigla siya. Pauwi na siya sa kanyang tahanan ng narinig niya ang pagkulo ng kanyang tiyan. Umupo muna siya sa gilid ng kalsada kung saan doon niya rin pinarada ang kanyang kariton. Inilabas ang kanyang dalang bimpo saka nagpunas ng kanyang pawis. Pagkatapos nagpunas ng kanyang pawis ay tumayo na ito saka itinulak ang kanyang kariton upang umalis na sa kanyang kinaroroonan. Palabas na siya ng subdivision ng harangin siya ng ilang mga kabataang siga ngunit mapapayat naman. Huminto muna siya sa gilid ng kalsada ng huminto ang limang payat at matangkad na kabataang lalaki sa unahan ng kanyang kariton. Ngumisi ang lima sa kanya. "Pulubi, amin na ang pera mo!" Sigaw ng isang patpating lalaki. Tahimik siya at hindi gumagalaw ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon sa galaw ng mga kabataan sa kanyang harapan. Ibig sabihin ay hold-up pala ito. "Wala na akong pera dahil pinambili ko na ng kalakal at gaya ng nakikita ninyo ay hindi ko pa sila naibenta dahil sarado na ang junk shop sa oras na ito." Mahaba niyang paliwanag. Sa totoo lang kating-kati na ang kanyang mga kamay na suntukin sila at isa pa ay gutom na gutom na siya. Kung hindi pa siya makakain ay marahil mahihilo na siya. Isang lunok ang kanyang ginawa para kahit paano ay mabasa ang kanyang lalamunan dahil nauuhaw na rin ito. "Sinungaling ka, kung ayaw mo ibigay ang pera mo ay bubugbugin ka namin." "Bugbugin na natin iyan, wala ng salita pa!" Sabi ng isa saka agad na sumugod sa kanya. Umalerto siya, hindi pa naman dumapo ang suntok sa kanyang mukha ay namilipit na sa sakit ang lalaki na sumugod sa kanya dahil pinilipit niya ang kamay saka tinulak. Napaupo sa kalsada ang lalaki. Nakita niyang nagulat ang ibang kasamahan nito pero agad din silang bumawi. Sumugod ang isa para tadyakan sana siya ngunit mabilis siya umilag kaya sa hawakan ng kariton dumapo ang paa. Napahiyaw sa sakit ang lalaki dahil ang gitna niya ang unang tumama sa hawakan ng kariton. Nais tumawa si John Dave ngunit pinigilan niya ito. Sumugod ang tatlo pa na kasamahan nila pero sa isang iglap ay nakaupo sila sa semento na kalsada at sapo ang kanilang mga katawan dahil sa sakit. Nag stretch siya ng kanyang katawan at ng tingnan niya ang mga lalaki ay kumaripas na sila ng takbo ngunit halata sa kanila na nahihirapan dala ng sakit sa kanilang katawan. Tinulak niyang muli ang kanyang kariton at nais niyang magtungo sa isa pang junk shop kung bukas pa ito para magbenta ng kalakal. Malaking pasalamat niya ng nakabukas pa ito na parang siya ang hinihintay. Dahil marami ang kanyang na kalakal ay marami rin ang nakuha niyang bayad. Nadaanan niya ang suki niyang karinderya kaya huminto muna siya para bumili ng ulam. Nakangiti ang may-ari ng karinderya ng batiin niya ito. "Nakarami yata tayo,hijo." Sabi ni Aling Minyang, ang may-ari ng karinderya. "Oho, may pambili muli ng ulam." Magalang na sagot ng binata. "Sa binatang masipag ay pinagpapala palagi," dagdag ni Aling Minyang na ikinatawa nilang pareho. Pagkatapos niyang bumili ng ulam ay nagtuloy-tuloy na siyang naglalakad. Nadaanan niya ang mga tao sa gilid ng kalsada na iba't-ibang ang mga ginagawa. Karamihan ay umiinom ng alak kasabay ng paghithit ng sigarilyo. Mabilis ang kanyang paglalakad para malampasan ang mga taong nag-iinuman sa gilid ng kalsada. May mga tumatawag sa kanya para makipag-inuman ngunit tinatanggihan niya ang mga ito. Pagdating ng kanyang bahay ay agad na inayos ang kanyang kariton sa gilid. Pumasok sa loob ng kanyang tahanan, nilagay sa mesa ang kanyang biniling ulam at nagsalang ng kanin sa pamamagitan ng rice cooker. Hinubad ang kanyang t-shirt saka pagod na umupo sa single couch sa kanyang sala. Huminga siya ng malalim saka nagbuga sa kawalan para mailabas ang kanyang pagod na tila naman nabawasan ang pagod sa kanyang ginawa. Nagpahinga muna siya ng treinta-minutos sakto na natapos na ang kanyang nilutong kanin. Naligo siya at pagkatapos ay balak na niyang kumain. Gaya ng dati mag-isa siyang kumain at nakasanayan niya na ito noon pa. Habang siya ay kumakain biglang naisip nito si Natalie, ang dalagang ninanais niyang nakikita araw-araw. Gumaan ang lahat para sa kanya mula ng naging kaibigan niya ang dalaga. Na-i-imagine niya ang maganda nitong mukha, kung gaano siya matamis ngumiti at ang kanyang halakhak kapag nag-uusap sila sa labas ng gate ng kanilang tahanan. Hindi niya namalayan na unti-unti siyang ngumingiti at umiling-iling. Nang natauhan ay mabilis niyang tinapos ang kanyang kinakain. Nagligpit muna siya at mabilis na lumipat sa kanyang kwarto. Nais niyang mag-repaso bago matulog. Para sa kanya ay importante ang laging handa sa mga sorpresang quiz kaya lagi siyang nag re-repaso bago matulog. Pagkatapos ng kanyang pag repaso ay nahiga na sa kanyang kama. Hindi muna siya pumikit ng kanyang mga mata kundi nais muna niyang pagsawain ang kanyang isip para sa dalaga. Habang tumatagal ay mas lalo siyang napapalapit sa dalaga. Naging inspirasyon niya ito para magpatuloy sa pakikibaka sa kanyang buhay. Bigla ay naaalala niya ang kanyang mga magulang, ang buhay nila dati na marangya at may negosyo. Bata pa lamang siya noon ay isinasama siya minsan ng kanyang mga magulang sa kanilang kompanya ang Fermindoza Interior Design Company. Ang kompanya ng kanyang ama ang kilalang kompanya sa buong siyudad ngunit nagkasakit ang kanyang ama kaya kailangan nilang ibenta ang kompanya at ang iba nilang ari-arian para sa operasyon at gagastusin pa habang nagpapagaling ito. Naoperahan ang kanyang ama at matapos ang dalawang buwan ay na discharge sa hospital. Pauwi na sila ng kanilang tahanan ng maganap ang aksidente at dead on the spot ang mga magulang at ang driver nila. Dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang ay hinagpis at pangungulila ang bumalot sa kanya. Inasikaso ng kanyang Tito Emiliano ang lahat, siya ay half- brother ng kanyang ina ngunit pinakita nito ang kanyang pag-aasikaso sa kanya. Sa pagkakataong ito pinatatag siya. Alam niya na ginagabayan siya ng kanyang mga magulang. Malaki ang pasasalamat niya dahil mayroon siyang Tito Emiliano Villaverde na minsan ay pinupuntahan siya dito. Noong maayos na ang pagkamatay ng kanyang mga magulang ay nais ng kanyang Tito na isama siya sa Tagaytay ngunit siya ay tumanggi. Walang nagawa ang kanyang Tito kundi ipaayos ang kanyang maliit na tahanan ng studio type house dahil tinanggihan naman niya ang pagtira ng condo unit. Sobrang saya ang kanyang nararamdaman dahil sa ginawa ng kanyang Tito. Binigyan pa siya nito ng cash para pandagdag allowance at masaya naman niyang tinanggap ito. May pandagdag siya sa kanyang puhunan at iba pang kakailanganin niya sa eskwelahan. Hindi lingid sa kanyang Tito na mangangalakal siya sa umaga bago pumasok sa eskwelahan. Hindi naman kumontra ang kanyang Tito dahil sa mga paliwanag niya. Isang linggo pa lang ang lumilipas ng umuwi ang kanyang Tito sa Tagaytay dahil inaasikaso pa nito ang iba nilang negosyo dahil ang kanyang dalawang anak ay may pinagkakaabalahan na trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD