CHAPTER 7 (ELECTION)

1446 Words
KENDRA Mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na ganito ang mangyayari sa buong taon ko. Nalaman ko naman kay Ara kahapon na puwedeng mabago ang section namin sa Grade 12 kapag pinagbutihan ko at wala na akong violation. Kung hindi, dito na naman ang bagsak ko. Noong una, nalungkot siya na hindi raw kami magkasama. Nagkwento naman siya ng nangyari sa buong section nila. Hindi ko alam kung exaggerated lang siya, pero sabi niya gusto na lang daw niyang lumipat sa section namin. Like, ano bang magandang nangyari kahapon? Nakakaboring nga. "Grabe talaga besh, first day of school pa lang may reporting na agad kami. At over talaga ang mga kaklase ko, mga competitive—walang nagpapatalo. Feeling mo, every subject may debate na nangyayari. Feeling ko tuloy wala akong naambag sa klaseng 'yun. Ganda lang," isa sa mga reklamo niya, at marami pang iba. Napailing na lang ako dahil sa mga sinasabi niya. Alam ko namang kaya niya sa section na iyon. "Sayang lang at wala ka doon. For sure malalampaso mo silang lahat," dagdag pa niya. Hindi ko na lang ito pinansin. "Tsk, pumasok ka na nga lang sa classroom n'yo," sabi ko. Nasa tapat na kami ng classroom nila. May ibang estudyanteng palakad-lakad pa. Sabagay, wala pang time. Napasilip naman ako sa glass window ng classroom nila at masasabi kong busy ang lahat. Mukhang kumpleto na sila at may kanya-kanyang ginagawa. Pero kadalasan, ang iba ay nagre-review or something na may kinalaman sa pag-aaral. Malayong-malayo sa section na pinanggalingan ko. "See you later," paalam nito at nakasimangot na pumasok. Ako naman ay dumiretso ng lakad dahil nasa pinakahuli ang classroom namin. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mainis sa mga tingin ng mga nadaraanan ko. "Siya ba 'yun? Yung umaway kay Olivia?" "Oo, buti nga sa kaniya at sa Black Section napunta." "Ang lakas ng loob niyang kalabanin si Olivia. Hindi ba siya aware na isa sa shareholder ang pamilya nila Olivia?" "Maganda sana kaso masama naman ang ugali. Bagay talaga siya sa Black Section—mga loser." "For sure kahit hindi siya nagkaroon ng violation, mapupunta pa rin siya sa Black Section dahil mahina talaga ang utak niya." Bigla naman akong napatigil dahil sa huling salitang narinig ko. Tatanggapin kong sabihing masama ang ugali ko, pero hindi ang pagiging bobo. Haharapin ko na sana ang nagsabi nun pero may pumigil sa akin kaya masamang binalingan ko ito. "Huwag mo nang ituloy iyan. Gagawa ka na naman ng violation. Pigilan mo yang sarili mo kung gusto mong umangat next year," seryosong sabi ni Serene. Marahas akong napabuntong-hininga dahil sa frustration. Tama ang sinabi niya, pero hindi ko lang matanggap na ganito ang ginagawa nila. Hindi rin ako papayag na ganito nilang maliitin ang section na mababa sa kanila. Nauna na siyang pumasok kaya sumunod na lang ako at umupo sa dati kong pwesto. Ilang sandali pa ay pumasok na si Miss Emery, kasunod naman nitong pumasok ang mga feeling hari na diretso lang naglakad papuntang upuan nila. "Good morning, class." "Good morning, Miss Perez," sagot ng iilan lang sa amin, pero hindi na niya iyon pinansin. "Kahapon sinabi ko sa inyo na magkakaroon tayo ng election para sa classroom officer, at para mapabilis, president lang ang kailangan n'yong inonominate. Ang mananalong president ay siyang pipili ng kaniyang mga cabinet members. So let's start. Raise your hand if you want to nominate someone or if you want to nominate yourself," dagdag pa niya. "Yes, Miss Legaspi?" Nakita ko namang tumayo si Jessica. Kaya may idea na ako kung sino ang i-nonominate niya. Psh. "I gladly nominate Mr. Nyx Rowan Espinoza," confident na sabi niya. Narinig ko namang nag-ingay ang mga kaklase ko na mukhang gusto nila ang nangyayari. "Well then, Mr. Espinoza, please come to the front. Does anyone want to nominate someone else? If no one else wants to run against Nyx, you may now close the nominations." Nakita ko namang pumunta na si Nyx sa harapan at ngumisi sa akin. Psh, dinamdam talaga niya ang sinabi ko kahapon. "Anyone who wants to close the nomination?" Narinig ko namang nag-iingay ang mga kaklase ko para bang nagbibiruan kumbaga nagsasabi sila ng mga names nainonominate pero magtatawanan ganung mga senarios. "Ma’am," bigla namang natahimik ang buong klase ang lamig ng pagkakasabi niya nun na parang walang kabuhay-buhay. Kaya agad akong napatingin sa nagsalita. Walang iba kundi yung feeling hari—si Saldivar. Ano bang meron at masyadong takot ang mga estudyante sa kaniya? Kahit magsalita lang ito ay napaka big deal sa kanila. "Yes, Mr. Saldivar?" Kahit ang adviser namin mukhang mas nirerespeto pa siya. Halos lahat ng estudyante ay nakatuon sa kaniya kung anong sasabihin niya. Nakita ko naman siyang tumayo pero hindi ko alam kung bakit tumingin pa ito sa gawi ko bago humarap kay Miss Emery. "I gladly nominate... Miss Kendra Del Verra for the position of class president," malamig na sabi nito. Gulat na napatingin ako sa kaniya. Nanadya ba siya at gusto niya akong ipahiya? Ni wala ngang nakakakilala sa akin sa classroom na ito bukod kay Serene. Lalong natahimik ang buong klase at napabaling ang lahat ng mata sa akin. Iba’t ibang reaksyon ang ipinapakita nila at wala akong mabasa sa kahit alin doon. This is bullying—gusto niya akong ipahiya. "Okay, Miss Del Verra. Please come in front. Meron pa bang magnonominate? Kung wala na, you can close the nomination." "Ma’am, I close the nomination," mabilis na sabi ni Serene at ngumiti sa akin. Napasimangot na lang ako dahil sa nangyayari. Labag man saakin pero lalong ayokong ipahiya ang sarili ko kung hindi ako sumunod. "Before we proceed to voting, let’s first listen to the nominees and hear their platforms in case they win. Let’s start with Nyx Espinoza." May ganun pa? Anong sasabihin ko? Kasalanan ng Saldivar na iyon. Humanda siya sa akin—hindi ko palalampasin ito. "If I’m elected as your class president, I will dedicate my efforts to making our class more united, active, and successful," confident na sabi ni Nyx. Nagpalakpakan ang mga kasama nito. Hindi ko alam kung paniniwalaan ng mga kaklase namin ang sinabi niya. Pero satingin ko naman mukhang kakagat sila sa mga plataporma niya. "How about you, Miss Del Verra?" Ako? Ano bang puwede kong ibigay na sa tingin ko ay kaya ko? Hayaan ko na lang kaya siyang manalo? Pero hindi ko ugaling nagpapatalo paano ba yan. Tumingin ako sa buong klase at nakita ko ang mga matang parang may gustong sabihin pero takot silang magsalita. Naalala ko si Serene at ang nangyari sa akin kanina—yung gusto mong ipagtanggol ang sarili mo pero natatakot ka dahil sa puwedeng gawin sa 'yo ng iba. Pero hindi ako papayag na ganito na lang tratuhin ang section na ito na parang saling-pusa, mga walang patutunguhan o pangarap. We’re labeled as the "Loser Section" or the "Worst Section." Kaya hindi ako papayag na ganito na lang ang tingin nila sa amin. Now, I’m motivated to become the president of this class and be their voice. Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sakanila. Lalo na sa Saldivar na iyon akala niya pwede niya akong ipahiya ng ganun-ganun hindi ako papayag. "If you choose me as your class president, I promise to give it my all and make sure everyone’s voice is heard. I also promise that I won’t let anyone look down on our section. We may be the last section, but we’re definitely not the least. I hope I can convince you. I know it sounds idealistic, but I will make it happen no matter what." Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko, ang alam ko lang kung anong nararamdaman ko iyon ang gusto kong sabihin sakanila. " "Okay, that was an impressive platforms from both of you. Now, let's move on to the voting. Who wants to vote for Mr. Nyx Espinoza?" Isa-isa namang nagtaasan ng kamay ang mga kaklase ko kaya napayuko na lang ako. Ano ba itong ginawa ko? Gumawa na naman ako ng kahihiyan. "How about Miss Del Verra? Who wants to vote for her?" Hindi na ako nagtaas ng tingin dahil alam ko na ang magiging resulta. "So, majority wins goes to Miss Del Verra." Bigla akong napaangat ng tingin at doon ko nakita na halos lahat ng kaklase ko ay nakataas ang kamay—including Saldivar and his company (sorry naman, hindi ko pa alam ang mga pangalan nila), at si Serene na nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito, pero isa lang ang masasabi ko: halos lahat sila ay may pag-asa sa mga mata. Umaasa silang mababago ang ganitong sistema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD