Kendra
10/24—Iyon ang naging result kanina kaya ako ang nanalo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa naging resulta. Pero dahil nandito na at ginusto ko rin naman kaya paninindigan ko ito.
“At dahil ang nanalong President natin ay si Kenda Del Verra, siya na ang pipili ng kanyang mga cabinet members. So, you may choose your member now let’s start in Vice President down to Muse. Alam kong hindi mo pa sila kilala masyado pero may tiwala akong pipili ka ng mga mapagkakatiwalaan mo. Kung hindi mo alam ang pangalan nila pwede mong ituro at ako ang magsasabi ng pangalan nila. Let’s start.” Napaka-interesting naman nito at the same time mas mahirap pala kung ikaw ang pipili dahil wala man lang akong background kahit isa sakanila so paniniwalaan ko na lang gut feelings ko ganun. Kendra, you can do this.
“For my Vice President, I’ll choose Serene Acosta.” Nakita ko ang gulat sakanya na bumaling saakin. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko lang. We’ll siya lang ang kilala ko sa second day of class so I don’t have a choice. Pero nararamdaman ko rin na kaya naman niyang panindigan ang pagiging Vice Pres.
“Please, come out to the front. Miss Acosta. Next. For your Secretary.” Nahihiyang pumunta naman ito sa harap. Okay ito na talaga ang pinaka mahirap dahil wala na talaga akong kilala sakanila. Think..think… There you are. It’s payback time.
“For my Secretary, I’ll choose Mr. Saldivar.” Napasinghap naman ang mga kaklase ko dahil doon. What? Alam kong hindi siya pangSecretary material satingin ko mas bagay pa siya sa position na Escort. Pero dahil sa nangyari pagbabayaran niya ang ginawa niya saakin. Nakangising tinignan ko naman ito at mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. That serve you asshole.
“Please, come out to the front Mr. Knox Harrison Saldivar.” So, iyon pala ang buong pangalan ng feeling hari na ito. Seryosong tumayo na ito at lumapit pero ng makalapit ito saakin may sinabi pa ito bago tumabi kay Serene. Ngiting pang-aasar lang ang ibinalik ko.
“For my Treasurer, I’ll go with Mr. Nyx Epinosa.” Kahit magkalaban kami kanina, I think he can manage naman to be on that position. Sa mga sumunod na pagpipili ko ay lalo akong nahihirapan na talaga umasa na lang talaga ako sa gut feelings ko at sana hindi ko pagsisihan ito. Dahil hindi ko sila kilala lahat kaya itinuturo ko na kay Miss Emery ang gusto kong isamang officers.
CLASS OFFICERS FOR BLACK SECTION
President: Kendra Madison Del Verra
Vice President: Serene Bianca Acosta
Secretary: Knox Harrison Saldivar
Treasurer: Nyx Rowan Espinoza
Auditor: Krystal Legaspi (para sama-sama silang magkakaibigan para sa pag mamamanage ng pera namin sa classroom kung sakali.)
Business Manager: Jessica Legaspi
Public Information Officer (PIO): Samantha Buenavista (Siya yung nakikita kong pinaka madaldal sa classroom (in short chismosa) kaya kinuha ko na rin para naman may sense ang pagiging madaldal niya. Pero sana relevant lahat ng kailangan niyang sabihin na infos.
Peace Officer: Hezron Drake Augustine (napansin ko lang din parang siya yung susumunod na kinatatakutan dito aside kay Feeling Hari. So siya ang kinuha ko para in case na maging magulo ang klase at hindi na mamanage ay siya ang gagawa hahhaaha.)
Black Representative: Claire Sandra Flores (Hindi ko alam kung bakit. Basta nakita kong pwedeng irepresent niya. Hindi ko rin alam kung bakit may ganitong position Hahaha)
Escort: Riego Jimenez (Dito ako nahirapan sa pagpili dahil masasabi kong ang dami kong kaklase na may itsura talaga. Pero dahil sabi ni Ma’am ay sila ang isasabak namin sa mga contest. Kaya sa tingin ko siya ang pinakaconfident kong ipapambato sa klase namin. Kaibigan rin pala siya ni feeling hari.)
Muse: Althea Sebastian (Ganun rin ang reason ko katulad sa Escort.)
“These are the official list of officers for the Black Section. Let’s give them a round of applause, please.”Nagpalakpakan ang mga kaklase ko—‘yung iba nga, nagsisigawan pa. Ewan ko kung bakit gano’n. Matapos ang nomination, nag-announce si Miss Emery na itutuloy na lang daw namin ang discussion bukas.
“Kendra, sumunod ka sa’kin.” Tumango lang ako pagkatapos niyang sabihin ‘yon. Tahimik ko siyang sinundan papunta sa faculty. Pagkarating namin doon, may ilan-ilan nang teachers sa loob. Nagbigay-galang naman ako, pero hindi nila ako pinansin.
Naningkit tuloy ang mga mata ko at tinandaan ko sila isa-isa sa isip ko. Tsk.
“Miss Del Verra, tatapatin na kita. I’ve seen all your credentials from your previous schools, and I was amazed. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit napunta ka sa Black Section—but I think I already know the answer.”Makahulugang ngumiti ito at itinuloy ang sasabihin. “Natutuwa ako na ikaw ang nanalo kanina. Although, I believe na kahit sino sa inyo ni Nyx ang nanalo, magagampanan niyo naman nang maayos ang posisyon na ‘yon.”
“I’ll be frank with you—hindi madali maging president ng Black Section. I don’t know kung paano ka namuno sa dati mong school, pero siguro napapansin mo na rin ang ugali ng mga kaklase mo dito na iba sila, hindi ba? Maybe it’s because most of your families have influence, kaya hindi madaling utusan ang mga estudyante rito. They hold on to their pride and dignity.”
“As president, inaatasan kitang bantayan at panatilihing maayos ang klase kapag wala ako o hindi ako ang subject teacher niyo. Hindi lang ‘yon—as class president, may mga school activities rin, and you’ll be required to attend meetings. Ikaw ang magde-decide kung sasali kayo o hindi. I won’t force you, pero gusto ko sana, every decision mo, kinokonsulta mo muna ang mga kasama mo. Are we clear?”
“Yes, Miss.”
“Thank you, Miss Del Verra. I’m putting my full trust in you. Don’t hesitate to approach me kung may problema—after all, ako pa rin ang adviser niyo and I’ll always have the final say. You may now go and talk to the officers na napili mo para mapag-usapan niyo ang mga puwede niyong gawin sa classroom. Alam kong may rules na tayong sinusunod, pero kung gusto niyong dagdagan, puwede niyo ‘yon gawin.”Pagkatapos ng usapan namin ni Miss Emery, nagpaalam na ako dahil may next subject pa kami. Tama siya—hindi magiging madali ang pagiging president ng Black Section.Pero hindi rin ako papayag na maliitin ako o bastusin ng kahit sino—kahit pa sino pa sila.