Chapter 16

2426 Words
Tala's POV: Today is the celebration for college freshmen. Hindi ko nga ma-gets kung bakit kailang patapos na ang 1st sem tsaka lang kami magkakaroon ng party na school ang nag-organize at hindi mga estudyante. "You going?" Laxus asked. "Hindi." "Why?" "Not my thing, matutulog na lang ako mamaya sa bahay to gain more strength dahil magrereview na naman ako for finals." "Hey, don't be too hard on yourself. Let yourself enjoy for a while, just for today lang naman. I am a witness of how you studied so hard for this semester so you deserve a break, Elle," he said with his famous convincing eyes. "Pag-iisipan ko." "Okay, that's progress. Still, if you're not coming to the party, then I won't go either." "Huh? Why? Baliw, pumunta ka. Ang arte nito." "Nah, what will I do there kung wala ka naman? Girls will just come at me at once just to ask me if they can have a dance with me. Unfortunately, no. Not now that I have you already." "Sus, nakalusot pa. Ang dami mo talagang alam, dun ka na nga! May training kayo 'di ba?" "Yeah, you want to watch me play?" "May gagawin pa ako---" "Please? Just this once. Watch our training, watch me train. Please, Elle, please?" "Fine. I will just submit some paperwork sa prof natin sa bio then susunod ako sa court." "Promise?" He said while offering his pinky finger to me like he's a child hoping for a girl not to break a promise. I intertwined my pinky finger into his and said, "I promise. Una na 'ko para mapasa ko na agad. I will head straight to the court na lang so you don't have to wait for me outside anymore." "Okay, I will wait for you inside the court. See you, take care!" And then we parted ways. Bago ako pumasok sa faculty room, sinigurado ko muna na marami ang tao sa loob at hindi ako mag-iisa. Dahil kasi sa nangyari nung nakaraan ay natatakot na akong pumasok nang mag-isa sa mga kwarto o kung ano pa man. "Miss, ito na po 'yung hinihingi niyong papers sa 'kin," sabi ko habang nakalahad ang mga documents na pinag-utos sa akin kanina ng prof namin sa bio. "Hmm, thanks, Cruz. Are you alright?" "Uh, yes Miss. Una na ho ako," pagpapaalam ko at dirediretsong lumabas ng faculty room. Ramdam ko ang atensiyon ng mga teacher sa loob ng faculty room na nakatuon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason nila para tumitig sa akin pero malamang sa malamang ay dahil 'yon sa insidenteng nangyari. Bakit ba pinapamukha sa akin ng mga tao sa impyerno na 'to na kasalanan ko ang nangyari? Na ginusto ko ang nangyari? Tangina, ang kikitid ng utak. Akala mo mga walang pinag-aralan. "Tala!" "Uy, hi." "Where are you going?" "Court." "Oh, papanoorin mo training namin? I mean, papanoorin mo si Padua? Sabay ka na sa 'kin. Dun din punta ko, e. May pinasa lang ako sa isang prof." Tumango lang ako sa mga sinasabi ni Chino kahit wala naman akong naintindihan dahil nasa kung saan ang huwisyo ko. Kada lakad ko ay may nakatingin sa akin na para bang nakakadiri ako. Tangina, ano ba'ng problema ng mga tao rito? "Okay ka lang?" "All of them are looking at me without even trying to hide it, nakakainis." "Don't mind them. Mas maingay talaga ang mga walang laman. You know what I'm saying." "Right." "Himala, manonood ka ng training. Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa ganito?" "Ngayon lang. Pinilit ako ni Lax manood ng training, e." "Hmm, I see." Matapos nun ay wala ng nagsalita pa sa aming dalawa at tahimik na lang kaming nakarating sa court. Pagpasok ko ay rinig ko agad ang mga tunog ng mga sapatos ng mga naglalaro dahil sa panay na pagtakbo nila sa court. Nakita agad ako ni Laxus pagpasok ko ng court at kumaway pa siya sa akin nang bigla siyang mapalingon sa tabi ko at nakita niya si Chino kaya naman agad na nawala ang ngiti sa labi niya. Here comes this guy. Asahan niyo na na lalapit siya sa akin para lang tanungin kung bakit kami magkasabay dumating ni Chino, pustahan pa tayo. "Why are you guys together?" He asked pagkalapit na pagkalapit niya sa akin. "You didn't text me that you're on your way already para nahintay sana kita sa labas or nasundo---" "I'm fine. Nagkita lang kami malapit sa labas ng main, we decided na sabay na lang pumunta since rito rin naman daw ang tungo niya," I explained while looking at him directly in his eyes. "Okay, let's go. I will find you a seat. Do you want to sit beside me sa bench?" "Baliw, ayoko. Puro players lang ang nakaupo roon tapos papaupuin mo ako? Nababaliw ka na ba? Ako na lang hahanap ng komportableng mauupuan ko, sige na. Balik ka na roon, hinihintay ka ng teammates mo oh." "You sure?" I nodded. "Well then, okay. Make yourself comfortable and watch me eat this practice game for you." "Sus, yabang. Baka wala kang laro ngayon ah?" "Hindi ako nawawalan ng laro, Cruz." He playfully said with a smirk on his face before he jogged his way to his teammates. Tangina, that is kinda attractive. He's so effortless talaga in everything and yet he can still manage to pull it all. Must be nice. Humanap na ako ng upuan para makapanood na ako ng game. Pumuwesto ako sa medyo malayo sa mismong court dahil ayoko sa masyadong malapit. Maramirami rin ang nanonood ngayon ng practice game at ang iba pa nga ay may mga dalang banner na may pangalan ni Chino at Laxus. Mga sikat naman pala. Nag-start na ang game nila and the first half was nice. Maayos ang laro ni Laxus at ni Chino. Pareho silang magaling, pareho silang mabilis kumilos, at parehong laging pasok ang mga tira nila sa bola. Pareho silang captain material. "GO LAXUS!" "GO BABY!" "LAXUS BEST CAPTAIN!" Kung iniisip niyo na ako ang sumigaw non, nagkakamali kayo. Mamamatay muna ako bago ako sumigaw nang ganiyan. May tatlong babae na nakaupo sa mismong likuran ng kinauupuan ko. Lagi nga nilang nasisipa ang upuan ko dahil sa harot nila sa tuwing pumapasok sa ring ang tira ni Laxus. Laxus turned his gaze towards my direction and I raised a brow at him, trying to ask him what was up but then he just winked and jogged again to continue the game. "Oh my God. Did you see that? He f*****g winked at me!" "Huh? What do you mean? Bulag ka ba? Sa akin siya kumindat 'no! Anong sa 'yo? Nahihibang ka na ba?" "Para kayong tangang dalawa. Nag-away pa kayo, e obvious naman na ako ang kinindatan ni Laxus 'no! Mga ilusyunada kayo!" Oh. What if I tell them na ako naman talaga ang kinindatan? Baka balatan na lang nila ako ng buhay dito mismo sa kinauupuan ko. Nevermind. Bahala silang pag-agawan si Laxus. Natapos ang 1st quarter ng game at nanalo ang team ni Laxus. Konti lang din naman ang agwat mula sa team ni Chino with a score ending in 89-84. Grabe, talaga bang practice game lang 'to? Lahat sila seryosong-seryoso sa laro. Magkakakampi naman silang lahat for school pero ayaw magpatalo ng parehong team. Leeg kung sa leeg ang labanan. Hindi naman ako maalam sa mga sports pero alam ko naman ang kalakaran ng basketball dahil lagi akong nanonood sa TV noon tuwing may laban ang Ginebra. Break nila ngayon bago magsimula ang 2nd quarter. Nasa bench ang lahat at kaniya-kaniya silang inom ng mga baon nilang tubig o Gatorade. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsan ko at nakita ko ang isang text mula sa isang unknown number. Sino naman 'to? From: 093++++++++ Get down here. Walang magpupunas ng pawis ko. There I saw Laxus standing in front of the bleachers that I am currently on while typing something on his phone. How did he get my number? To: 093++++++++ Hindi mo ako katulong. Magpunas ka mag-isa mo. Hanep ka, ah? Gusto mo pa ng taga-punas ng pawis mo? Baka saksakin kita d'yan. Bumalik ka na roon! Nakita ko ang pagtawa niya habang nakatingin sa cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin at ngumiti bago bumalik sa bench nila. After a minute, nagsimula na rin ang 2nd quarter. So far, so good. Lamang pa rin ang team nila Laxus. Si Chino, maayos naman ang laro pero napapansin ko na wala siyang madependehan sa team niya kaya para bang mag-isa lang siya na naglalaro para sa team niya. Again, naka-shoot ulit ng tres si Laxus. Then he smiled at me. "Oh my God, is he smiling at this girl?" 'Yun lang. "I think so too!" "Who's this b***h?" Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at akmang bababa para lumipat ng pwesto ng binalot ng pagkagulat ang buong court at isang mahaba at malakas na pito ang dumagundong sa loob ng court. Pagtingin ko sa baba, parehong nakahiga si Laxus at Chino sa sahig ng court habang hawak ang mga ulo nila and there's blood. There's blood coming out from Laxus' head. s**t. Dali-dali akong tumakbo pababa at papunta sa gitna ng court. Dumiretso ako kay Laxus at tinignan ko ang kalagayan niya. He had a concussion. "Tumawag kayo ng mga nurse from the infirmary, dali!" Sigaw ko sa kung sino at naramdaman ko naman ang pag-alis ng dalawang lalaki palabas ng court. Sila siguro ang tatawag ng nurse. "Laxus, can you hear me?" No response, "Can you see me?" Still no response, "Move. 'Wag niyo siyang paikutan, he's having a difficulty in breathing." Naiwan sa tabi ko ang isang lalaki na nakatingin pa rin hanggang ngayon kay Laxus. Naka-unan ang ulo ni Laxus ngayon sa binti ko para maging komportable siya hindi katulad kanina na nakabagsak lang sa sahig ang ulo niya. "You know what happened?" Pagsasalita ng lalaki sa tabi ko, "Lim did that to Laxus. Intentionally. You're friends with him, right?" "Chino? Paano mo naman nasabi na sinadya ni Chin---" "Laxus was going for a tres again and Chino saw through that kaya naman sinalag niya si Laxus gamit ang buong katawan niya. Sakto, tumama ang ulo ni Laxus sa baba ni Lim. Kaya nagkaganiyan silang dalawa. Kita naman naming lahat na sinadya ni Lim. Nagkakainitan silang dalawa kanina pa sa loob ng court, e." Lumingon ako sa gawi ni Chino pero wala na siya roon, "Where's Chino?" "Don't know." Sakto lang ang pagdating ng tatlong nurse mula sa infirmary, may dala silang stretcher at binuhat nila nang marahan si Laxus para ihiga roon. "Stay awake, okay? Wait for me." Bulong ko kay Laxus bago ako tumakbo palabas ng court habang dinadial ko ang number ni Chino. Paano niya nagawa 'yon? Did he really do that? Bakit? Hindi ko ma-dial ang number ni Chino dahil mukhang nakapatay ang cellphone niya kaya naman si Riley ang sinubukan kong tawagan pero hindi rin siya sumasagot. Nagpunta ako sa parking sa pagbabakasakali na nandoon pa si Chino at paalis pa lamang siya kaya naman naghintay ako sa parking ng halos kalahating oras bago ko siya nakitang papalapit sa akin. May marka ng mga dugo ang suot niyang white tshirt at hindi rin siya makalakad nang maayos papalapit sa akin. "Hindi mo ba dala ang kotse mo?" Bungad ko. Alam kong pang-tanga ang tanong ko pero hindi ko na alam ang ibubungad ko. Dala niya kasi ang isang helmet ng motor kaya naman napatanong ako. "Why are you looking for me?" Bakit nga ba? "Gusto ko lang sana itanong kung ano ang nangyari---" "You came here looking for me because someone told you that I did that to Padua on purpose, right?" I am dumbfounded by what he said. "I---" "How can you doubt me just like that, Tala? Ikaw pa? Ikaw pa na nakakakilala sa akin nang matagal na? You did think for a second that I am capable of doing that to someone? Damn, I never thought that you can be this harsh, Tala." Disappointment was evident in his tone and I couldn't even look him in the eyes dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala naman akong sasabihin dahil tama naman ang mga sinasabi niya. I did doubt him for a second, and for what? For what, Tala? Tangina, nahihibang na talaga ako. "I'm sorry, gusto ko lang namang itanong kung ano talaga ang nangyari---" "Hmm, right. You're concerned of course, it's Laxus after all. But how come you didn't even check me how was I? Pareho lang naman kaming bumagsak sa sahig. Pareho lang naman kaming dinugo. So bakit? Why did you come running towards him first without even glancing at me? I was hurt as well, Tala. I am hurting even right now. So, why? Why did you run towards him first?" Nagbabadya na ang mga luha ko sa pagpatak pero ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan ang mga luha ko. I can't cry in front of Chino. Not now and definitely not today. "I feel like you're building this wall between you and me. Between you and Riley. Ever since you had contact with Laxus, hindi ka na namin makausap ni Riley. Ni hindi ka na namin makamusta, hindi ka na namin makausap, hindi ka na namin makasama, hindi na kami makapag-kuwento sa 'yo. Do you realize that? We're your friends, Tala. Friends are not supposed to leave one another when they found someone new that they can talk to." "Hindi ganoon 'yun, Chino. Hindi ko kayo iiwan sa ere nang ganoon lang at alam mo 'yun." "But you already did. You did leave me hanging just now, Tala. Whether you like it or not, you did leave me hanging in there." "I'm sorry, I was---" "I'll go ahead. You go back there and check him if he's doing fine. Tell him that I am sorry for doing my role in basketball which is guarding by the way." "Chino---" "Don't talk to me for a while, Tala. Give me some space to think first. Take care." Then he left, riding his motorcycle. He left me dumbfounded in the middle of the parking lot while raining. The rain started pouring as soon as he left. And if you guys will see me right now, I look like s**t. I look like I am abandoned or something. And this is when I knew. This is when I knew that words can cut even the deepest part of your heart. Words do bleed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD