Chapter 15

2470 Words
Tala's POV: "She's back." "She has the face to come back? Walang hiya rin talaga." "What do you expect? She's using Laxus as her shield. Manggagamit." "Is she even molested? Baka nga gawa-gawa niya lang 'yon para hindi siya makapasok." "Who knows?" Wala pa 'yon sa kalahati ng mga narinig kong bulungan pero parang gusto ko na umuwi at huwag na lang pumasok. Makakapasok ka ba niyan? Pinapalabas pa nila na gawa-gawa ko lang ang nangyari sa akin noong araw na 'yon, tangina. Gusto ko silang saktan lahat hanggang sa maramdaman nila 'yung sakit na hanggang ngayon ay dala-dala ko. "Don't mind them, they are just speaking bullshit. Don't look down, Elle. You did nothing wrong." Mahigpit na hawak ni Laxus ang mga balikat ko na para bang nagsisilbi siyang alay sa akin para makalakad ako nang maayos dahil pakiramdam ko ay babagsak na lang ako anytime dahil sa mga usaping naririnig ko. "Tala!" Sinalubong ako ni Riley nang mahigpit na yakap nang makita niya ako sa tapat ng main building. Kasama niya rin si Chino ngayon at mukhang hinintay yata talaga nila ako na makarating dito para makita nila ako. "Kamusta ka? I'm so sorry wala ako sa oras na kailangan mo ng tulong. Hindi man lang din ako nakapunta sa ospital dahil sobrang daming ganap sa kompanya namin, sorry Tala." "Ano ka ba, Riles. Ayos lang. Ayos na ako. 'Wag kang mag-alala. Hindi mo naman kasalanan na nangyari ang pangyayaring 'yon." "Still, babawi ako sa 'yo, okay? Alam kong pipigilan mo ako pero just let me, okay? I will pick you up later after your class if that's okay with you. Let's go to the mall," excited na pag-aaya ni Riley sa akin. "Hoy, sama ako!" Sabat ni Chino na kanina ay nakatahimik lang sa itaas na bahagi ng hagdan. "Manahimik! Girls only! Anong sama ka? Asa ka! Gumimik ka na lang kasama mga tropa mong pangit!" "Tropa kita, e 'di pangit ka pala, Riles?" "I hate you, Lim. Una na ako Tala, I have a class to attend pa, e. Text me na lang if you're up mamaya, okay? Take care, see you!" Aniya at saka siya bumeso sa akin. Nang makaalis si Riley, para kaming nasa library dahil sa katahimikan na bumalot sa aming tatlo. Si Laxus at Chino ay nakaiwas ang tingin sa akin. Ano ba ang ineexpect ng mga 'to na mangyari? Bakit hindi pa sila magsilakad? "Pasok na tayo, baka ma-late pa tayo, e. May hinihintay pa ba kayo?" Sabay silang umiling kaya naman nauna na akong maglakad papasok sa main building. Bahala sila kung may plano silang mag-away o ano. Malalaki na sila, kaya na nila 'yan. "Tala, musta?" Pagpasok naming tatlo sa room, nalipat agad sa amin ang atensiyon ng lahat. Buong school year yata ay ganito na lang ang ambag naming tatlo, maging center of attention ng lahat. "Ayos lang." Hindi naman kasi kami close, e. Mangangamusta siya, e never nga kami nagkaroon ng interaction. Tahimik akong umupo sa pwesto ko at nilabas ang notes ko dahil baka may surprise quiz ang mga prof namin. Ayoko naman mangitlog dito 'no. Hindi pwede, ayoko. "Ms. Cruz? I thought you're on leave?" "Okay na po ako, Miss. Nakapagpahinga na po ako nang maayos for weeks, sorry po sa pagiging MIA ko." "No, it's fine. I uh---I am sorry about what happened. We didn't know---" "I'd rather not talk about it, Miss, thank you." Pagpuputol ko sa sasabihin ng prof namin dahil mukhang may balak pa siya na ipakuwento sa akin ang buong nangyari. For what? "Right, my apologies, Ms. Cruz. Now let's start our lesson for today. Please be sitted." Alam ko na ang lesson namin ngayon dahil nag-advance study ako noong nasa bahay lang ako at nagpapahinga. Wala naman akong ibang gagawin kung hindi ang mag-aral dahil wala naman akong ibang pinagkakaabalahan. Wala nga ako ni isang social media account. Wala ako sa mga group chat or whatsoever kaya organized ako sa lahat. Besides, kung mayroon man akong makalimutang announcement or gawain, Chino will text it to me ASAP. "Are you not listening?" Tanong ng katabi ko. "Nah. I did some advance study habang nasa bahay ako. Ikaw, makinig ka. Kailangan mo 'yan," nagbibiro kong anas. "Tsk, yabang. Date tayo mamaya?" "Date mo mukha mo. Ano sinasabi mong date d'yan? Mag-isa ka." "What? That's harsh? We will just eat sa mall and go home na rin agad," pamimilit niya sa akin nang pabulong dahil baka mahuli kami ng prof namin na nag-uusap habang nagdidiscuss. "Manahimik ka nga, Laxus. Makinig ka sa lesson oh, ano'ng kinukulit mo d'yan?" "Date." "Ayoko." "First date." "Hindi." "Have a date with me, please?" "No." "Baby, please?" "Tangina mo, hindi ka titigil?" "Hehe joke lang, don't be mad." Siraulo talaga. Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong side, e siraulo siya? Masama siyang nilalang hindi ba? Nung hindi pa kami nag-uusap kulang na lang lamunin niya ang bawat pagkatao ng kung sino. Kahit nga ako ay minamaliit niya noon. At ako? Ano'ng karapatan kong makaramdam ng mga bagay sa tuwing kasama ko siya? Mahal ang bigas kaya dapat ay nag-aaral ako nang mabuti, hindi ba? Nag-aaral naman ako nang mabuti, ah. Okay lang naman sigurong makaramdam ako ng mga bagay na bago sa akin? Pinilig ko ang ulo ko dahil nababaliw na yata ako kakaisip ng kung ano-ano. "Okay, we will have our lab activity for today. Get your kinds of stuff, we will go to the laboratory room." Sa wakas, nagkaroon din ng activity outside the room. "Boo!" "Ay, shuta ka!" "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" "Chino, ano ba!? Bakit ka nanggugulat!? Parang tanga," inis na sambit ko dahil halos humiwalay na ang kaluluwa ko mula sa katawan ko nang bigla siyang patalon na sumulpot sa harapan ko habang naglalakad ako. "Tawa ka pa d'yan, sipain kaya kita?" "Kung kaya mo." "Talaga!" "Lunch tayo mamaya, ha. Na-miss kita kasama kumain ng lunch, e. Lagi ka na lang wala, saan ka ba nagpupunta?" "Baliw ka ba? Ilang weeks ako nawala 'di ba? Ano sinasabi mo d'yang saan ako nagpupunta?" "Hindi, kahit naman hindi ka pa on leave, bihira na lang kita makasama mag-lunch dahil lagi kang may excuse or kapag wala naman hindi kita mahagilap sa campus. Saan ka ba nagsusuot?" I have a lot of explaining to do sa kanila ni Riley and I feel like the worse friend ever for not telling them even the slightest thing about my life. Nakokonsensiya rin ako na hanggang ngayon ay wala silang idea kung ano ba ang ganap sa buhay ko, at kung ano ang meron sa amin ni Laxus. Well, ano nga ba? Is there even something to begin with? "Oh ayan, spacing out ka na naman. Ikaw ba talaga si Tala? Ikaw ba talaga 'yung Tala ko? Ibalik mo nga si, Tala! Hindi naman tulala lagi si Tala, e!" "Chino, manahimik ka bago kita masapak d'yan. Ang ingay mo kaya! Nagkaklase pa 'yung ibang section na nadadaanan natin oh, mahiya ka." "Whatever, Tala girl." "Okay so first," sinimulan na ng prof namin ang pagpapaliwanag kung ano ang magiging activity namin para sa araw na 'to. Ang hirap ng activity, s**t. "Ms. Cruz, are you sure you're okay?" "Yes, Miss." "Are you stable?" Tanong ni Laxus mula sa gilid ko habang inaayos niya ang lab uniform niya. "Mhm, ayos lang ako." "Ask me anything kapag may hindi ka alam or hindi mo magawa, I will cover for you." He looks so good sa tuwing determinado siya sa isang bagay. Tulad ngayon, he is talking to me without even looking at me 'cause he is busy fixing his tools and materials for the activity. Tangina, mula rito sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya. "Why are you staring at me?" Pagtatanong niya kaya naman bigla akong nag-iwas ng tingin at bumalik sa ginagawa ko. Siya lang talaga nakakapagparamdam sa akin na dapat akong mataranta sa tuwing may kausap ako. Kapag kausap ko siya para akong mauubusan ng kaalaman sa kakahanap ko ng mga tamang salita na dapat isagot sa kaniya, e. "Tala, tabi tayo!" Biglaang sulpot ni Chino sa kanan ko habang bitbit niya ang mga lab tools niya. "We have a fixed sitting arrangement for the lab as well, right? What are you doing here? As far as I know, hindi ka katabi ni Elle." Kung kanina ay hindi ako tinitignan ni Laxus habang nagsasalita siya, ngayon ay tinigil niya ang ginagawa niya para lang sumabat kay Chino habang mataimtim na nakatingin ang malalalim niyang mga mata sa kabuuhan ni Chino. "I already asked Miss, if I can sit beside Tala so that I can guide her if ever na mayroon siyang hindi alam gawin. And what did you just call her? Elle? The f**k is that, dude? Since when---" "Shut the f**k up, Lim. If you speak another word, I will f*****g break this glass into your stupid face." Oh, that's harsh. "H-hoy, tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata ah." Mabuti naman at nakinig sila sa akin kahit pa hindi pa rin naaalis ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawang 'to! Akala mo mga bata na nagtatalo dahil sa laruan, e. "You already know what to do?" Laxus asked. "Hmm, hindi pa. Makikinig na lang muna ako sa gagawin pa ako mag-proceed sa gagawin." "You don't want me to teach you?" "Nah, you've already done enough. Kaya nga ako pumasok na para makarinig na ako ng lessons from prof, e. Umay sa 'yo." Pabiro kong sabi. "What? What do you mean umay sa 'kin? Nauumay ka na sa pagtuturo ko? s**t, why didn't you tell me sooner---" "Gago, nagbibiro lang ako. Ang OA mo talaga, e 'no? Gumawa ka na nga d'yan." "Tss." Gagawa rin pala ang dami pang sinasabi, e. Madali lang naman ang instructions na ibinigay sa amin kaya madali lang din akong nakasunod sa dapat gawin. Alam ko rin naman 'yung origin ng lesson namin for this activity kaya hindi ako naligaw. Buti kamo at magaling magturo si Laxus dahil kung hindi, hay nako hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko dahil sa sobrang dami kong hahabulin. Thank God that I have him. --- "Let's go eat lunch na, hmm?" "Uhm, hindi muna ako sasabay sa 'yo mag-lunch for a week siguro," nag-aalangang sambit ko kay Laxus habang naglalakad kami pabalik ng room. "Huh? 1 week? Why? What's wrong?" "Sila Riley kasi, e. Nagtatampo na sa akin. Hindi na raw ako sumasabay sa kanila mag-lunch. Sa kanila na muna sana ako---" "Oh, of course. You don't have to explain yourself. I completely understand, Elle. Go take some time with your friends," he genuinely said while smiling at me and caressing my hair. Lord, I am not your strongest soldier. Bakit niyo ho pinaparamdam sa akin ito? Namomroblema na ako rito, Lord. "You sure?" Paninigurado ko. "Mhm. I will go to my friends na lang muna and spend some time with them na rin. It's been so long na rin since I last met them." "Alright, let's do that." "I'll see you later, take care." He said before planting a kiss on top of my head then he headed off to I don't know where. Pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng malapit sa amin kanina dahil malamang sa malamang ay nakita nila ang ginawa ni Laxus. E, ano naman sa kanila? I have decided not to be careful anymore around people. Sawa na akong tapak-tapakan lang nila to be honest. Something from that incident made me realize something. I realized that if you can't fight for yourself, no one else will. That's why I need to stand up for myself. "Look who's here, oh. The feeling victim." May tatlong babae na lumapit sa akin at sa itsura pa lang nila ay alam kong naghahanap na naman sila ng away. "Makikiraan, 'wag kayo humarang sa daanan." "What did you say?" "Bawal ulitin sa bingi." Lulusot na sana ako para makaraan ako nang biglang may isang malakas na sampal ang dumagingding sa kahabaang ng hallway na kinaroroonan namin ngayon. At ngayon ko lang din naramdaman ang pag-iinit ng kanang pisngi ko at ang unti-unting paghapdi nito dahil sa malakas na sampal na gumulat sa lahat ng tao na nandito ngayon. "Shit." "Record everything, pakita natin kay Padua." "Padua's chick is a f*****g dork." "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" "A f*****g weakling." "f*****g loser." And that's when I lose my s**t and decided to slap this girl in front of me right now as much as I can, and as painful as I can. Again, a loud noise from a slap shocked the students here in the hallway, and that includes me. "No, s**t!" "She slapped Tanya back!" "Better than those f*****g Netflix teenage dramas." "That's way too loud!" "Must be painful for Tanya, look. Her face is turning red, HAHAHAHAHAHA!" Dapat. Wala akong konsensiyang maramdaman ngayon kahit na miskina ako ay kitang-kita ko kung papaanong agad na namula ang kaliwa niyang pisngi dahil sa malakas na pagkakasampal ko sa kaniya. Dapat lang 'yan. Kulang pa 'yan sa ginawa niyang p**********p sa akin simula noong tumapak ako sa paaralan na 'to kahit pa hindi ko naman siya inaano. "Masakit ba? Next time kasi, 'wag kang haharang sa daanan. Nakakaabala ka, e. Okay? Now if you'll just excuse me," nang-aasar na sambit ko bago umalis sa harapan nilang lahat at saka ako nagtungo sa cafeteria nang may ngiti sa aking mga labi. Feels like freedom. Feels so nice. She deserved that slap. Kulang pa nga. "I heard what happened at the hallway kanina," bungad ni Chino pagka-upo na pagka-upo ko sa tabi niya. "Where is Riley?" "Comfort room. Tala, why did you do that?" "Ang alin?" "With Tanya? Why did you slap her? That isn't you at all," parang nanghihinayang na sabi niya kaya hindi ko naiwasan ang mapangiwi dahil sa reaksiyon niya. "Bakit parang sobrang disappointed ka naman yata? Wala ka naman doon kaya hindi mo alam kung ano ang nangyari. Siya ang unang sumampal at humarang sa akin, siya ang nagsimula ng away. Kaya 'wag mo akong tignan na para bang ibang tao ang katabi mo ngayon dahil lang sa ginawa kong pagbawi kanina." "I'm not disappointed, I'm just concerned of---" "There's nothing to be concerned of, Chino, I'm fine." "Are you sure Laxus is not---" "Pwede ba? Stop bringing his name every single time. Wala siyang kinalaman sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, please Chino. Shut if for a while." Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko dahil galit ako. Kung ano-ano na naman ang lumabas sa bibig ko dahil galit ako. Bullshit. "Sorry. Wala lang ako sa hulog ngayon, Chin. Just, not today." "Okay, I understand." "Mhm, thanks." "Just please don't lose yourself for someone, okay?" "I won't." I really won't.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD