Tala's POV:
"Kumain ka na, Tala. Lalamig 'yang pagkain mo."
Ngayon ang huling araw ko rito sa ospital matapos ang apat na araw na pamamalagi ko rito. Akala ko rin hindi ako tatagal dito dahil wala naman akong tinamong sugat o ano pero kinailangan pala nilang i-examine ang utak ko dahil maaaring mag-suffer ako sa trauma at naiintindihan ko naman 'yon.
"Sa bahay na lang ako kakain, Chin. Panigurado pinagluto ako nun ni Mama kaya nauna na siyang umuwi sa akin."
"Pwede ba kami pumunta ni Riles? Kaming dalawa lang, promise."
"Chino naman, alam mo naman na hindi ko bahay 'yon---"
"They can go. They're your friends so they can go in our house." Biglang sabat ni Laxus sa amin ni Chino kahit pa kapapasok niya lamang dito sa kwarto dahil siya ang nag-ayos ng mga kailangang ayusin dito sa ospital para makauwi na ako. Kilala naman siya rito dahil ang mga magulang niya ang may-ari ng ospital na 'to.
"Can you give us some alone time, bro?" Tanong ni Chino kay Laxus kaya naman napahinto si Laxus sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga gamit ko na iuuwi namin mamaya.
"What do you mean give you guys some alone time? Nasaan ka ba nung nangyari ang nangyari?" Oh s**t, here we go again.
Hindi ko pa nakakausap si Mama pero alam kong siya ang lubos na nag-aalala para sa kalagayan at pinagdaanan ko. Hindi ko kayang harapin si Mama dahil ngayon pa lang ay parang manghihina na ako. Hindi ko maisip kung gaano kasakit para kay Mama ang pinagdaanan ko dahil nagiisa niya akong babaeng anak.
Kahit ako ay narurumihan sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang bawat paghawak sa akin ng demonyong iyon.
"Laxus, tama na."
"No, because why is he asking me to leave you guys alone? I was gone for like three hours, isn't that enough for him to talk to you? You should be resting nga, e." Striktong sambit ni Laxus habang diretsong nakatingin sa akin.
"Chino..."
"What? You're going to make me leave again? Fine. I just hope that you know what you're doing, Tala. I don't want you to get hurt, okay? You take a good rest, I'll see you at school," lumapit sa akin si Chino para marahan akong yakapin at ibinalik ko naman sa kaniya ang yakap na iyon.
Things are starting to get awkward between us and it's kinda alarming. We used to be close to each other all the time at ngayon pakiramdam ko ay unti-unti na naglalayo ang landas naming dalawa and I know that it is because of me. Ako mismo 'yung umiiwas, ako 'yung lumalayo. And I know for a fact that it's because of Laxus. Laxus happened.
Lumabas si Chino ng kwarto nang hindi man lang nagpapaalam kay Laxus. Lumapit sa akin si Laxus at umupo sa inuupuan ni Chino kanina sa upuan katabi ng kama ko.
"Why did you let him hug you?"
"He's my best friend, Lax. You can't just remover everything on my life the way you want."
"I am not saying that you should stop being friends with him, Elle. Chill."
"What are we?" I asked.
"Hmm?"
"What are we doing, Laxus?"
"Hinihintay lang kita, Elle. Ikaw lang lagi." He said while he's combing my hair with his fingers as he stare at me like I'm a piece of art in front of him. "Have I already told you that you feel like a meal after a very tiring day? The first coffee in the morning, and the smell of a newly bought book."
Now is definitely not the time to feel things pero hindi ko maiwasan. Who wouldn't feel something for this guy?
"Ilang babae na ba pinagsabihan mo niyan?"
"Nah, ikaw lang. Sa 'yo lang lagi."
Shit, I feel like I am going to melt right now.
"Can we go home already? Gusto ko na magpahinga, may pasok pa tayo---"
"You're already excused at school. Take some time to rest physically and mentally. If you're worrying that you might miss some important lectures, don't worry. I'll teach you everything pag-uwi ko galing school. I will make notes for you, I will jot down everything, just rest okay?"
"Nung nalaman ni Mama---"
"She cried, Tita cried."
Parang binasag 'yung puso ko sa narinig ko. Ayoko sa lahat kapag umiiyak si Mama, hindi ko kaya.
"May sinabi ba?"
"She's mad of course. Don't think about it na muna, I am sure she will have a talk with you kapag nakapag-pahinga ka na. Don't stress yourself too much. Kailangan mo pa ma-regain lakas mo. Your doctor told me that you may suffer from trauma that's why I am keeping an eye on you. Are you still scared?" Concern na tanong niya. "No, you don't have to answer me now. Sorry."
"It's fine. And yeah, I am still scared that he might show up again in front of me and---"
"I am not going to let that happen. Tangina niya subukan niya. Besides, he's in jail now. I asked my parents if they could---"
"You told your parents?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, I needed help with---"
"Without asking me if it's fine telling your parents? Why did you do that?"
"They will know sooner or later, Elle. The whole school knows what happened because that f*****g maniac made a scene nung nilabas kita sa impyernong 'yon."
"He did what!?"
"He made a fuss about you saying that you did like it, tangina. I punched him not just once. I beat him up sa sobrang galit ko sa mga sinabi niya tungkol sa 'yo. I'm sorry hindi ako nagpigil, I know that you don't like to see me fighting with anyone. I just couldn't help it, he f*****g did you dirty and I am so mad. I am so mad at myself because I let that happen."
"f**k. What's his sentence?"
"Reclusión Perpetua."
"He deserves it."
"No doubt. Now, stop thinking about that disgusting s**t. Let me take you home?"
This is going to be a long week for me and I don't know if I am going to survive it.
---
Pagdating namin sa bahay nila Laxus, nakahain ang maraming pagkain sa mesa. Hindi ko alam kung ano ang meron kaya naman didiretso na lang sana ako sa kwarto namin ni Mama nang tawagin ako ni Mrs. Padua.
"Tala Hija, sit here. You should eat first before you rest. Have you regained your strength already? Mentally and physically?" She asked directly.
"Mom," pagsaway ni Laxus sa nanay niya.
"H-hindi pa ho ako gaano okay, Ma'am. Nasaan ho si Mama?"
"She's in your room."
"Puntahan ko na lang muna ho si Mama, salamat po---"
"Eat first, Hija." Malamig na tugon ng tatay ni Laxus na nakapagpakaba sa akin. Sinabi niya iyon nang hindi man lang tumitingin sa akin, sinabi niya iyon habang siya ay seryosong kumakain. Kaya naman wala akong choice kung hindi umupo na lang sa tabi ni Laxus.
Nararamdaman niya siguro na naiilang na ako dahil hinawakan niya ang kanang kamay ko mula sa ilalim ng lamesa at marahan niyang pinisil iyon. Binawi ko rin agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dahil baka may makakita o makahalata sa amin.
"How are you feeling, Tala?"
"Ayos lang naman ho ako physically. Wala naman hong masakit sa akin."
"Your Mom is so worried about you, that's why I told her not to worry about the hospital bills anymore because our hospital will just shoulder your hospital fees and everything. It's just nothing---"
"Mom, can you stop even just for a while? She's still processing everything and you don't have to tell her everything right away."
Hindi na kami pinagbayad ng ospital nila? Tangina, utang na loob na naman. Hindi ko na alam kung may pride pa ba akong natitira o talagang sinisimot ng mga magulang ni Laxus ang pride ko.
"Why are you on edge then, Laxus? Is there something bothering you as well?"
"Wala. Now stop askin and just let us eat in peace, will you?" Napatingin ako kay Laxus at alam kong nakita niya ring napalingon ako sa kaniya kaya naman nag-igting ang panga niya dahil mukhang sinusubukan niyang pigilan ang inis na nararamdaman niya.
Hindi na rin nagsalita ang Mom ni Laxus matapos niyang sabihin iyon. At ako naman, hindi ko malunok ang pagkain ko; nahihirapan ako dahil pakiramdam ko ay isusuka ko lang din ang ikakain ko ngayon.
Matapos namin kumain, ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Si Mama, tulog na siguro kakahintay sa akin.
"I told you to just leave it here. May maghuhugas naman niyan," sambit ni Laxus habang sinusubukang itali ang buhok ko habang naghuhugas ako ng pinggan.
"Hayaan mo na, magaan lang naman na trabaho 'to. Tsaka nakakahiya naman kung sa iba ko ipapahugas ang pinagkainan ko."
"Para saan pa ang mga maids namin kung ikaw lang din naman ang gagawa niyan?"
"What's done is done, Laxus. Ginagawa ko na, e. Hihinto ko pa ba 'to?"
"Okay, if you say so. I'll wait for you here."
"Hindi na, umakyat ka na sa kwarto mo. Baka may makakita pa sa atin dito."
Ang totoo ay may kung anong takot na namumuo sa loob ko. Naiilang ako at parang nahihirapan akong makahinga. Napapaigtad din ako sa tuwing nagtatama ang balat namin ni Laxus at alam kong napapansin niya rin iyon kaya lumayo siya nang bahagya mula sa akin.
Kaming dalawa na lang ang tao rito sa baba nila at hindi ko maiwasang matakot dahil na rin siguro sa nangyari ng araw na 'yon. Hindi ko na yata kakayanin pang maiwan sa iisang silid nang may kasamang lalaki at tanging kaming dalawa lang ang naroon.
Pagkatapos ko maghugas, sinalubong ako ni Laxus nang isang mahigpit na yakap. Pinipilit kong lumayo pero nang maramdaman ko ang kamay niya na marahang tinatapik ang likod ko ay kumalma ako.
And my tears betrayed me again for how many times already today.
"Shhh," pagpapatahan niya sa akin.
"Natatakot ako. Hindi ko na yata kakayaning sumama o makipag-usap pa ulit sa ibang lalaki, natatakot ako Laxus," humihikbing sambit ko.
"Shhh, you take your own time to heal, okay? No one is forcing you to heal right away, you take your own pace. But please don't think that that incident made you less of a person, hmm? You're the victim, Elle. You don't have to feel nor act like you did something bad. You are a f*****g victim so you don't owe anyone anything. Shhh."
"Tala?"
"Ma."
Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko at inayos ko ang sarili ko. Biglang pumasok si Mama sa kusina nang hindi man lang namin narinig kaya pareho kaming nabigla ni Laxus.
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Mama kaya naman nilapitan ko na siya at inakay papalabas ng kusina.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Unang tanong niya pagkapasok namin sa kwarto.
"Ma."
Agad niya akong niyakap at humikbi si Mama sa balikat ko. Hikbi lang siya nang hikbi at alam kong sapat na iyon para masabi niya ang nararamdaman niya. Nasasaktan si Mama para sa akin samantalang nasasaktan naman ako para kay Mama. Hindi ko maisip kung gaano kasakit para sa isang ina ang nangyari sa akin.
Gustuhin ko mang sabihin kay Mama na ayos lang ako, hindi ko iyon magagawa dahil alam ko mismo sa sarili ko na hindi ako okay at hindi ko alam kung kailan ako magiging okay.
"Magpahinga ka, ha? Pinagpaalam ka namin sa school niyo kaya may rason ka para hindi muna pumasok. Bawiin mo ang lakas mo para sa sarili mo at para kay Mama, ha? Mahal na mahal kita anak ko."
"Good night, Ma. Magpahinga ka na rin. Mahal na mahal kita, Ma," sambit ko bago halikan nang marahan ang noo ni Mama.
Alam kong hindi pa ngayon pero sa susunod. Kung hindi pa sa susunod, sa susunod ng susunod hanggang sa maging okay ako. Hanggang sa maging maayos ako.
At kung hindi man aayon ang panahon para sa aming dalawa ni Laxus, hindi ko ipipilit. Wala akong ipipilit. Kung ang kami ang magiging dahilan ng kasakitan ni Mama ay hindi na lang. Kung hindi si Laxus, hindi si Laxus.
Lumipas ang dalawang linggo nang hindi ako pumapasok. Maayos naman na ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay kaya ko na rin bumalik sa school kaya naman sa susunod na Lunes ay babalik na ako.
Tinupad ni Laxus ang sinabi niya na kada uwi niya ay ituturo niya sa akin ang mga pinag-aralan nila. Doon pa lang ay naramdaman ko ang dedikasyon niya na turuan ako para hindi ako maiwan sa mga lessons namin. Lahat din ng notes na binigay niya ay kumpleto kaya kahit wala ako sa school, pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako dahil sa galing niya magturo.
"Labas tayo?"
"Saan tayo pupunta?"
Nandito kami ngayon sa study room nila dahil ito na ang last lesson na na-missed ko.
"Kahit saan. Pahangin lang. Dalawang linggo ka na nakakulong dito sa bahay, e. Hindi ka ba naboboring?"
"Hindi naman. Inaaral ko lagi mga notes na binigay mo, e. Ikaw? Hindi ka ba naboboring? Kada pagtapos ng klase, uuwi ka na agad dito para turuan ako. E 'di ba may mga araw na nagbabar kayong magkakaibigan?"
"Nah. Hindi na ako interesado sa mga ganoon. Nawalan na ako ng gana. Isang buwan na rin akong hindi pumupunta sa mga bar."
"Bakit ka nawalan ng gana? You love going out---"
"It's because you happened."
"Huh?"
That is why; you. Whenever I am doing my old habits, I feel like I am doing something bad that will disappoint you. I feel like cheating on you every time I try to get back to my old habits such as drinking and clubbing."
Natameme ako sa sinagot niya. Pinasok na naman ng libo-libong tanong ang isip ko sa simpleng sagot niya sa tanong ko. Alam kong malayo ang agwat ng buhay naming dalawa pero sa tuwing pinaparamdam niya sa akin na iba ako para sa kaniya ay gusto ko na lang din siyang abutin at mapantayan.
"Are you still doubting me?" He asked.
"Ano sa tingin mo?"
"Hmm, I have no idea. I just know to myself that I am doing everything I can to prove to you that I am not playing here."
"Well, you don't have to prove yourself to me anymore." Nakangiting sambit ko.
"What? What did you say again?" Binitawan niya ang kaninang libro na binabasa niya at ibinaling niya sa akin nang buo ang atensiyon niya na para bang nakarinig siya ng isang magandang balita.
"I believe you already, Lax. Thank you. Salamat sa pagpaparamdam sa 'kin na deserve ko ang gustuhin."
"s**t, you deserve everything, Tala Rielle. And I will f*****g destroy everyone who tries to get on our way."
Then he gave me a one-tight hug that will last for the rest of the day.