TW: abus3.
Tala's POV:
"Elle, can we talk?"
"Pagod ako, I should sleep."
"Kahit saglit lang? Just spare me some time. I just need to talk to you about something."
"Hindi na ba makakapaghintay 'yang sasabihin mo hanggang mamayang umaga? Gusto ko na kasi magpahinga, e. Sobra ako sa trabaho ngayong araw. Do you mind?" Ang totoo'y hindi na ako inaantok. Hindi rin naman ako gaanong pagod. Sadyang iniiwasan ko lang talaga na makausap siya dahil hanggang sa ngayon ay binabagabag pa rin ako ng ginawa kong pagsama sa kaniya kanina kahit pa pinahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan niya.
"Oh. Sure. I won't mind. Have a goodnight's sleep, Elle. I'll wait for you later in the morning so that we can talk. Good night," nakangiti niyang sambit bago siya lumapit sa akin para halikan ang tuktok ng ulo ko. Then he left.
Naiwan akong naninigas ngayon dito sa kinatatayuan ko dahil hindi ko maproseso ang nangyari. Laxus just kissed me and I stood here while my eyes are closed. What the hell am I thinking? Umabot na talaga sa ganito? I should be stopping him. Dapat ay may ginawa ako, dapat may sinabi ko. Why did I just let him do everything he wants?
Wake up, Tala. You're being naïve.
"Tala, pinapatawag ka ni Sir Laxus mo," bungad ni Mama pagkadilat ko ng aking mga mata.
"Sabi ko naman sa 'yo Ma 'wag mo na siyang tawaging Sir dahil kasing edad ko lang naman siya. Nakakailang po, pakiramdam ko tuloy ay mas matanda siya sa akin ng ilang taon," sambit ko habang naguunat at naghihikab.
"Hay naku, ano ba ang sinasabi mo d'yang bata ka. Natural lang na ganun ang itawag ko sa batang iyon dahil amo ko pa rin siya kung maituturing dahil ang mga magulang niya ang nagpapasahod at nagpapakain sa atin. Isama mo pa ang ideya na sa bahay nila tayo nakatira, dapat lang na tawaging ko siyang Sir kahit pa magkasing-edad lang naman kayo, nak."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko, Ma? Nasaan daw po si Laxus? Bakit daw ho ako pinapatawag?"
"Kailangan ka raw niya makausap dahil may gusto siyang linawin sa 'yo, e. Ayun ang sabi niya sa akin kanina nang Makita niya akong mapadaan sa harap niya."
"Linawin?"
"Aba'y ewan ko sa inyong mga kabataan kung ano-ano ang gusto niyong linawin sa isa't isa. Tala," pagpuputol ni Mama sa sasabihin niya.
"Po?"
"Ngayon pa lang ay pinapaalalahanan na kita, ha? Mag-ingat. Ingatan mo ang sarili mo at ang puso mo. Ingatan mo ang sarili mong kapayapaan. Kapag alam mong hindi dapat, hindi dapat. Kung sakali man, alam mo naman na napakalayo ng agwat ng buhay niyo ni Sir Lax---"
"Opo naman, Ma. Alam ko po 'yan. Hindi ko ho malilimutan ang agwat ng pamumuhay na mayroon kaming dalawa. Mauuna na ho ako, baka about po kasi sa klase naming ang kailangan niyang sabihin."
Tumango lang si Mama kaya naman agad na akong lumabas ng kwarto at agad akong napahawak sa leeg ko. Muntikan na ako masamid kanina ng pagbilinan ako ni Mama patungkol sa aming dalawa ni Laxus. Parang ngayon pa lamang ay sinasabi na ni Mama na hindi pwede. Ang kami ni Laxus ay imposible at hindi pwedeng mangyari. At dapat alam ko rin 'yon sa sarili ko dahil hindi ako pwedeng magkamali ng landas na tatahakin dahil malabong makakabalik agad ako sa tamang daan kung saan ako nararapat.
"Good morning, Elle. Have you slept well? Nakapagpahinga ka ba nang maayos? Do you want me to get you some coffee?" Hindi ako sanay na ganito siya at kailanman ay hindi yata ako magiging sanay.
"Hindi na. Ayos lang ako. Hindi ako sanay na mag-almusal sa umaga."
"Hmm, why? You know that breakfast is the most important meal of the day, right? You shouldn't be skipping breakfast."
"Ano ba ang gusto mong pagusapan? Parang kaninang madaling araw ka pa kasi hindi makapaghintay na sabihin sa 'kin ang kung ano man, e." Diretsa kong sambit sa kaniya kaya napatigil siya sa pagsimsim sa mainit na kapeng hawak niya.
Nandito kami ngayon sa isang hallway sa bahay nila kung saan puro glass ang nagsisilbing haligi kaya naman kitang-kita mo ang garden nila sa eksatong tapat ng kinatatayuan naming ngayon ni Laxus kaya naman doon siya nakatingin ngayon at mula pa kanina ay hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit isang tingin.
"What are we?" Biglaang tanong niya.
Ano nga ba kami? Hindi ko rin alam.
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre tao," pilit kong pagbibiro kahit na alam kong wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
"No, seriously. Ano ba 'tong ginagawa natin? Naglalaro lang ba tayo?"
"Hindi ko alam. Ikaw siguro, oo. Ganoon naman lagi ang ginagawa mo hindi ba? Ang makipaglaro sa mga babae?" Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman dito ko lamang siya nagawang patinginin sa akin.
Nakataas ang kanang kilay niya nang lingunin niya ako at para bang hindi siya makapaniwala na sinabi ko ang mga salitang 'yon mismo sa harapan niya.
"You still think of me that way?"
"Hindi mo ako masisisi, Laxus. Nakakatakot ka sa totoo lang. Nakakatakot maging parte ng buhay mo dahil pakiramdam ko ay lagi akong malalagay sa alanganin. Natatakot ako dahil sa tuwing kasama kita ay napupuno ako ng mga tanong sa sarili ko na hindi ko masagot. Pangamba, takot, mga tanong, 'yan ang mga nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ka sa akin at kinakausap mo ako. Isang araw, okay tayo, isang araw hindi. Nakakapagod. Nakakapagod kuwestiyunin ang sarili ko kung saan nga ba ang lugar ko. Tulad kagabi. Hindi ko mahanap ang tamang rason kung bakit kinailangan mo akong tratuhin nang ganoon sa harap pa mismo ng barkada mo. Narinig mo rin naman sila na pagsalitaan ako ng kung ano pero wala kang ginawa. Hinihintay ko na may gawin ka pero tangina, wala. So ano ba? Ano nga ba 'tong ginagawa natin? Or should I say, ano ba talaga 'tong ginagawa mo, Lax?"
And after that, he pinned me to the wall while his eyes are intently looking at me as if it is on a verge of hunger. His eyes are full of passion right now at para bang anytime ay pwede akong malusaw sa titig niya.
"Ano'ng ginagawa mo? Laxus baka may makikita sa ati—hmph!"
Bago ko pa maproseso sa utak ko ang lahat ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi na nakasiil sa akin. Tila ba wala akong marinig mula sa paligid at parang bumabagal ang oras, at ang tanging nakikita ko lang ngayon ay si Laxus.
Shit, are we doing this right now!?
Inilihis ko ang sobrang pula kong mukha kaya naman sa wakas ay natanggal ang pagkakasiil ng kaniyang labi mula sa akin. Tangina, ano'ng sasabihin ko. Walang kahit ano ang gusto lumabas mula sa bibig ko.
"Look, I'm sorry. I didn't mean to---"
"Mag-usap na lang ulit tayo mamaya. Baka hinahanap na ako ni Mama," pagpapalusot ko at saka umalis sa harapan niya nang hindi man lang siya nililingon.
Para akong zombie na naglalakad ngayon dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin sa aking labi ang mga labi ni Laxus na nakadampi sa akin kanina. Hinalikan niya ako hindi ba? Halik na dampi lamang pero parang may kung ano ang kumikiliti sa sikmura ko.
Ngayon ko lamang naranasan ang ganito. Ngayon lamang may nakahalik sa akin. Ngayon lamang may nakalapit sa akin nang ganoon. Laxus, hindi ka na talaga maganda para sa sistema ko.
---
"Hey, you good?"
"Mhm."
"Kanina ka pa tulala d'yan. Hindi ka nga yata nakinig sa lesson ng prof natin."
"Nakinig ako."
"What's bothering you?"
"Wala, Chin."
"Anong wala---"
"Give me some personal time, okay?"
"Oh. Alright then, sorry."
Mukhang na-offend si Chino sa sinabi ko dahil agad siyang tumalikod sa akin at tumutok na lamang sa libro na binabasa niya.
Alam kong mali ang nasabi ko pero wala ako sa sarili ko ngayon para ako ang humingi ng sorry. Masyado akong maraming iniisip at ayokong pati si Chin ay mapagbuntungan ko ng inis.
Hindi pumasok si Laxus ngayon at hindi ko alam kung bakit. Simula nang mangyari ang nangyari kahapon sa hallway ng bahay nila ay hindi na kami nagkibuan sa loob ng isang araw. Ni paglabas yata sa mga kwarto namin ay hindi rin namin ginawa. Pero dapat lang na 'wag muna kami magkita o magkasalubong man lang ng landas. Hindi pa ako handang makita siya ulit. Panigurado ay matatameme lang ako.
"Ms. Cruz?"
"Yes, Sir?"
"Pwede mo ba akong tulungang dalhin ito sa storage room?"
"Sure, Sir! Teka lang po, ayusin ko lang ho mga gamit ko."
Si Sir Galleho ang nakisuyo sa akin na samahan siya papunta sa storage room dahil marami siyang dala na mga box kaya naman ako ang magbubuhat ng iba dahil may katandaan na rin 'tong si Sir.
"Tapos na ba ang break time niyo?"
"Hindi pa ho, Sir."
Pagdating namin sa storage room, madilim ang paligid at halos maubo rin ako dahil sa mga alibok na nagliparan nang pagpagin ni Sir Galleho ang isang shelf.
"Ayaw mo bang kumain muna, Ms. Cruz?"
"Hindi na ho, Sir. Ayos lang po. Mauuna na ho ako," pagpapaalam ko dahil naiilang ako sa sitwasyon. Tanging kami lang dalawa ni Sir ang nasa loob ng silid at patay pa ang mga ilaw. Isama pa ang nangmamanyak na tingin nitong gago kong prof.
"Bakit ka umiiwas, hija? Hindi ba't gusto mo 'to? Kaya ka nga sumama sa akin dito dahil gusto mong kumapit---"
"Hindi ko ho alam ang sinasabi niyo! Mauuna na ho ako." Akmang aalis na sana ako palabas ng silid nang bigla niya akong hatakin nang malakas sa aking braso at tinakpan ng kamay niya ang aking bibig kaya naman hindi ako makasigaw nang maayos.
"Hmph!" Patuloy ako sa pagpupumiglas pero sadyang mas malakas sa akin ang demonyong may hawak sa akin ngayon.
"Walang tutulong sa 'yo rito, Ms. Cruz. Alam mo naman na lahat ng estudyante rito ay makikipagpatayan para sa grades hindi ba? Hayaan mo lang akong gawin 'to sa 'yo, panigurado ay tataas ang grado---argh!"
Kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko nang buong pwersa kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para kumuha ng hangin at makalusot mula sa pagkakahawak niya sa akin. Agad akong tumakbo papunta sa pinto at kinalampag ko iyon ng ilang beses habang sumisigaw ako upang humingi ng tulong pero tila yata walang nakakarinig sa akin mula sa labas.
"Tulong! May tao rito!" Hindi ko alam kung bakit naka-lock ang pintuan samantalang pareho naman kaming nasa loob lang ng silid na 'to. Sa pagkakaalam ko ay hindi rin naman sira ang doorknob dito dahil minsan na akong pumasok dito at hindi naman ako na-lock.
Unless sinadya ng demonyong 'to ang pangyayaring 'to.
Patuloy lang ako sa pagkalampag ng pintuan hanggang sa manakit ang mga kamay ko at maabutan na naman niya ako. Hinila niya ang buhok ko at kinaladkad ako hanggang sa manghina ang katawan ko kaya naman bumagsak ang katawan ko sa sahig at nagpatianod sa demonyong 'to.
"Tulong...tulungan niyo ako..."
"Walang tutulong sa 'yo rito, Cruz. Sino ka ba para tulungan? Haha, magugustuhan mo rin naman 'tong gagawin ko kaya 'wag ka na pumalag pa," nakakalokong sambit niya habang may ngisi sa kaniyang mga labi.
Hinaplos niya ang aking binti pataas sa aking hita kaya naman agad akong napaigtig, hindi ko na napigilan ang mga luha ko at para akong nawawalan ng pag-asa na may tulong na darating sa akin.
"Walang hiya ka, 'wag mo 'kong hawakan!"
"Bakit? Hindi mo ba nagugustuhan?" Akmang hahalikan niya ako nang may marinig akong malakas na kalabog dahilan upang mapatayo ang demonyong nangmolestiya sa akin.
"Elle!? Elle! Gago ka, ano'ng ginawa mo!?"
Tumalsik ang prof ko dahil sa isang malakas na suntok na tumama sa mukha niya. Nakita ko ang nagdudugo niyang mukha hanggang sa unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang dahil sa lubos na takot.
"Elle? Elle, do you hear me?"
And everything went black.
---
"Elle? Hey, you're awake."
Bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw na nakatapat sa akin kaya naman alam kong nasa ospital ako ngayon. Nakita ko si Laxus na nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko ngayon at hawak-hawak niya ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay marahang hinahaplos ang buhok ko.
"N-nasaan ang hayop na 'yon?" Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil para akong nawalan ng boses sa kakasigaw ko kanina sa paghingi ng tulong.
"He's in jail now. I put him in jail so you don't have to worry about him being near you. He lost his license as a teacher and as a doctor. You're fine, baby."
"Si Mama? Alam na ba ni Mama? Nasaan si Mama?" Umiiyak na sambit ko.
Bahagyang tumayo si Laxus mula sa pagkakaupo upang yakapin ako at subukan akong patahanin. Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil hanggang ngayon ay naalala ko pa rin at ramdam ko pa rin kung papaano ako hinawakan ng hayop na iyon.
"Lax, natatakot ako. Natatakot akong makita ang hayop na 'yon dahil baka gawin niya na naman---"
"Shh, he won't be anywhere near you, I made sure of it. Hindi ako papayag. I'm sorry I didn't come any sooner for you. I didn't come looking for you immediately right after I wondered where were you. I'm sorry---"
"Thank you. Thank you for saving me earlier. Sobrang takot ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil naturingang mas malakas siya kaysa sa akin. Hinawakan niya---hinawakan niya ako, Laxus. Hinawakan niya ako, hinalikan niya ang leeg ko. Ang dumi-dumi ko na---"
"Please don't say that, Elle. I'm sorry, please stop crying. Hindi ko kayang makita kang ganito. It pains me a lot that I can't think of something to make you feel better."
Napuno ng hagulgol ang kwartong tinutuluyan ko. Hagulgol ko na para bang hanggang ngayon ay nanghihingi ako ng tulong. Hagulgol mula sa takot na habang buhay ko na yatang dadalhin. Hagulgol na patuloy binabasag ang pagkatao ko.
"'Wag mo 'kong iwan, Lax, please. 'Wag mo 'kong iwan kahit kailan. Kahit sa mga araw na hindi kita kayang daluhan. 'Wag mo akong---"
"Shhh, baby. I won't leave you. I'm not going anywhere without you, okay? I am not leaving, Elle. I won't."
And he planted a light kiss on my forehead making me feel safe for the first time today after the incident.
Laxus is my safe place.