Chapter 12

2384 Words
Tala's POV: I'm standing in front of a masterpiece in this museum right now at ilang minuto na rin yata akong nakatayo sa harap nito habang seryoso ko itong pinagmamasdan. Napakaganda. Walang bahid ng pagkakamali, at halatang pinaglaanan ng oras. "Do you like this masterpiece so much that you're standing in front of it for almost 10 minutes now?" 10 minutes na ang nakalipas? "Mhm. Ang ganda, e. Ikaw? Wala ka bang nagustuhan sa mga art na nandito?" Pagtatanong ko. "Meron." "Ano?" "Secret." "Okay. Tara na," pagaaya ko at nauna na sa paglalakad palabas ng museyo. Pagdating namin sa cloud 9, sakto lang ang dating namin dahil medyo marami ang mga tao rito ngayong oras. Sino ba namang hindi pupunta rito? Tanaw na tanaw mo ang city lights mula sa bridge. Isabay pa ang napakagandang full moon ngayon. Bago kami tumapak sa bridge, naramdaman ko ang paghawak ni Laxus sa dulo ng damit ko na ikinatawa ko na naman. "Wow ha. Hindi pala duwag ha." "Shut up. You shouldn't make fun of someone's fear." Pft. Huminto kami sa bandang gitna ng bridge para pagmasdan ang kalangitan pati na rin ang city lights na nasa harapan namin ngayon. "Are you feeling cold?" "Kaya ko naman. Wala akong dalang jacket, e. Hindi ko naman inaasahan na mapapadpad ako rito ngayong araw." "You can have mine." "Hindi na---" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, ipinatong niya na sa balikat ko ang suot niyang jacket kanina. Amoy na amoy ko ang pabango niya kaya malamang sa malamang ay kakapit ang amoy nito sa akin. "Ang ganda ng buwan," wala sa sarili kong sambit na napalakas pala kaya naman narinig ni Laxus. "Mas maganda ka pa sa buwan." Walang alinlangan na sambit niya. Hindi ako makabawi sa mga sinasabi niya. Hindi ko mahanap ang tamang salita na dapat isagot sa kaniya. Natatakot ako na baka magkamali ako ng sasabihin at magulo lang ang lahat kaya naman pinipili ko na lamang manahimik. Hindi rin naman siya titigil kung papatulan ko pa ang mga sinasabi niya. "Why won't you give me a chance?" He asked without looking at me. Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong na 'yan? May tamang sagot ba para d'yan? "Stop joking around. Alam mong wala akong oras para d'yan." "Why? Give me a reason why." "Para namang hindi mo alam ang estado ng buhay ko, ng buhay namin ng Mama ko. Alam mong ang layo-layo ko sa 'yo. Langit ka, lupa ako. Hindi pwede, Lax. Hindi." "Bullshit. That's bullshit. It doesn't matter if you---" "It does matter. It does, Laxus. Remember when you introduced a girl in front of your parents? Pero 'yung business ng family nung girl ay lugi na? Remember your Mom's reaction that time? Paano pa kaya ako? Paano pa kaya sa akin? Paano pa kaya akong wala na kahit na ano?" "Wala naman silang magagawa kung ikaw 'yung gusto---" "Stop being so selfish, Lax. Hindi lang sa 'yo umiikot ang mundo." Tumalikod ako kay Laxus at naglakad papalayo. Hindi niya rin naman ako pinigilan, at laking pasasalamat ko naman dahil doon. Bumaba na lang ako sa kung saan nakaparada ang kotse niya. Tangina, ngayon pa ako nawalan ng pamasahe. Tatawagan ko na sana si Chino para sunduin ako nang biglang dumating si Laxus. "Don't bother to call Lim. Sabay tayo uuwi." "Hindi na, magpapasundo na lang ako kay Chin---" "I said, sabay tayong uuwi. Sa iisang bahay lang naman ang tungo natin. Why bother someone else?" Sumakay na lang din ako sa sasakyan niya dahil wala na rin naman akong choice. May point naman ang sinabi niya. Tsaka anong oras na rin, baka may ginagawa si Chino o kaya naman baka tulog na. Makakaabala pa 'ko. Buong byahe, walang nagsalita sa amin. Ni isang salita ay walang lumabas sa amin. Ito ang rason kung bakit ayaw kong pag-usapan ang lahat ng bagay. Kanina lang ayos pa kami, ngayon ganito na. Naging mabilis lang ang byahe namin dahil wala namang traffic. Nandito na kami ngayon sa harap ng gate nila. It's almost 10 pm na rin pala. Hindi ko namalayan ang oras kanina. "Good evening po, Sir Laxus!" Bati sa kaniya ng mga guard at tauhan nila. "Where did you go?" Kung minamalas ka nga naman. "I'm tired, Mom. Let's just talk again some other time." "Tala, where did you two go?" "Ah, sa---" "We're not together. I just saw her at the convenience store outside our subdivision while I am on my way home so I just asked her if she would like to hop in para sabay na kami makarating dito." Batak na batak sa pagsisinungaling. "Is that so?" "Yes po," simpleng sagot ko. "Mauuna na ho ako, baka hinihintay na ho ako ni Mama, e. Magandang gabi po." Matapos kong bumati ay umalis na rin agad ako roon. 'Yun ang sinasabi ko. Nakita nga lang na sabay kaming umuwi ni Laxus, nagtanong na e. Syempre, ako ba naman ang kasama. Sino ba ako? Wala. From: Chin. You home? To: Chin Oo. Kauuwi ko lang. From: Chin Then rest. Good night, Tala. Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Mama na mahimbing na ang pagtulog. Anong oras na rin kasi, e. Ginabi na pala talaga kami. Naligo lang ako tapos nahiga na rin ako dahil may pasok pa naman kami bukas. Kung makagala ako akala mo wala akong pasok bukas, e. May quiz pa nga yata kami pero hindi na ako nakapag-review dahil sa biglaang trip to Antipolo. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bukas ba ay balik kami ni Laxus sa hindi pagpapansinan o kakausapin niya pa kaya ako ulit matapos kong sabihin ang mga sinabi ko kanina? Pakiramdam ko ay hindi na. Hindi niya na ako kakausapin pang muli dahil malamang sa malamang ay natapakan ko ang ego niya kanina. Sino ba namang hindi maooffend doon sa sinabi ko. Alam ko naman kasing malabo kami. Imposible. Imposible mangyari ang salitang kami sa pagitan namin ni Laxus. Masyado siyang malayo. Masyado siyang mahirap abutin. Iniisip ko pa nga lang ay kinakabahan na ako. Parang hindi na agad ako makahinga ngayon pa lang. Padua siya. Ako? Ito lang ako. Walang pangalan. Hindi nagmula sa pamilyang matayog ang pangalan. Walang kahit ano. Walang maipagmamalaki. Ibang-iba ang buhay naming dalawa kaya naman alam ko na agad na hindi maaari. Si Laxus at ako ay malabo. Hindi pwede. Hinding-hindi mangyayari. --- "Pst, puyat ka ba?" "Bakit?" "Ang laki ng bagahe sa ilalim ng mata mo, e. Hindi na yata bag 'yan. Maleta na." "Nakatulog naman ako nang sapat. Ewan ko kung bakit ganiyan ang mata ko. Lagi naman ako may eyebags. Hindi ka pa ba nasanay?" "Sanay na syempre. Kaya lang, mas malala ngayon. Parang namamaga tuloy mata mo. Umiyak ka ba?" "Huh, hindi. Bakit naman ako iiyak kagabi? Ang tahimik kaya ng buhay ko. Ano pa 'ng ikalulungkot ko?" "Sabagay. Wala ka namang jowa na pwedeng maging dahilan ng pagkapuyat mo." "Aely, ikaw talaga! Napaka mo, ha!" "HAHAHAHAHAHAHAHA, joke lang Tala! Bonding time?" "Tse, ewan ko sa 'yo!" Nagtawanan pa muna kami bago kami bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho. Nandito ako ngayon sa pinagtatrabahuhan ko dahil maagang nag-dismiss ang mga prof namin. Duty ko rin naman ngayon kaya pumasok na ako. Masyado na akong maraming na-missed na pasok kaya magbabawi ako. "Good afternoon, Sir. What's your--Laxus?" Gulat na tanong ko nang makita ko si Laxus sa harap ng counter. Bakit siya nandito? Hindi ba't sa BGC ang tambayan nilang magkakaibigan? Bakit sila narito ngayon? "What? Surprised?" "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Why? Am I not allowed in here?" "Hindi naman sa ganoo---" "Then treat me like a real customer. You don't talk to your customers like that, right?" Napaka talaga nitong tao 'to. Pinapakain yata ako nito ng mixed signals, e. Dahil kung oo, salamat dahil busog na busog ako. "Okay, may I take your order, Sir?" "Secret," natatawa niyang sambit na narinig ng mga kaibigan niya kaya nagtawanan silang lahat. Gusto kong sapakin ang mukha niya ngayon sa sobrang nakakainis na itsura niya. Para siyang demonyo talaga. "Haha, what's your order, Sir?" Paguulit ko. "I'll order everything." "Po?" "Bingi ka ba? I said I'll order everything on the list." "Everything? You mean, even the---" "Everything. I will order everything. Make it quick." "But---" bago ko pa masabi ang sasabihin ko ay nagsilayas na silang magkakaibigan sa harap ko. Anong everything ang sinasabi nun? Seryoso ba siya? Lahat ng nasa menu namin oorderin niya? "Please make it quick. I don't like waiting, Ms." Aniya sabay kindat pa bago umalis sa harap ng counter. What if ipukpok ko sa ulo niya 'tong tray na hawak ko? Gago siya ah. "Aely, lahat daw ng nasa menu and order ng isang 'yon." "Huh? Nagbibiro ka ba mi? What do you mean lahat ng nasa menu? Play time ka d'yan, ha," nag-aalangan na sambit niya. "Baliw, seryoso. Lahat daw ng nasa menu sabi niya, e." "Hindi ba tayo niloloko nun? Mamaya biglang umalis 'yan, ha." "Hindi naman siguro, rich kid 'yan e." "Kilala mo?" "Classmate ko." "Pogi ah. Hindi mo crush?" "Yuck! Dun ka na nga, Aely! Baka may makakita pa sa atin na nagchichismisan! Sige na, ang daming order nito!" Natatawang umalis si Aely sa harapan ko at ako naman ay bumalik na ulit sa harap ng counter. Isang oras na rin ang nakalipas bago makumpleto ang mga inorder ni Laxus at ng mga kaibigan niya. Mula dito ay rinig na rinig ang tawanan nilang magkakaibigan. Akala mo sila lang tao rito, e. May iba rin naman kaming mga customer. "Tala! Ihatid mo raw muna ito roon sa school mate mo dahil nagpunta sa banyo si Aely!" "Huh? Bakit ho ako? Walang hong tatao rito sa counter!" "Ako na ang bahala d'yan sa counter, basta ihatid mo itong mga 'to sa table nila!" Aligagang sambit ng manager namin. Bakit naman kasi ako pa? Ang dami-dami niyan! Dahil sa wala akong choice, paunti-unti kong ihinatid ang mga order ni Laxus. Habang papalapit ako sa table nila ay huminto silang lahat sa pagtatawanan ang ibinaling nilang lahat ang atensiyon nila sa akin. Shit, nanginginig ang mga kamay ko. "Here's the assumera na pala, e." Sambit ng babae nilang kasama. Agad na lumipat ang tingin ko kay Laxus para makita ko kung ano ang magiging reaksiyon niya sa narinig niya subalit ni isang pagbabago sa itsura niya ay wala akong nakita. Ano pa ba aasahan mo, Tala? He won't do s**t unless it will benefit him and you know that. Bakit ako nageexpect sa wala? "Here's your order, Sir. To follow po 'yung iba since hindi po kaya ng isang hatiran." "Hindi ka ba pwedeng humanap ng ibang paraan? Hanggang kailan mo pa kami balak paghintayin ulit?" Sabat a naman ng kasama nilang babae. Ano ba ang problema nito? Hindi ko naman kilala ang isang 'to, bakit siya nagpapapansin? "Kung magagawan ko ng paraan, edi sana nandito na lahat ng order niyo." Pamimilosopo ko na ikinangisi ni Laxus. "Ano'ng sabi mo?" "Bawal ulitin sa bingi," sambit ko at saka umalis para balikan ang mga naiwan pa nilang order. Wala akong lakas para makipag-away ngayon sa mga taong makikitid ang utak. Natapos din ang transaction ko sa grupo ni Laxus. As expected, binayaran naman niya lahat. Hindi ko nga lang alam kung ano ang gagawin niya sa lahat ng pagkain na inorder niya. Naunang umalis ang mga kaibigan niya at tanging siya na lang ang nandito. Hindi ko alam kung may hinihintay ba siyang dumating dahil panay ang tingin niya sa relo niya kanina pa. "Huy, girl! Baka matunaw 'yan sa katititig mo d'yan." "Baliw, hindi ko siya tinititigan 'no! Nagmamasid lang ako dahil malapit na tayong mag-close nandito pa rin siya." "Baka hinihintay off mo?" "Asa." Pumunta na ako sa staff's room para kunin ang mga gamit ko. Wala kaming pasok bukas kaya naman over time ako ngayon sa trabaho. Malapit na rin mag-alas tres ng madaling araw. Wala man lang text si Mama. Malamang ay nakatulog na iyon sa pagod. Nagsabi naman ako kay Mama na magoover time ako ngayon sa trabaho para makabawi sa mga araw na hindi ako pumasok. "Aely, una na 'ko! Ingat ka pauwi!" "Ingat din, Tala! See you when I see you!" Kumawaypa muna kami sa isa't isa bago kami maghiwalay ng landas. Papara na sana ako ng bus nang biglang may kotse na pumarada sa harapan ko. "Mag-ingat ka naman, Kuya! Makakasagasa ka na, e!" Sigaw ko sa driver ng sasakyan. Paano ba naman, bigla siyang huminto sa harapan ko mismo. Muntik na akong mahagip ng sasakyan niya! Dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse at doon ko lang nakita na si Laxus ang nagmamaneho ng sasakyan na muntik na makapatay sa akin. "Papatayin mo ba ako?! Ano'ng ginagawa mo? Bakit bigla kang huminto sa harap ko e nasa side walk ako!? Loko-loko ka ba?" "Hop in." "Ayoko! Uuwi ako mag-isa!" "I said hop in." "Ayoko na! 'Wag mo nga ipilit ng lahat ng bagay, Laxus! Hindi ka na bata, ano ba!" "Sumakay ka na sabi, I'll take you home. Iisa lang naman ang uuwian natin." "Ayoko." "Elle, please?" "Lasing ka ba?" "No, I am not drunk. I'll drive safely. I can't be reckless right now that I am with you," malumanay na sambit niya. "What are you on?" "Huh? What do you mean?" "Bakit iba ang kilos at mga salita mo kapag nasa harap ka ng ibang tao? At bakit ka ganiyan kapag ako lang ang kaharap mo? I can't deal with your shits, Lax. Hindi ko kakayanin." "Hindi naman sila ikaw. I don't want to be vulnerable in front of them. Only you can see this side of me, Tala Rielle. Only for you." Hindi ko mawari kung bakit nagbabadyang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko kaya naman agad akong tumingala para pigilan ang mga luha ko. Nanghihina ang mga tuhod ko at may kung ano akong nararamdaman sa sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. "Come home with me, okay?" Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at sumakay katabi ng driver's seat. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero alam kong magkakaroon ng pagbabago sa buhay ko matapos kong piliin na buksan ang pinto ng sasakyan ni Laxus at sumama sa kaniya papauwi. Everything is a risk. And I think I am now ready for a risk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD