Tala's POV:
Things went smoothly for me. Hindi na ulit ako pinapansin ni Laxus. In short, we're both strangers to each other again. Ayos lang naman sa 'kin. It's not like we're close before or something. Ni hindi nga kami magkaibigan.
"Tala, sabay tayo mag-lunch!"
"Pass, Chin. Tatambay ako sa lib, e. Tsaka may baon naman ako. Doon na lang siguro ako kakain ng snacks. Lunch ka na lang muna mag-isa, malaki ka na!"
"Hmm, okay. May ipapabili ka ba? Baka maaga ako matapos kumain, e. Hatid ko sa 'yo sa lib kung sakali," pagsusuhestiyon niya.
"Wala akong ipapabili, broke era ako! Sige na, tsupi!" Natatawa kong pagtataboy sa kaniya at natatawa rin naman siyang lumabas ng room.
It's only me and Laxus again inside this room. Actually lagi naman kami naiiwan dito. Pero after that day, talagang wala na kaming naging interaction. Maybe he's really mad na napahiya siya sa court that day. Pero ano'ng magagawa ko? Why would I stay that day? Why would he ask me that kung alam naman niya ang sagot? Hindi ko kasalanan kung pakiramdam niya ay napahiya siya. Hindi ko naman siya inutusang sabihin ang mga bagay na 'yon. Mas nagulo pa nga ang buhay ko dahil sa sinabi niyang 'yon, e.
"Are you and Lim a thing?"
Gulat akong napatingin kay Laxus nang bigla siyang bumangon mula sa pagkakasubsob. Ngayon na lamang siya nagsalita sa akin at ito pa ang sasabihin niya. Ginagago yata talaga ako ng mundo. Bakit ba kasi hindi na lang ako agad lumabas nang makaalis si Chino?
"No." Diretsang sagot ko.
"Then why are you always afraid of what he'll feel?"
And with that, hindi ko na talaga alam kung ano pa ang isasagot ko. Do I look like someone afraid of what someone would feel? Am I like that? Or am I just afraid of discussions between someone and I don't like to argue?
"No, I'm not. Why would you think that?"
"Well, it's obvious. It's like you're afraid of what he will think of you. Bakit, nakatali ka ba sa kaniya?"
Bakas ang pagka-sarkastiko sa boses ngayon ni Laxus at kulang na lang ay harap-harapan siyang ngumisi sa akin. Ano ba'ng pinapalabas niya?
"I thought you're mad at me? Why are you sitting beside me and talking to me about things that you're not even involved?"
"I'm still mad at you, yes. But it's not like I can bear not to meddle with you. It's not that easy, Elle."
He still called me Elle.
"Are you f*****g serious right now, Padua? 'Wag mo nga akong tinatangina." Inis na sambit ko na bigla niya namang ikinatawa. "Ba't ka tumatawa? Gago ka ba talaga?"
"Hearing you cuss still amazes me. Hindi halata sa 'yo na nagmumura ka to be honest. You're giving us all church vibes," natatawa niya pa ring sambit.
Church girl?
"Tigilan mo ako. Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo. Busy akong tao."
"Okay, if you say so."
Tumayo na ako at sinukbit sa balikat ko ang bag ko habang ang iba kong mga libro ay bitbit ko. Palabas na sana ako ng room nang bigla na namang magsalita si Laxus.
"I'll get you away from Lim, Elle. Trust me, sa 'kin at sa 'kin ang bagsak mo."
---
"Riley."
"Hmm?"
"Paano mo masasabi kapag pinagtitripan ka lang ng tao?" Tanga na yata ako para magtanong nang ganito sa kaibigan ko.
"Hmmm, paanong pinagtitripan? In terms of what?"
"Hindi, 'yung classmate ko kasi, may nagsabi sa kaniyang guy na gusto raw siya. E, kaso 'yung guy is maloko. Playboy, reckless, ganoon ba. Kaya hindi alam ng classmate ko kung pinagtitripan lang ba siya o seryoso. Sa akin kasi siya nanghihingi ng advice kaso hindi naman ako maalam sa ganito kaya nagtatanong ako sa 'yo hehe."
Trust me, I never lied like this in my whole life until Laxus happened. Laxus happened. That's what happened. Laxus. Tanginang Laxus.
"Hmm, it's 50/50 e. Ask your friend kung ano ba'ng nararamdaman niya when the guy's around. It's about taking a risk after all."
Nararamdaman ko kapag nasa paligid ko si Laxus? Naiinis. 'Di ba naiinis ako kapag nangbabanas siya? Kapag umaaligid naman siya sa akin nababanas din ako. Pero kapag wala siya, kapag wala siya sa paligid ko, kapag hindi niya ako binibigyan ng pansin, naiinis din ako. Kahibangan.
"Okay, ka lang?"
"Huh? Ah, oo! May iniisip lang ako about sa task namin for this week." Tangina, naging sinungaling na talaga ako dahil kay Padua. Hindi na ako 'to.
"Una na ako, dumating na raw prof namin, e. Bye, Tala girl!"
"Bye, ingat ka Riles!"
Pag-alis ni Riley, naiwan lang ako rito na nakaupo dahil wala naman akong next class. Ayoko pa rin naman umuwi ng bahay dahil hindi rin naman ako pakikilusin ni Mama roon. Mas lalong ayoko naman pumunta sa mall dahil wala akong pera at wala naman akong bibilhin.
"Come with me."
Napatayo ako nang biglang may humatak sa kamay ko at tinangay ako pasama sa kaniya. Likod pa lang alam ko na agad na isang anak ng demonyo ang may hila sa akin.
"Ano ba! 'Wag mo nga ako hilahin!"
"Once I let go of your hand, you'll just run away from me. So bear with this for the mean time, Elle." Sambit niya habang patuloy pa rin akong hinahatak papunta sa kung saang lugar dahil hindi ko naman alam kung saan ang tungo nito.
Nakaabot kami sa parking lot sa harap ng sasakyan niya nang hawak pa rin niya ang kamay ko kaya naman pumiglas na ako mula sa pagkakahawak niya.
"Gago ka ba?"
"Bakit ba lagi mo akong minumura? Nakakailan ka na, ha. Ikaw lang nakakamura sa akin akala mo ba," mayabang na anas niya habang nakapamaywang pa.
"Pake ko? Sino ka ba?"
"Future mo."
"Kadiri ka."
"Wow, arte mo. Hop in."
"Saan?"
"Baka sa kabayo. May nakikita ka bang kabayo rito? 'Di ba wala? Malamang sa sasakyang nasa gilid mo. Matalino pero walang common sense?"
Aba'y siraulo 'to ah.
"Sa'n pupunta?" My normal self would just simply leave. Bakit tinatanong ko pa kung saan pupunta? As if naman na sasama ako?
"Antipolo."
"Gago ka ba? Angas mo ah. Lubayan mo nga ako, Padua. Wala akong oras sa 'yo."
Akma na sana akong lalagpas sa kaniya nang bigla niya akong hilahin papunta sa isang mahigpit na yakap mula sa kaniya.
Walang lumalabas sa bibig ko. Wala akong naririnig mula sa paligid ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Normal pa ba 'to?
"Stay."
"Laxus, ano ba---"
"Just come with me, okay? It won't hurt to come with me just for today." Ang boses niya ay tila nangungusap. Nakakapanghina, at nakakadala.
Humiwalay ako mula sa pagkakayakap niya at pinagpagan ko ang sarili ko na ikinangiti niya naman.
"Cute," nakangiting sambit niya.
Pumasok na lamang ako sa magara niyang sasakyan nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Hanap, naka-BMW.
"Do you like it?"
"Ano?"
"This. My car. This is the first time that I'll use this."
"Maganda." Tipid na sagot ko. Maganda naman talaga ang sasakyan niya. Pinagmasdan ko ang loob at halatang bago pa lamang ito.
"Mhm, but not pretty as you are."
Naramdaman ko ang pagiinit ng magkabila kong pisngi sa sinabi niya. Gagong 'to, mali na 'tong nararamdaman ko. Kailangan ko na yatang itatak sa kukote ko na langit siya at lupa lang ako. I must be going insane to feel things that I'm unfamiliar of.
Tahimik lang siyang nagdadrive papunta sa tungo namin. Walang nagsasalita sa aming dalawa, at tanging ang mga kanta lang sa spotify niya ang bumabasag sa katahimikan naming dalawa.
Inaya ako for a drive tapos hindi naman pala ako kakausapin or lilibangin man lang. Papansin lang talaga.
"What?" He asked. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya.
"Wala lang. Bakit bigla mong naisipan na pumunta sa Antipolo? Stroll?"
"Wala lang din. I just want to go there and see the famous Pinto Art Museum."
Oh, that museum. I also like to go there. Hindi ko naman inaasahan na today is the day na pala for that.
Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bag at nagpaalam kay Mama na baka gabihin ako ng uwi dahil may pupuntahan kami ni Riley.
I lied again.
Hindi ko na alam kung ilang mga kasinungalingan pa ang lalabas sa bibig ko para lang walang masabi ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko pwedeng sabihin kay Mama na si Laxus ang kasama ko at tanging kaming dalawa lang ang narito ngayon dahil panigurado ay magaalala si Mama. Ang unang bilin ni Mama ay 'wag papasukin sa buhay ko ang mga Padua. Alam naman naming lahat na iba ang ugali ng mga Padua. Mabait sila sa amin ni Mama pero hindi mo matatanggal sa mga magulang ni Laxus ang pagiging matapobre nila.
"Who are you texting? Is it Lim again?"
"Hindi."
"Then who?"
"Ang chismoso mo 'no? Pwede bang mag-drive ka na lang? Lahat tinatanong mo, e."
"Of course!"
"Of course what, Laxus?"
Then silence embraced us both yet again. Isang oras lang naman ang byahe papunta sa Antipolo mula sa amin pero pakiramdam ko ay napakabagal ng oras ngayon. Malamang, hindi kami naguusap e. Babagal talaga ang oras niyan.
Chin Calling...
"Hmm?"
[Where are you?]
"Bakit?"
[Where are you at sino ang kasama mo ngayon, Tala?]
What the hell? Is he f*****g serious asking me that?
"Bakit nga? Okay lang ako. Hindi ako na-kidnap. Nag-text na rin ako kay Mama."
[Yeah, you texted Tita that you're with Riley. For your information, I'm with Riley right now and we're off to the mall.]
Shit. Ang tanga ko. Ang tanga tanga! Bakit ba hindi ko naisip na pwedeng magkita at magsama si Chino at Riley ngayon? Pero ang akala ko kasi busy si Riley sa school kaya hindi 'yon makakagala. Tangina naman.
[I just want to remind you to remember who you are with right now, Tala mae. I'll hang up na. Stop lying to your Mom for him. Bye, text us when something comes up.]
Call Ended.
"Now I'm sure that that is Lim. What did he say?"
"Nah, just things. He asked me lang kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko."
"Why would he ask you that? Is he your Dad or something? A boyfriend? What is he to you, Elle?"
"My bestfriend. Now stop being so frustrated and just focus on driving. Wala pa sa plano ko ang mamatay, Padua."
"As if naman hahayaan kitang mamatay."
Okay. That's enough for today. I'm starting to act up and this is not on my plans.
After an hour and so drive, nakarating din kami sa destination namin.
"This is the cloud 9 Antipolo?" He asked.
"Oo, ayan oh. May sign sa harapan mo. Bulag ka ba o ano?" Sagot ko.
"Can we go straight to the museum na lang?" He said while eyeing the place.
Hindi ko maiwasang matawa sa reaksiyon niya dahil bakas naman sa itsura niya na takot lang siya.
"Why are you laughing?"
"Duwag ka pala, e. Natatakot ka sa ganiyan? Ang yabang mo tapos takot ka sa ganiyan? Wala ka pala, e." Pangaasar ko.
"Hindi ako takot. Sino nagsabing takot ako? Parang ayan lang, e. Tinanong lang naman kita kasi mukhang ang boring naman dito dahil wala ka namang magagawa."
"Sus, palusot."
"Hindi ako nagpapalusot, Elle. Kung gusto mo talaga rito, then let's go and just please stop teasing me already," naiinis na sambit niya.
"Tsk, pikon. Hindi na, sa museum na lang muna tayo. Pangit pumunta rito sa cloud 9 kapag maaraw. Mamayang gabi na lang tayo tumuloy dito para city lights ang makikita natin."
"Hmmm, okay. Ikaw bahala. Let's go na."
Bumalik kami sa loob ng sasakyan niya at bumalik na naman kami sa pagmamaneho. Saglit lang din naman ang inabot namin dahil halo 15 minutes lang ay nakarating na rin kami agad sa museum.
"Nice." Sambit niya.
Hindi gaano karami ang tao ngayon dahil weekdays. Malamang ay may pasok ang lahat.
"Do you like it in here?" He asked while we're roaming around the halls.
This museum is just pretty. Everything is so Earthy and minimal. It looks peaceful and the ambiance is chill. The garden area looks so pretty as well kaya naman dito na muna namin pinili na magpahinga.
"Yeah. Plano ko rin pumunta rito actually. Hindi lang ako makahanap ng free time ko."
"Then this is a dream come true for you? You should thank me for I commanded your wish."
"Dream come true mo mukha mo. Kayang kaya ko pumunta rito mag-isa 'no. Kahit pa wala ka, kaya ko mag-isa."
"Hindi naman ako mawawala, Tala Rielle."
Kasabay ng pagbugso ng hangin, ay ang pagbugso rin ng nararamdaman ko na hindi ko alam kung saan nanggaling.