Tala's POV:
"Girl, ayos ka lang ba?"
"Huh? Oo naman, bakit mo natanong? Baliw," natatawa kong sambit kay Riley habang nakaupo kami ngayon dito sa field dahil pareho kaming walang pasok.
"Kanina ka pa tulala d'yan, e. Mukhang may malalim kang iniisip. You sure you're okay?"
"Baliw, oo nga. Ayos lang ako. Spacing out lang siguro ako. Busy na ba kayo sa course mo?"
"Sobra! Like super nasstress na ako sa mga ganap ng mga archi. 'Te kulang na lang nga ay matanggal ang kamay ko sa kakagawa ko ng mga plates. Naloloka na ako sa course na 'to, jusko!"
"Tungaks, buti pa nga kayo may ganap, e. Sa nursing department teh nakatunganga lang kami. May matututunan ba 'ko nang ganoon? Kaya nagseselfstudy na lang ako, e. Ayoko asahan mga prof ko ngayon. Mukhang mga mabababa magbigay ng grade, e samantalang hindi nga sila gaano nagtuturo sa amin. Mas marami pa 'yung days absent kaysa sa days present!"
"Sana pala nag-nursing na lang ako?"
"Baliw ka talaga."
Nag-usap lang kami ng kung ano-ano ni Riley bago siya biglaang magpaalam dahil pumasok daw bigla ang prof nila. Oh 'di ba. Halos higit 1 hour nang late tapos kapag dumating sila pa galit. Lol.
Si Chino hindi ko alam kung nasaan. Pero ang narinig ko kanina sa mga kaklase ko ay may training daw ngayon sila Chino at Laxus for basketball team. Maganda ang kalangitan ngayon dahil hindi makulimlim ngunit hindi rin mainit. Tamangtama lang kapag tatambay ka tulad ng ginagawa ko ngayon.
Ano'ng nangyayari?
Ang kaninang mga naglalaro ng football sa field ay bigla na lamang nagsihinto para tumakbo papunta sa kung saan. Pati ang mga estudyanteng nakatambay din dito kanina ay nagsitayo at nakisama sa pagtakbo ng iba pang mga estudyante. Ano ang meron?
Napatayo na rin ako mula sa pagkakaupo dahil baka matapakan pa ako ng mga estudyante rito sa sobrang pagkakagulo nila.
"Si Laxus at Chino raw pre nagsusuntukan!"
ANO!?
Gaya ng ibang estudyante ay tumatakbo na rin ako ngayon papunta sa court kung saan nagpapractice sila Chino. Ang daming mga estudyante ang nakapalibot sa entrance ng court kaya naman nahirapan ako bago ako makapasok.
Naabutan ko si Chino at Laxus na nagsusuntukan pero si Chino ang maraming tama sa mukha at nagdudugo na rin ang mga labi nila. s**t, should I stop them? What should I do!? f**k.
Akmang susuntukin pa sana ni Laxus si Chino sa mukha kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw, "Laxus!" Then he stopped.
Binitawan niya ang damit ni Chino at marahas niyang pinunasan ang nagdudugo niyang labi at tsaka siya tumingin sa akin. Lahat ng atensiyon ng tao ay napunta sa akin dahil sa pagsigaw ko at dahil na rin sa mga mata ni Laxus na tanging sa akin lamang nakatingin.
Putangina, ito na naman ako sa ganitong sitwasyon kung saan napapalibutan ako ng mga mapanghusgang tingin. s**t, Laxus.
"What are you doing here?" He asked. Without any emotion, Laxus asked. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa expresyon niya ngayon o mag-alala kaya tinignan ko lamang siya.
"Tala, let's go." Pagtatawag ni Chino sa tabi ko na kanina pa pala naka-recover pero hindi ko napansin dahil nananatili ang pagtititigan namin ni Laxus.
"Go with him, Elle. He's Chino, of course, you'll go with him. You'll worry about him."
Is he f*****g trying to manipulate me and turn things around so that I'll feel bad for not helping him nor asking him if he's fine?
"Don't mind him, Tala. Let's just go." Pero hindi pa rin ako natinag sa pagtawag ni Chino sa akin. Diretso pa rin ang tingin ko kay Laxus. May parte sa akin na gusto siyang lapitan, at may parte rin sa akin na gusto siyang kagalitan dahil sa ginawa niya kay Chino.
"What happened?" I asked in a very low voice. Just enough for him to hear dahil medyo malayo naman ang pagitan ko mula sa ibang mga estudyante.
"He started it. Don't look at me like I'm the one who started this, please. I don't want you to look at me like that, Elle."
"Who started the fight, Chino? Who punched first? What did happen?"
"I-uhm, I punched him first, Tala. It's because he's---"
"What? Because I'm what? Go on. Tell her what I said earlier. Tell the whole school about what I've said earlier, bro. You'll see kung sinong mananalo sa 'tin."
"What is he talking about, Chin?" Sa pagkakataong 'to, ngayon ko lamang nilingon si Chino at ang pagod niyang mga mata ang sumalubong sa akin.
"Nothing. It's just that he told me that he likes---"
"What if I like Elle? Why does it matter to you? You're just the best friend, right?"
Agad na nag-bulungan ang mga estudyante na nakapalibot sa aming tatlo. Para akong hihimatayin ngayon dito sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko ma-sink in sa utak ko ang narinig ko ngayon at para akong babagsak dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
"Laxus, pwede ba tumigil ka na?" Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita at matigil ang mga bulungan sa paligid namin. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko naman sila pwedeng iwan lang dito matapos nilang tangkain na magpatayan.
"What, Elle? Right, you don't believe me as well. How can I prove it to you then? You won't even let me come anywhere near you. So how am I going to prove myself to you?" He asked in a desperate tone.
"Tangina, hindi ka ba talaga titigil?"
"Chino, 'wag mo na patulan. Please lang, 'wag niyo na pahabain pa 'tong usapan na 'to. Let's just go."
Tumalikod na ako kay Laxus at naglakad papalayo habang hatak ko ang damit ni Chino nang bigla pang magsalita muli si Laxus.
"Don't leave me here, Elle. You can't leave me here after those words that I've said."
How do you know when you're feeling something towards someone? Does your heart pump blood aggressively? Does it make your heart flutter to the point that it will make it harder for you to breathe? Or when you feel like stopping from walking away from that person?
Because I am feeling it all right now. And I know that what I am feeling right now is stupid and I am being ignorant.
I tried to walk away but he kept on calling me Elle. Hindi ko alam kung paano niya pa naisipan ang pangalan na 'yan samantalang Tala naman ang tawag sa akin ng lahat.
"Leave and you'll never see me beg for your attention again."
Dug dug. Dug dug. Dug dug. Dug dug.
It feels like the court is now empty and the only person standing in here is Laxus and me. It feels like the time has slowed down, and everything seems to be frozen. Do I not want his attention? Do I want his attention?
Fuck this, Tala. He's a Padua. Ano pa ang dapat mo pag-isipan?
Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad palabas ng court sa wakas. Mabigat ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan. May parte sa akin na gustong manatili roon kasama si Laxus pero alam kong hindi iyon tama at kailan man ay hindi magiging tama para sa lahat. Para sa kaniya. At para sa akin.
"Tala! Hey, wait."
"Bakit pinatulan mo pa si Laxus? Alam mo naman kung paano ang takbo ng utak nun, e. Para namang hindi ka pa nasanay do'n, Chin!"
"Why are you being mad at me right now? Bakit ako ang sinisigawan mo?" Kalmado pa ring tanong ni Chino na para bang naguguluhan siya sa inaasta ko ngayon.
Kahit ako ay naguguluhan sa inaasta ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. O baka naman alam ko kung bakit pero ayaw ko lang aminin.
"Sorry. Wala lang siguro ako sa mood ngayong araw. Bakit kasi kailangan umabot pa kayo sa puntong ganoon? Panigurado ay makakaabot 'yon sa guidance. Paano na ang record mo niyan?"
"One fight won't affect my records nor my grades, Tala. Don't worry---"
"Hindi mo sigurado. Paano kung bumaba ka? Paano kung ibaba nila ang grado mo at dungisan ang record mo? Para namang hindi mo kilala ang mga Padua, Chin. Kaibigan mo si Laxus noon. Alam na alam mo kung paano kumilos ang mga magulang ni Laxus."
Nakatira kami ni Mama sa mga Padua simula bata pa lang ako. At noon pa man ay kita ko na ang kalupitan nila sa ibang mga katulong noon. Kaya nga takot ako sa kanila noon. Maayos ang trato nila kay Mama simula pa noon kaya naman wala akong masabi na masama tungkol sa kanila dahil sa kanila kami nakatira ni Mama, at sila ang nagpapaaral sa 'kin.
"Don't worry about me, Tala. I can handle myself. What about you?"
"What about me?"
"Do you like him?"
"Like who?"
"Let's not play stupid here, Tala. You know who I am pertaining to. So, do you like him?"
Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko, para akong masusuka na ewan kahit wala naman akong mailalabas.
"Bakit mo naman sa 'kin tinatanong 'yan. Kilala mo naman ako, Chin. Bakit naman ako magkakagusto roon kay Laxus? Nababaliw ka na ba?" Sinubukan kong gawing pabiro ang tono ng pananalita ko pero nagmukha lang akong tanga habang seryoso naman ang mukha ni Chino.
Tangina, bihira ko lang makitang magseryoso 'to si Chino. At kapag nag-seryoso siya, talagang seryoso na siya sa mga sasabihin at gagawin niya.
"What's with your serious face, Chin? I'm telling the truth. Why would I like that kind of guy? Hindi pa ako tangang-tanga 'no?" Tangina.
He brushed his hair as a sign na para bang naguguluhan siya kung sino o ano ang paniniwalaan niya.
"You sure?" He asked na nakapagpataas ng kilay ko pero tumango pa rin ako.
I don't know why is he so concerned about the thought of me liking Laxus. I mean, I can like everyone if I want to. It's not a big deal and it's normal.
Sabay kaming pumasok sa loob ng clinic dahil sinamahan ko siyang ipagamot ang mga sugat niya dulot ng suntukan na naganap kanina.
"Ano'ng nangyari rito?" Tanong ng nurse sa amin nang makita ang mga sugat ni Chino sa mukha.
"A fight between him and a classmate." Simpleng tugon ko.
"Nasaan 'yung nakaaway? Hindi ba sugatan? Kayo pa lang ang unang pasyente rito, e. Wala pang ibang napasok dito. Hindi ba nagalusan ang nakaaway mo, Hijo?"
"Nagalusan po. Pero hindi ko ho alam kung bakit hindi siya nagpatingin dito," sagot ni Chino habang mariing nakapikit dahil sa hapdi siguro ng sugat niya sa mukha.
"Chin, alis na muna ako. May bibilhin lang ako."
Tumango lang si Chino kaya naman agad na rin akong lumabas mula sa clinic. Wala naman talaga akong bibilhin. Gusto ko lang magpahangin dahil kami lang ang tao roon sa loob ng clinic, ang awkward.
"A bitch."
"Ang kapal ng mukha, akala mo kung sino."
"Talagang inakit niyan si Chino at Laxus. Mukhang pera kasi."
"Manggagamit."
"Malandi."
Iyan ang iilan sa mga salita na narinig ko habang naglalakad ako sa corridor. Malamang sa malamang ay umabot na sa buong campus ang nangyaring eksena kanina sa loob ng court. Dinedma ko na lang ang mga naririnig ko dahil hindi ko naman sila kilala para magpaliwanag ako sa kanila. Tsaka hindi rin naman sila maniniwala kapag sinabi ko na walang katotohan ang mga sinabi ni Laxus kanina.
Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng building ng department namin. Wala kasi gaanong tao rito dahil malamok daw. Wala naman akong nararamdamang lamok kaya hindi ko alam kung ano ang winawari nila. Ayos na rin dahil ako lang ang nandito.
"Laxus?"
Paglapit ko pa sa patutunguhan ko, nakita ko si Laxus na nakasandal sa pader ng building habang may hawak-hawak na yosi.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit hindi ka nagpa-check up sa clinic? May mga sugat ka---"
"f**k off. I don't need your excuses." Aniya bago upusin ang yosi na hinuhuthot niya at umalis sa lugar na kinatatayuan ko.
That's it? I should f**k off? Don't tell me he's really mad at me for not staying inside that damned court.
"Seryoso ka ba? Nung una lang ikaw 'tong lapit nang lapit sa 'kin. Ngayon gaganiyanin mo 'ko? Talagang gago ka ba?" Hindi ko naiwasan ang pagmumura ngayon dahil sumama ang loob ko sa paraan ng pagtaboy niya sa akin. Bakit parang kasalanan ko pa na nagmukha siyang tanga kanina sa loob ng court na 'yon? Wala namang namilit sa kaniya na gawin niya ang mga ginawa niya kanina so ano'ng deal niya?
"You f*****g left me hanging in there! I asked you to stay for Pete's sake, Elle! I asked you not to leave but you still did! What do you expect me to do? Greet you with the warmest hug that I could give?"
I know that he's mad because he is fuming right now. He is yelling but not that loud. A yell that's just enough for me to hear and to know that he's mad. Well, what do I do? All I can do is ignore him. Why would I please him? It's not like my life will fall apart when he's mad at me. We're better off as strangers anyway.
"You made me feel like a f*****g stupid in there, baby. I just hope that you will come back to me one day asking me to get back to you." He said before leaving the place.
I don't what part in that sentence gave me shivers down to my spine. The man you are, Laxus.