Tala's POV:
Pag-uwi namin sa bahay, naging tahimik na ulit kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon. Ang pasok ba namin bukas o ang nangyari ngayong araw kasama si Laxus.
Marami kaming ginawa sa mall kanina matapos namin kumain sa resto na siya naman ang namili. Naglaro kami sa time zone, namili kami ng mga damit niya at binilhan niya rin ako ng mga damit kahit na todo tanggi naman ako kanina. At nanood din kami ng sine. Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumanib sa akin para lang hayaan ko si Laxus na hawakan lang ang kanang kamay ko sa loob ng isang buong araw. Tangina namang buhay 'to oh.
"Musta ang lakad niyo, nak?"
"Ayos naman po, Mama. Binigyan ho ako ni Laxus ng mga damit kanina Mama. As a thank you raw po kasi sinamahan ko siya ngayong araw sa mall."
"Oh, nagpasalamat ka ba?"
"Syempre naman, Mama. Ako pa?" Pagbibiro ko. Ewan ko. Minsan hindi ko na rin talaga alam kung bakit ganito ang mga joke ko pagdating kay Mama, e.
"Ano ang ginawa niyo sa mall? Bakit natagalan kayo? Marami ba ang tao ngayon sa mall?"
"Ah, o-opo Mama hehe. Sobrang dami pong tao kaya kami natagalan ni Laxus," pagsisinungaling ko.
Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon para man lang magising ako dahil ito ang unang beses na nagsinungaling ako kay Mama at lalaki pa ang dahilan. Nawawala na yata ako sa sarili ko.
"Nag-enjoy ka naman ba sa lakad niyo?"
"O-opo, Mama. Maliligo na ho ako, galing po kasi ako sa labas."
Nag-enjoy? More like na-flutter the whole time? First time may humawak sa kamay ko! First time! At ganoon katagal! Nag-enjoy!? Nahihibang ka na talaga, Tala.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Laxus na nasa sala nila at nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto namin ni Mama. Tangina, pwede bang umatras?
Kaso huli na ang lahat dahil nakita naman niya akong papalapit sa gawi niya. Lord, please. 'Wag na po niya sana ako pansinin dahil baka hindi ko na po kayanin ang mga ginagawa niya sa 'kin ngayong araw. I'm not your strongest soldier, Lord. Pakiusap lang ho.
Dahan-dahan ako sa paglakad ko at nagkunwari akong hindi siya nakita nang bigla na naman siyang magsalita na ikinagulat ng buong pagkatao ko.
"What are we doing?"
Anong what are we doing?!
"H-huh? Ako naglalakad, ikaw nakatayo d'yan. 'Yun ang ginagawa natin ngayon, hindi ba?" Tanga.
"Seriously? Kailan ba matatapos ang pamimilosopo mo? Can we like talk seriously, Rielle?"
Ayan na naman siya sa Rielle na 'yan. Tanginang Rielle 'yan, lasang magiging kahinaan ko in the future.
"Naguusap na tayo ngayon, ah? Anong klase ng usap pa ba ang gusto mo? At tsaka wala naman tayong dapat pag-usapan. Mauuna na ako dahil maliligo pa ak---"
"I like you."
Lord? Pwede po ba akong magwala right now kahit hindi ko ho ito pamamahay? Pwede po ba? Kasi kung pwede po, gagawin ko na ho agad.
"Tangina mo, ano'ng sinasabi mo d'yan? 'Wag mo nga ako pagtripan. Busy akong tao, hindi mo ako makukuha sa ganiyan mo."
"No. I am being serious right now and I like you. I do."
"Tangina mo ba, Laxus? Ginagago mo ba 'ko? Bahala ka sa buhay mo, okay? Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Pagtripan mo kung sino ang gusto mong pagtripan, pero please lang. 'Wag ako, okay? Hindi ko deserve 'yang ganiyan mo kaya please lang, itigil mo na dahil hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo these days."
Nahihirapan akong magsalita dahil baka may mali akong masabi na ikakadawit pa ni Mama. Ayoko naman na magkagulo ang lahat dahil lang dito sa kalokohang sinasabi ni Laxus ngayon sa harapan ko.
"What if I am being serious right now? What if gusto talaga kita, Rielle? That's why I am trying to get your attention these past few weeks because I want to know you. Is liking you illegal?"
"Illegal kapag ikaw, Laxus."
"And kapag si Chino? Kapag si Chino ayos lang? Ganoon ba, Rielle? Kapag si Chino ayos lang, kapag ako hindi? Is that what you are saying right now? 'Cause I can't understand your point right now. Why can't I like you?"
He's being too straightforward that it makes me want to throw up dahil sa pakiramdam ko ay lalamunin ng kaba ang buong pagkatao ko. Parang may kung anong nabubuo sa tyan ko nagiging dahilan ng kahirapan kong humanap ng mga salita na dapat sabihin sa kaniya ngayon.
Tangina, ano ba kasing nangyayari. Hindi naman namin 'to dapat nararanasan ngayon, bakit ba nagkaganito? Nananahimik ang buhay ko tapos bigla siyang gaganiyan? Ang gago.
"You like me?" I asked.
"I do."
"Then prove it. Words will never be enough for me to believe that you like me for real. Stop being so full about yourself. Una, ano'ng gusto mong gawin ko kapag narinig ko na may umamin sa akin na gusto nila ako? Magtatalon sa tuwa? Kiligin? At least give me some space to think if you're serious about this, okay? Stop ruining my peace, Laxus. It's not fun." Then I made my way out of their sala.
Agad akong napaupo sa sahig pagkapasok ko sa banyo dahil sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Nanlalamig din ang mga palad ko ngayon dahil sa kung anong naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero tama lang naman siguro ang mga sinabi ko kanina.
Tangina? Masyado siyang mabilis. Ngayong araw nga lang kami nagkaroon ng quality time together. Ngayong araw nga lang kami nakalabas, so bakit? Ano ang deal niya at bigla niyang sinabi ang sinabi niya kanina? Ano? Nanggagago lang? Pustahan? Pustahan ba nila 'to ng mga kaibigan niya sa college?
Mababaliw na yata ako kakaisip. Bahala na kami bukas.
---
"Good morning, Tala!"
"Good morning."
"Bad day?"
"Hindi naman, why?"
"Mukhang wala ka sa mood at malalim ang iniisip mo bago kita lapitan, e. Is something up?"
"Baliw, wala namang ganap. Aga ko kasi nagising. Wala pa akong tulog kaya siguro ganoon ang itsura ko. Bakit, pangit ba ako tignan today?"
"No, you're always pretty! Araw-araw."
"Sus, bolero! Tse! Wala akong perang panlibre sa 'yo kaya manahimik ka d'yan."
"Oh talaga ba? Hindi naman ako nagpapalibre sa 'yo, Tala. Kailan ba ako nagpalibre sa 'yo?"
"E, ikaw! Tuwing sasabihin ko na ililibre kita magtatampo ka. Sasabihin mo hindi ka kakain, sus. Tapos ngayon tatanong ka kung kailan kita nilibre. What if suntukin kita sa mukha, ha Chino?"
"Look over there." Pasimple akong lumingon sa nginunguso ni Chino at nakita ko si Laxus sa malapit na puno mula sa amin na nakatayo at direktang nakatingin sa aming dalawa ni Chino. "Why is he looking at us?" Chino asked.
"I don't know. Besides, we're not close naman so how would I know why is he staring at us."
Tangina, seryoso ba 'tong si Laxus sa ginagawa niya? Para siyang baliw na tingin lang nang tingin sa amin ni Chino habang naglalakad kami. Bahala siya masiraan ng bait d'yan kakatingin. Dukutin ko mata niyan, e.
Nagsimula ang klase namin nang nakatahimik lang kaming lahat at busy kami makinig sa mga prof ngayon dahil gusto na rin siguro nilang mag-ayos sa mga acads nila. Well, dapat lang 'no. Ang mahal-mahal ng tuition na binabayaran nila rito tapos hindi sila mag-aaral nang maayos? Awit 'yan kapag ganiyan, hindi ba?
"Hey," pagtatawag ni Laxus sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. "Are you ignoring me? That's unfair. How can I prove myself if you'll keep on ignoring me?"
"Would you please shut up? 'Wag mo akong ginagago dahil wala akong oras para d'yan, Lax."
"Huh? What did you call me?"
Napalingon ako sa kaniya nang dahil sa sinabi niya na ikinabigla ko na naman nang ma-realize ko ang tinawag ko sa kaniya. f**k it. Why on Earth is this happening?
"Fine. You call me Lax, and I'll call you Elle. Short for Rielle. Sounds good?"
"Oh, shut up. Ikaw lang ang natutuwa d'yan sa mga sinasabi mo. Stop playing with me. I am not a f*****g toy that you can play with, Laxus."
"How many times do I have to tell you that I am not playing games on you? Why won't you believe me?"
Sa tono ng pananalita niya akala mo sobrang desperado niya na na mapapayag ako at mapapaniwala ako sa mga sinasabi niya. Pero alam ko na 'yang istilo niya. Wala siyang madadali rito.
"You wanna know the reason why I will never believe you?"
Tumango siya.
"Simply because you're Laxus Gabriel Padua."
Natapos ang discussion namin nang hindi na ulit ako kinausap ni Laxus. See? Hanggang doon lang 'yon. I definitely hurt his ego earlier kaya hindi niya na ako pinansin pa ulit matapos kong sabihin 'yon. Well, it's not like its my problem to deal with. Busy akong tao para sa mga shits niya sa buhay.
"Hey."
Napatingin ako kay Chino na bigla na lamang sumulpot sa gilid ko at nakatayo.
"Hi, ginagawa mo d'yan?" I asked.
"I'll ask you for a lunch matik. Why are you spacing out too much today? Did something happen? I saw you kanina talking to Laxus while our prof's discussing. What's that all about?"
"You're too nosy talaga 'no, Chin? Doon ka na nga," pagbibiro ko habang pabiro siyang tinutulak papalayo nang bigla niyang saluhin ang mga kamay ko na nakaabang hahampas sa braso niya nang pabiro.
Agad kong binawi ang kamay ko dahil naiilang ako. Kami lang ang tao ngayon sa loob ng room dahil free time na naman namin. Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit binawi ko agad ang kamay ko mula kay Chino samantalang hinayaan ko si Laxus na hawakan ang kamay ko kahapon nang buong maghapon.
"Sorry," saad niya.
"Ayos lang. Lunch ka na lang muna mag-isa today, ayos lang ba Chin? Iiglip ako, e. Hindi kasi ako nakapagpahinga kahapon," pagpapalusot ko.
Hindi naman talaga ako iiglip. Naiilang lang ako na mag-lunch ngayong araw dahil pakiramdam ko ay pagmamasdan lang ako ni Laxus doon.
"Oh, sure! May gusto ka bang kainin? Akyat ko rito pagtapos ko kumain."
"Hmm, wala naman. Text na lang kita kapag nag-crave ako for something. Eat well!"
"Yes, Sir!"
Baliw hahahaha. Ano'ng gagawin ko ngayon? Ako lang tao rito. Wala rin naman akong kailangan i-review dahil na-review ko na lahat. Nakakainis, laging nagagawi sa isip ko si Laxus! Kung mayroon lang sigurong pambura na pwede sa utak, malamang ay binili ko na para lang maalis siya sa utak ko.
Totoo rin naman ang sinabi ko kay Chino na wala akong pahinga kahapon dahil bago ako matulog, ang tanging nasa isip ko lang ay si Laxus. Oh 'di ba? Parang tanga lang. Gusto kong kaltukan sarili ko para magising ako sa realidad, e. Baka kasi nahihibang na ako kaya siya pumapasok sa isip ko.
"Why aren't you eating lunch?"
Ayan na naman 'tong mabilis na t***k ng puso ko, tangina.
"Mind your own business." Tipid na sagot ko nang hindi man lang siya nililingon.
"What should I do if you're my business, Elle?"
Tangina, anong Elle?
"Don't call me names na tanging ikaw lang ang aware. It's nonsense. Hindi naman ako nakikipagbiruan sa 'yo so quit meddling with my own life."
"Hindi rin naman ako nakikipagbiruan sa 'yo, Elle. Seryoso ako rito. Ikaw lang 'tong ayaw maniwala sa 'kin."
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"What?"
"Anong what? Ang sabi ko, tigilan mo ako dahil hindi ako katulad ng mga babae mo. Pwede ba? Ibahin mo nga ako sa kanila! Kung sila madali mo lang nakuha, pwes ako hindi! Kaya tumigil ka na d'yan kung naglalaro ka lang dahil wala kang mapapala sa akin kung thrill lang ang hinahanap mo sa buhay mo."
"f**k, Elle...how many times do I have to tell you that I am serious with this matter? I mean, why would I try to spend more time for you if I am not being serious at all?"
"I don't know. Ano ang malay ko kung sa ilang babae mo na ginawa at sinabi 'yang mga 'yan. Patulugin mo naman ako nang mapayapa, please lang. Lumabas ka na kung wala ka ng sasabihin."
"You're being mean and cruel for not letting me prove myself to you even just for a little. But anyway, I won't be stopping yet, Elle. Believe it or not, I am just starting." Seryosong aniya bago lumabas ng room.
Shit. His words. His face while saying it. His smirk and his smiles. Tangina, what on Earth is happening right now? Namuti na ba ang mga uwak?