Tala's POV:
"Tala, hanap ka ni Sir Laxus."
"Ano ho 'yun, Ma?" Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang sinabi ni Mama.
Wala kaming pasok ngayon dahil ewan ko. Basta nag-email sa amin ang school na wala raw pasok ngayong araw dahil may kailangan daw ayusin ang buong faculty pati na rin ang mismong school. I don't know what it is, gusto ko lang matulog.
"Hinihintay ka niya sa sala," pag-uulit ni Mama.
"E? Bakit daw po? Pakisabi na lang Ma na masama kamo ang pakiramdam ko," pagpapalusot ko.
"Bakit, nilalagnat ka ba?"
Akmang kakapain ni Mama ang noo ko kaya naman tumayo na talaga ako at nagpaalam na lang na lalabas ng kwarto. Kasi naman, e. Bakit ako hahanapin? Hindi naman ako nagtatrabaho rito 'no. Desisiyon siya masyado.
Naabutan ko si Laxus sa garden nila habang may hawak na tasa ng kape na marahan niyang sinisimsim. Morning person pala ang isang 'to, akala ko puro nightclub lang ang inaatupag, e.
"Ba't mo 'ko hinahanap?"
Napalingon siya sa akin at binigyan niya na naman ako ng nakakaloko niyang ngisi.
"You're here na pala."
"Ay, hindi. Anino ko lang 'tong nasa harapan mo ngayon. Hindi obvious, e 'no?"
"Tsk, pilosopo."
"Ano ba kasi 'yun? Nakahiga ako, e. Bigla-bigla kang mangtatawag d'yan. Busy akong tao 'no, akala mo ba."
"Bakit ba everytime na kinakausap kita, galit ka? What did I ever do wrong to you, Rielle? Lol," he said after he sipped his coffee.
"Wala lang. Oh, ano ba kasi 'yon? Bakit mo ako hinahanap? Inutusan mo pa talaga Mama ko para lang tawagin ako. Papansin mo so much 'no?"
"Whatever. Come with me."
"Huh? Saan?"
"Mall."
"Ayoko, ikaw na lang. Tinatamad ako tsaka wala akong masusuot, lahat nasa labahan." Pagdadahilan ko.
Bakit naman kasi niya ako aayain na samahan siya sa mall? Close ba kami para mag-mall nang magkasama?
"Just come with me for a while! Hindi naman tayo magtatagal. May bibilhin lang ako!"
"Oh, hindi naman pala magtatagal e! E'di ikaw na lang. Bakit kailangang kasama pa ako? Gagawin mo pa 'kong alalay doon," pagrereklamo ko.
"I need your opinion kasi on something. Hindi naman kita isasama nang basta lang, duh?"
Gusto ko sanang matawa dahil sa pagtataray niya pero pinigilan ko ang sarili ko mula sa pagtawa at kahit pagngiti. Ayokong isipin ng isang 'to na magkaibigan na kami at maaaya niya na ako kung kailan niya gusto 'no.
"Fine, magbibihis lang ako."
"Wear something nice!"
Napahinto ako sa paglalakad ng dahil sa sinabi niya kaya naman muli akong lumingon at sinabing, "Wala akong nice clothes! Bahala ka sa buhay mo, proud jejemon ako!"
Lol, hindi niya nga yata alam kung ano ang ibig sabihin ng jejemon sa sobrang focus niya sa buhay.
Have I already told you guys that this guy named Laxus doesn't have a f*******: account? He's only using his i********: account for socializing with literally everyone. He can pull everyone in just using one app. Amusing, I guess? Anyways, slow siya pagdating sa jokes. Wala kasi siyang meme life, e. Lol.
Nagsuot lang ako ng simpleng jeans at tshirt dahil iyon lang naman ang nasa damitan ko at wala ng iba pa.
"Lol, what are you wearing?" Bungad ni Laxus pagdating ko sa sala.
"Damit, hindi ba obvious?"
"I mean, are you for real? Don't you have any other clothes? Go change your outfit nga," parang naiinis niyang sambit.
Hanep 'to ah.
"Wala akong ibang damit, puro ganito. Aarte ka pa ba? Ikaw na nga lang nagpapasama, e. Ikaw pa may gana mamili ng susuotin ko. Okay ka lang?"
Padabog siyang umalis sa harapan ko at sabay sabing, "Fine, whatever. Let's go."
Parang baliw lang. Sumunod na lang din ako sa kaniya para matapos na. May magagawa pa ba ako bukod sa sumunod sa utos ng anak ng mga boss ng Mama ko?
Imbis na day off ko ngayon nandito ako ngayon sa mall at kasama ang ulupong na 'to.
"Ano ba'ng gagawin mo rito? Pwede ka naman pumunta sa mall nang mag-isa. Sinama mo pa ako. Magpapahinga 'yung tao, e."
"Can't you please stop talking? You're nagging me kanina pa. Daig mo pa si Mom. Stop asking na nga kung ano ba gagawin ko rito. It's a mall, marami ang pwedeng gawin dito, Rielle."
Siya lang ang tumatawag sa 'kin niyan. Ewan ko sa isang 'to kung ano ang pakana.
Huling punta ko sa mall ay nung kasama ko si Riley dahil hinihintay namin si Chino para sabay-sabay kaming pumunta sa party. Dumiretso lang kami ni Riley sa Starbucks nun kaya naman hindi talaga namin nalibot ang buong mall. Kahit ako ay hindi ko pa ito nalilibot nang lubusan dahil hindi naman ako madalas dito.
Pumasok kami sa isang shop na bilihan ng damit para sa lalaki. Nahihiya nga ako pumasok dahil halatang mamahalin ang shop na 'to. Ito pang kasama ko ay todo porma. Mukha tuloy akong alalay kaya pinagtitinginan ako nung dalawang sales clerk. Dukutin ko mata nila, e.
"Do you have a size medium for this one?" Dinig kong pagtatanong ni Laxus.
Nandito lang ako sa entrance ng shop malapit dahil ayokong pumasok sa loob. Wala naman akong bibilhin dito dahil shop for men 'to.
"Hey, come here."
"Ako?"
"Who else could it be?" Sabi ko nga.
"Ano 'yun?" Sambit ko paglapit ko sa kaniya.
"Which one is better? This one or this one?" Pinakita niya sa akin ang dalawang polo shirt na magkaiba ang design at kulay. Ang isa ay nude color, at ang isa naman ay black. Pareho lang naman 'to bagay sa kaniya kaya bakit nagtatanong pa siya?
"Ito," pagtuturo ko sa kulay black na polo. Pakiramdam ko ay babagay sa kaniya 'yon dahil maputi naman si Laxus. Mas maputi pa nga kaysa sa 'kin.
Binayaran niya na lahat ng pinamili niya at halos mapasinghap na 'ko rito nang makita ko ang total ng binili niya.
Seryoso ba? 13,500 para sa mga damit? Nagbibiro ba 'to? Bigatin talaga.
"Let's go, what are you staring at?"
"Huh? Wala. May tinitignan lang, tara na." Sakit sa ulo ng halos 14k para lang sa iilang piraso ng damit. At hello? Unang shop pa lang namin 'to. Panigurado ay marami pa 'tong papasukang mga shop mamaya.
"Where do you want to eat?" Pagtatanong niya habang naglalakad kami.
In fairness ha. He's not using his phone habang naglalakad kasabay ko. I don't know. I just find it respectful when they're not using their phones when they are talking to you. Lalo na if you're telling a story and they are listening intently.
"Kahit saan, ikaw bahala."
"May kainan bang ganiyan ang pangalan?" Paglingon niya sa akin.
"E, siraulo ka pala e. Hindi naman kasi ako maalam sa ganito. Hindi ako madalas dito 'no. Tulad mo 'ko sa 'yo e gala ka. Ikaw na ang bahala tutal ikaw naman ang maalam sa mga ganito. Ako pa tatanungin mo e Jollibee, McDo, KFC, at Chowking lang ang alam ko."
"Then let's go to J-Jollibee," nauutal na sambit niya kaya naman agad akong napangisi nang nakakaloko.
"First time mo kakain sa Jollibee 'no? Hindi mo nga alam kung paano tamang bigkas, e. HAHAHAHAHAHA! Iba ka talaga, ha. Walang childhood. Hello? Jollibee po ang tinutukoy ko tapos hindi mo man lang alam? Whatever ka, ge sa Jollibee na lang tayo kumain."
"Doon din naman pala kakain ang dami mo pang sinasabi. E'di tara na kung sa Jollibee, sa Jollibee."
Oh my God! It's been so long na rin since nakakain ako rito sa Jollibee! Bukod kasi sa wala akong time ay hindi ako kumakain sa mga fastfood chain ngayon dahil nagiipon ako.
Pagpasok namin ng Jollibee, dagsang pila agad ang sumalubong sa amin. Puro rin bata ang laman ng Jollibee ngayon as usual. Tambayan na yata ng mga bata ang Jollibee.
"Ano? Tuloy pa ba tayo?" Tanong ko kay Laxus. Nakita ko kasi siyang marahang pinunasan ang pawis niya sa noo. Alam ko naman na hindi siya sanay sa ganitong lugar, pero ang bilis niya naman pawisan? May aircon pa rin naman.
"Yeah, why not?"
"Pinapawisan ka na, e. Hindi ka yata sanay sa ganitong lugar. Next time na lang tayo kumain dito."
"There is a next time?" Tanong niya at gulat akong nilingon.
"Oo, pero hindi ka kasama." I joked na kinasama naman ng tingin niya. "Ano? Lipat tayo?"
"Nah. Let's just eat here. I want to experience eating here, too. Hindi pa kasi talaga ako nakakakain dito. Well, my parents don't eat in this kind of resto so you can't blame me."
I can't blame him naman talaga kung lumaki siyang steak na ang nakahain para sa kaniya.
"Okay, ako na ang pipila. Upo ka na lang somewhere. Hanap ka ng pwesto natin. Tsaka nasaan na ang pangbayad? Wala akong dalang pera, akala mo."
"Of course! I won't let you pay. Ingay mo," pagsita niya sa akin at inabot na ang pera bago umalis para humanap ng mauupuan namin.
Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong sa Jollibee kumain. Well, nakakahiya naman kasi na mag-suggest sa mamahaling resto nang hindi naman ako ang magbabayad, right?
Umorder lang ako ng basics sa Jollibee para sa aming dalawa dahil ayokong may natitirang pagkain. Sayang.
"You done?"
"Babalik ba 'ko rito kung hindi pa?"
"Tsk, pilosopo."
"Akala mo naman ikaw hindi."
"Okay? Now shut up?"
"Shut up mo mukha mo. 'Wag mo 'kong maganiyan-ganiyan d'yan tamo," pagbabanta ko sa kaniya habang tinuturo ang resibo na hawak ko.
Naging busy si Laxus sa cellphone niya dahil mukhang ang daming nagmemessage sa kaniya dahil vibrate nang vibrate ang cellphone niya. Well, ayos lang naman? I mean why am I even feeling annoyed? Must me due to some headache or something.
"Hey, is it not yet done? I'm getting sleepy na," pagrereklamo niya.
Sana pala hindi ko na lang siya dinala rito. Napakaarte talaga.
"Kusang dadalhin 'yun dito kapag okay na. Gutom na gutom ka na ba? Hindi ka ba nag-almusal?"
"Why? Are you worried that maybe I didn't eat breakfast?"
"No, why would I be worried?" Sabi ko habang nilalabanan ang diretsong titig niya sa 'kin. Hindi ko 'to aatrasan 'no. Kailan ba ako umatras mula sa isang bagay?
"Ehem, Ma'am, Sir, here's your order po."
Naputol lang pagtitinginan naming dalawa nang sa wakas ay dumating na ang mga pagkain namin. Ngumiti ako at nagpasalamat doon sa waiter bago ako pumikit at nagdasal para magpasalamat sa pagkaing nasa harapan ko ngayon.
"You're religious pala," sambit niya.
"Hmm, hindi naman gaano. Bakit? Kapag nagdasal ba religious na agad?"
"I didn't say anything."
"Bakit ba bigla kang nagyaya rito sa mall? Bored ka?"
"Mhm. Wala kaming training sa basketball, e. You?"
"Tanga ka ba? Inaya mo 'ko, e. Malamang sasama ako."
A malicious smile appeared on his face nang marinig niya ang sagot ko. He's thinking of something na naman na tanging siya lang naman ang nakakaintindi.
"What are you smiling about?" I asked.
"You."
Napaubo ako nang mabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Napatayo ako at sinusuntok suntok ko ang dibdib ko dahil sa bumara talaga ang manok na kinakain ko.
Tangina naman, oo. Ngayon pa talaga?
"Hey!"
Nagtinginan ang mga tao sa amin dahil sa eksenang nagaganap ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang uunahin kong intindihin! 'Yung sitwasyon ko ba, o 'yung mga taong pinapanood ako mabulunan, o si Laxus na tinutulungan akong makaraos sa hirap na pinagdadaanan ko. f*****g s**t talaga.
Tumakbo ako papunta sa CR ng Jollibee at tsaka ko lang sinuntok nang medyo malakas ang likod ko.
"Hey, Rielle. Are you okay in there?"
Putangina. Bakit kasi ngayon pa, tangina nakakahiya. Sana lamunin na lang ako ng lupa. s**t.
"O-oo! Ayos lang! Lalabas na rin ako, inaayos ko lang sarili ko."
Hindi siya sumagot kaya siguro umalis na rin siya sa labas ng pinto. Bumuntong hininga na lang ako dahil ano pa ba ang magagawa ko? Nangyari na. As if naman mababalik ko ang oras.
"Ang tanga mo 'no, Tala? Nakakahiya. Ngayon ka pa nabulunan na tanga ka. Tapos ngayon lalabas ka roon. Ang daming taong nakakita sa eksena mo kanina, shunga!" Sambit ko sa sarili ko sa harap ng salamin.
Ayokong lumabas? Nahihiya ako kay Laxus, s**t. Major turn off 'yung nangyari for me kanina. Gusto ko sumabog!
"Okay, Tala, kaya mo 'to. Pagsubok lang 'to. Bilisan mo na lang kumain tapos magpaalam ka na na uuwi ka na dahil sumama ang pakiramdam mo. Okay? Okay."
"Ay palaka! Ano ba! Ano'ng ginagawa mo d'yan?"
"Waiting for you. Obviously? How are you feeling right now? Are you alright?"
Tangina, gusto ko na lang talaga magpalamon sa lupa ngayon. Hindi ko ma-imagine kung ano ang itsura ko kanina habang nabubulunan ako. Grabe. Saan ho ang pila ng mga magpapasaksak? Pwede bang ako na ang mauna?
"Bakit nakatingin ka d'yan sa baba? Napano ka?" Gusto kong umiyak sa sobrang hiya ko ngayon, please lang. Hindi ko siya matignan nang maayos dahil nahihiya ako.
"Do I look weird kanina?"
"Kanina"
"You know. While I was suffocating because of my food. Do I look weird? A lot of people are staring kanina, ayoko na bumalik sa table natin. Nahihiya ako. Uuwi na lang ako," pagpapaalam ko.
"What? Silly, why would you think that? You almost died because of choking and you're still thinking if you looked weird? No need to worry about that kind of thing, Rie. Next time, worry about yourself first. You look pretty every day so don't even ask me if you looked weird earlier 'cause you're not."
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi ko nang dahil sa sinabi ni Laxus. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko at parang nahihirapan na naman akong makahinga dahil sa presensiya at mga sinabi niya.
"Why are you staring? Let's go eat somewhere else. 'Wag na tayong bumalik sa table natin." He said. Lending his hand.
"Huh? E paano 'yung mga inorder natin?"
"I already asked the waiter kanina if he can just prepare it for take-out and he agreed naman so let's go na."
Bago pa ako makaangal, hinawakan niya na ang kamay ko at marahan akong hila-hila hanggang sa makalabas kami sa Jollibee.
Bitin?
Joke, tangina Tala umayos ka nga. Hindi na ikaw 'to ha.
Hanggang sa paglakad namin papalayo ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Jusko, ano ba ang dapat kong gawin dito?
Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak niya kaya naman hindi ko mabawi ang kamay ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko," marahang pananaway ko sa kaniya dahil baka mapasigaw na naman ako rito nang wala sa oras.
"I don't want to. Just please hold hands with me, okay? Just for today, Rielle. Just for today, let me hold your hand for the rest of the day."