Chapter 7

2422 Words
Tala's POV: Tahimik lang ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Chino at ni isang salita mula pagpasok ko rito ay wala pa akong binibitawan. Hindi ako makapag-isip ng tama. Nagugulo ang isip ko at hindi ko alam kung dapat ba akong mainis at gawing big deal ang lahat. "You okay?" Tanong ni Chino matapos bahagyang tumingin sa akin dahil nagmamaneho siya. Tumango lang ako bilang sagot dahil lumilipad pa rin ang isip ko hanggang ngayon. "Something happened ba sa loob kanina?" Umiling ako. "Why aren't you talking then?" "Chin, wala akong problema. Okay? Malapit na ba tayo?" "Mhm. Sorry for asking questions." I feel bad for turning him down like that. Ewan ko. Nawala ako sa mood. Nakakagalit. After nun, hindi na nagsalita pa si Chino hanggang sa makarating kami sa resto na kakainan namin ng dinner with his family. Sakto lang din ang dating namin dahil malapit na rin mag-8 pm kaya dinner na rin talagang matatawag. Inalalayan ako ni Chino pababa sa sasakyan niya dahil iba ang sasakyang dala niya ngayon kaya medyo may kataasan itong babaan ngayon kumpara sa sasakyan niyang isa na nakasanayan ko na. "Andito na ba sila Tita?" "Wala pa. They're on their way pa lang. Why? Are you hungry na ba?" "Hindi pa naman. I'm just wondering. Baka kasi nandito na sila kanina pa, nakakahiya." Bago kami makapasok sa resto, may mga tinanong pa muna sila kay Chino about reservations and stuffs. Pagpasok ko pa lang ng resto, amoy expensive na agad. From the people that eating here right now, their outfits, how quiet and peaceful this place is, and the man who's playing a violin in the corner. Alam mong pang-expensive agad ang lugar na ito unang pasok pa lang. Naiilang ako dahil pagpasok namin ay napatingin ang ibang tao dahil sa bells na mula sa pinto na gumagawa ng ingay sa tuwing may nagbubukas ng pinto. Agad akong yumuko habang naglalakad kaya naman hinawakan ni Chino ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Uhm? What the hell? "Comfort room lang ako, Chin." Paalam ko sa kaniya at kumalas sa kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi pa siya nakakasagot ay umalis na ako at nag-diretso sa cr. Actually palusot ko lang talaga na pupunta ako rito. Gusto ko lang makaalis sa pagkakahawak niya dahil hindi ko ma-gets kung bakit may paghawak pa. I'm not a big fan of skinship you all. That's why mabilis ako mailang kahit pa simpleng physical touch lang ang maganap. Kahit nga si Riley ay mabibilang sa daliri ang beses na nagyakap kaming dalawa. Pati cr dito ay maganda. Mas malaki pa sa kwarto namin ni Mama, at mas mukha pang kwarto kaysa sa kwarto namin ni Mama sa mansiyon nila Laxus. Ngayon ko lang napagtanto na hanggang cr pala ng mga mayayaman ay may aircon. Allergic ba sila sa init kaya ganiyan? Ngayon ko lang nabasa ang text ni Riley na hindi siya makakapunta ngayon kaya naman hindi ko na lang din nireplyan dahil kanina pa 'yung message. Paglabas ko ng cr, nakita ko na andoon na rin ang parents ni Chino, naghihintay sa table. Inayos ko ang suot ko at inipit sa likod ng tainga ko ang buhok kong nakaladlad lamang dahil inalis ko ang pagkakatali kanina. "Good evening po, Tita...Tito," nakangiti kong sambit habang bumebeso sa kanilang dalawa. "Glad you made it tonight, Tala!" "Hehe, wala naman po akong plans for tonight Tita kaya nakasama rin po ako sa invitation niyo sa amin ni Riley for dinner hehehe." "Riley? But, I only asked Chino to inv--" "Let's order na, Ma?" Naputol ang sasabihin ni Tita nang biglang sumingit sa Chino kaya naman naramdaman ko na may mali dahil nagtatakang tumingin si Tita kay Chino pero ipinagsawalang bahala na lang din at ibinaling na ang atensiyon niya sa menu na nasa harapan naming lahat. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang presyo ng mga pagkain sa resto na 'to. Actually hindi na nga restong matatawag ito dahil para sa akin isa na 'tong fine dining restaurant na for occasions lang talaga dahil sa sobrang pricey ng pagkain. Naririnig ko na nagbibigay na sila ng orders nila roon sa waiter na nakatayonsa gilid ng table namin pero ako ito, hindi pa rin alam kung ano ang pipiliin ko dahil sa mahal ng mga nandito sa menu. "What about you, Tala?" Mas kinakabahan pa ako sa sitwasyon ko ngayon kaysa sa mga napagdaanan kong recitations, tangina naman. "She'll have truffle cream pasta, Salisbury steak, and one potato egg salad with salmon bits," biglaang sambit ni Chino sa waiter nang hindi man lang tumitingin sa menu. Grabe, memorize niya ba lahat ng nandito sa menu? Lagi ba sila kumakain dito? Inulit ng waiter ang mga order namin bago tuluyang umalis at bumalik nang may dalang glass bottles, wine, and a pitcher of red tea yata if I'm right. "Lagi ba kayo kumakain dito?" Tanong ko kay Chino. "Yeah. Favorite resto 'to ni Mama, e. Why did you ask?" "Kabisado mo foods, e. Hindi kasi ako makapili kanina dahil nalulula ako sa mga presyo, grabe. Kung pwede lang magtubig na lang gagawin ko, e." Natatawa kong sambit. "How's school, the both of you?" Pagtatanong ni Tita. "Ayos naman po. Hindi pa po kami gaanong busy dahil 3rd week pa lang po namin. Pero possible raw po na magkaroon kami ng rounds this week po. Hindi lang po namin alam if matutuloy dahil masyado pa pong maaga for that." "Rounds and clinicals should be on your second semester pa so I think hindi nga matutuloy 'yang rounds niyo for this week. How's your Mom, Tala?" "Ayos lang po, Tito. Ayos naman po kami ni Mama hehe." "Sa bahay pa rin kayo ng mga Padua?" "Yes, po." "Sabi ko naman sa 'yo hija you can stay in our home with your Mom. Anak na rin ang turing ko sa 'yo, ano ka ba." "Naku, Tita. Hahahaha, hindi po. Nakakahiya po. Tsaka ang tagal na rin po kasi nagtatrabaho nila Mama sa mga Padua kaya hirap din po umalis si Mama." Dati pa man ay inaalok na ako ng mga magulang ni Chino na sa kanila na kami manirahan ni Mama dahil para naman na raw nila akong anak pero tumatanggi kami ni Mama dahil ang sabi ni Mama, kumbaga ay nakakumpremiso na siya sa mga Padua. Malaki rin ang tinatanaw na utang na loob ni Mama sa mga Padua dahil nung namatay si Papa, ang mga Padua ang nag-asikaso ng burol at pagpapalibing kay Papa. "Ba't ka naman nahihiya? Hindi ka na iba sa 'min ano ka ba. Basta kung kailangan niyo ng tulong ni Mama mo, andito lang kami ha? 'Wag kayo mahihiyang lumapit sa amin, Tala." "Salamat po, Tita." Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain na nasa harap namin nang dumating na ang pagkain. Nagkwentuhan kami at pinagusapan ang mga nangyari noong childhood namin ni Chino. Magaan ang lahat at lahat kami ay mga nakangiti at nagtatawanan. Nagkatinginan kami ni Chino nang may mga ngiti sa aming labi. Sa ilang libong duda na mayroon ako, ngayon lang ako naging sigurado. Ngayong gabi. Sigurado ako ngayong gabi. Hindi ko alam kung saan ako sigurado o kung anong kasiguraduhan ang nararamdaman ko ngayong gabi pero alam ko lang sa sarili ko na magaan ang pakiramdam ko ngayong gabi at walang pilit na ngiti. --- "Salamat po sa dinner, Tita...Tito," pagpapaalam ko nang makarating kami sa parking lot ng resto. Dito na kami magkakahiwalay dahil may sariling sasakyan na dala sila Tita at ako naman ay ihahatid ni Chino sa mga Padua dahil anong oras na rin at wala na akong masasakyan na pangpasaherong jeep. "Always welcome, Hija. Mag-ingat kayo pauwi. Chino, ang pagmamaneho, okay? Mag-ingat," pagbibilin ni Tito. Si Tita nauna na sa sasakyan dahil nahihilo na raw siya kaya naman kumaway na lamang ako habang tinatanaw siya. Nang makaalis na ang sasakyan ng mga magulang ni Chino, tsaka lang din kami pumasok sa sasakyan niya. "Nabusog ka ba?" Pagtatanong niya habang pinapaandar ang sasakyan. "Tinatanong pa ba 'yan? Oo naman. Ang sarap nung mga pagkain, e. Sakit nga lang sa bulsa HAHAHAHAHAHA," pagbibiro ko na ikinatawa rin ni Chino. "Was it fun?" "Mhm. Thanks for tonight. Sayang lang at hindi nakapunta sa Riley. Maybe next time. May next time pa naman, right?" "Oo naman. Want me to pick you up tomorrow for school? May dadaanan akong clothes malapit sa subdivision nila Laxus, e." "If hindi ako makakaabala, okay lang. Text mo lang ako. Kikitain na lang kita sa labas ng subdivision para hindi ka na pumasok pa at magmaneho paloob." "Okay, I'll text you tomorrow morning. You should probably sleep for a while now, naabutan tayo ng traffic e." "Nah, it's fine. I'll sleep na lang when I feel sleepy na. For now, hindi pa. Tsaka para may makausap ka. Baka ikaw ang antukin sa pagmamaneho, mas masama 'yun." "Hmm, okay. Ikaw bahala, Tala-mae." "Sabi ko sa 'yo stop adding mae on my first name, e. Saan mo ba nakuha 'yan?" He chuckled and said, "Wala lang. I just hear it often from people around me. They're adding that in another person's name, too. Like last week, someone called me chino-mae HAHAHAHA. Weird but funny at the same time." And he's genuinely laughing. "Ang babaw ng happiness mo 'no?" Biglang pagtatanong ko. Gusto kong kurutin ang sarili ko kung bakit ko naisipang tanungin 'yon nang wala sa sarili. Nagbibiruan lang naman kami rito tapos bigla akong magoopen ng seryosong topic. "You know me since elementary days, Tala. Even a lollipop can make me happy up until now." I remember the day from years ago, It's Chino's birthday and I forgot about it because of my busy sched kaya naman hindi ako nakapaghanda ng regalo noon. Kaya ang ginawa ko, I gave him a bracelet out of santan flowers and he was so happy that time kaya naman hanggang ngayon ay tanda ko pa rin kung papaano siya ngumiti at nagpasalamat sa akin nung araw na 'yon. "You always appreciate little things naman, e," I said. "Well, that's what my Mom taught me. Learn how to appreciate everything, even the little things." Idol ko na talaga ang pamilya ni Chino for raising him very well. Puno ng pagmamahal, at hindi nagkulang sa mga paalala tungkol sa buhay. I somehow wish that Laxus could still experience it too. I wish his family to give him unconditional love as well. "What are you thinking about?" He suddenly asked out of nowhere. "Me?" Stupid, Tala. Of course, it's you! Who else could it be? "Ay hindi, baka 'yung bintana. Sila kasama ko ngayon, e." Right. "Kidding. You're spacing out, e. Are you okay?" "Ah, oo ayos lang. Iniisip ko lang mga gagawing school works for this week. Plus, 'yung part time job ko pa. I'm not actually spacing out though. Nagiisip lang ako HAHAHAHAHAHA. Spacing out agad teh?" "Sorry, naman! What about your job? Are you fired or something?" "Gago, hindi ako matatanggal sa trabaho 'no. Never. Kahit anong trabaho pa 'yan, kaya kong maging best employee sa lahat. Name it," pabirong paghahamon ko sa kaniya na ikinatawa naming dalawa. Para kaming sira na tawa nang tawa dahil lang sa mga maliliit na bagay. "Maiba ako," pagpuputol niya sa sasabihin niya. "What's up with Laxus these days?" Eh? "Huh? Bakit naman ako ang tinatanong mo tungkol d'yan? Hindi naman kami close niyang lalaki na 'yan." I scoffed. "Kaya nga. E, at least you're both under the same roof. I'm just asking. Weird niya these days, e." Tama ka d'yan Chino. Laxus is very weird these days. I don't even know what he's up to. Nang matapos ang traffic, naging tuloy-tuloy na lang din ang byahe namin dahil maluwag na ang daan nang makatakas kami sa traffic. Parang ayoko pa nga umuwi dahil ang sarap ng simoy ng hangin ngayong gabi. Tanaw ko rin ang mga nagkikislapang mga bituin mula sa langit at ang bilog na bilog na buwan ngayong gabi. "It's pretty, isn't it?" Chino suddenly asked kaya naman tumango ako nang hindi man lang inaalis ang tingin mula sa kalangitan. Andito na kami ngayon sa tapat ng mansiyon nila Laxus at agad na ring umalis si Chino dahil baka ma-traffic na naman siya pabalik sa kanila. Pagharap ko sa gate ng mansiyon, naabutan ko si Laxus na nakatayo sa harap ng gate nila at...? "You do smoke?" I asked; trying to avoid the smoke that's coming from his cig. "When stressed." He answered without even looking at me. Silly, why would I want him to look at me? That's f*****g insane, Tala. What are you thinking? "Alam ba ng parents mo 'yan? Baka mahuli ka nila rito---" "They wouldn't bother to care. As long as pasado ang mga grades ko, they wouldn't care about me. That's how it is in my family, Rielle." He called me Rielle again. He's the only person to call me that. Everyone calls me Tala. Even my Mom. "Okay, ikaw ang bahala. Buhay mo naman 'yan. Mauuna na ako sa loob." Papasok na sana ako sa gate nang bigla na naman siyang magsalita, dahilan para tumigil ako sa paglalakad papasok sa loob ng mansiyon. "Did you have fun?" He asked. Is he drunk or something? Is it because of the cigarette that he's puffing right now? "I did." "Why?" "Huh?" "Why is he making you so much happy while I am just making you mad at me." "Maybe you're drunk, Sir. Mauuna na ako sa loob. Stop saying that kind of things." "Stop calling me 'sir.' Hindi ako ang nagpapasahod sa 'yo." "Whatever." Tuluyan na akong pumasok papaloob sa mansiyon at saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Lasing na naman ba ang isang 'yon? Kung ano-ano na lang ang sinasabi at tinatanong sa 'kin. Hindi ba siya aware na ako ang kinakausap niya? Tanging anak ng maid nila? This is absurd. Nakakaloko. I just know that Laxus is a walking red flag and you shouldn't believe everything that's coming out from his mouth. I don't trust people except for my friends. But people like Laxus? Guys like Laxus? Nah. I can never erase that kind of image in my head. Boys are a walking red flag. Mabuti na lang pala talaga at iba si Chino. Chino is not Laxus, and Laxus is not Chino. They're both different people with different personalities. Of course, they're not the same. Are you even thinking? Pati ako naiistress sa sarili ko at sa mga naiisip ko. Whatever. It's not like I like him anyway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD