Chapter 6

2240 Words
Tala's POV: 1 week have passed and medyo busy na rin kami sa school. Si Laxus? Back to normal kaming dalawa which is better. And when I said normal, it's that back to being strangers again. After that night hindi niya na ulit ako kinausap pa or nilapitan man lang. We're still seatmates pero ni slight interaction ay wala kami. Okay lang naman sa akin. It's always been like that. I don't know lang why he approached me a few times last week. But it's all good now. Why would I feel bad kung hindi man kami magpansinan habang buhay? It's supposed to be like that anyway. This week baka magkaroon daw kami ng rounds sa ospital pero hindi ko pa alam kung matutuloy ba dahil ang aga naman ng rounds namin e kakasimula lang namin. Pero ayos lang din, kaya naman. It's just that I also have work so I might skip work for this week muna. "Tala?" "Hmm?" "Free ka later?" "What time?" "Dinner." "Why?" "Mom's asking you to join our dinner mamaya, e. Hindi niya na raw kayo nakikita ni Riles. Are you g?" "Hmm, pupunta si Riley?" "Yep. I asked her kanina. Ikaw? Are you available later for dinner? Saglit lang naman. Mom asked for a reservation na in a resto lang din." "Hmm, okay. Sure. Wala naman akong pasok today and tapos ko na mga school works ko." "Sunduin kita?" "Oo, if okay lang. Hindi ko alam 'yung lugar, e." "Okay, sure!" Pag-alis ni Chin sa harap ko biglang umismid si Laxus sa tabi ko. Hindi ko alam kung sinadya niya ba o nagkataon lang. Whatever. "Chin! Lunch?" Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ako ang naunang nag-aya kay Chino ng lunch. Hindi ko alam kung gutom ba talaga ako kaya ako nag-aya o gusto ko lang na marinig ni Laxus na niyaya ko si Chino ng lunch. Hindi ko alam kung alin sa dalawa. Kahit yata si Chino ay nagulat sa biglaan kong pagyayaya sa kaniya. I don't know. Nasanay siguro kaming dalawa na siya lagi ang magi-initiate ng lahat. Well, today's a cheat day. Ako naman siguro. "Sure, let's go na?" "Mhm. Ayusin ko lang 'tong mga gamit ko. Una ka na and reserve us a seat. Sunod ako after ko rito," sambit ko habang inaayos ang mga gamit ko sa bag at desk ko. Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Chino dahil hindi na siya nag-respond pa. Ngayon ko lang napansin na wala na rin pala ang iba naming kaklase kaya kaming dalawa na naman ni Laxus ang naiwan ngayon dito. For the first time, I did not see him slacking off on top of his desk. He just points black staring at the whiteboard. He's currently spacing out right now obviously. Should I call his name out? No, why would I? We're not close naman or anything. Right, why would I call his name? "Hey, Laxus." Agad siyang napatingin sa gawi ko nang tawagin ko ang pangalan niya. He's definitely spacing out kanina. Hindi siya nagsalita at tinaasan lamang ako ng kilay. He's not in the mood I guess. "Nothing. You're spacing out kanina kaya kita tinawag. Sorry, una na 'ko." Tumayo na 'ko sa upuan ko at lumabas ng classroom. Hindi niya naman ako pinigilan pa or what kaya naman wala akong hassle ngayong araw. Nababaliw na ba ako? Or baka naman may lagnat ako? What am I doing seriously? Am I worried that he's not talking to me? Seryoso ba? Nah, maybe I'm just uhm, nothing. This is nothing. Right, nothing. "Tala!" Agad kong nakita si Chino sa isang table at as usual may mga pagkain na ulit. "You ordered foods na agad?" I asked. "Yup. Para pagdating mo kakain na lang tayo. Let's eat na? Habang hindi pa lumalamig 'yung pagkain. What took you so long?" "Huh?" "Sabi mo susunod ka agad, e. HAHAHAHAHA. It's been almost 15 minutes, buti nga hindi pa agad lumalamig 'yung foods HAHAHAHA." That's almost 15 minutes? I stayed in the room for almost 15 minutes and for what? For Laxus? No, why would it be because of Laxus? Funny. "Uh, kinausap ako ng isa nating classmate. About the lesson today. Natagalan pala ako gagi hindi ko napansin HAHAHAHAHAHA." Yup, I do laugh. Sometimes. Just sometimes. "Himala, nag-aya ka ng lunch?" Sabi ni Chino while eating his food. "Wala lang. Wala naman gagawin, e. Tsaka lunch naman na talaga natin, right? Masama ba mag-aya, ha?" Pabiro kong tanong kaya naman natawa kaming dalawa. "Nah, I'm just shocked na inaya mo ako ng lunch. Ikaw pa, lagi kang busy!" "E 'di wow! Ano oras break ni Riley? Hindi natin siya pwede makasabay sa lunch?" "Hindi, e. Layo ng agwat ng sched natin sa sched nila. Mamaya na lang dinner, kasama naman si Riles. Ibang-iba sched natin sa sched nila, e. Kaka-start pa nga lang yata ng first subject nila ngayon." "Weh?" "Yeah. Saw her kanina. Papasok pa lang ng campus, HAHAHAHAHA." "By the way, tuloy kaya rounds natin this week?" "I don't think so. Too early for rounds. Hindi ko nga alam bakit sinabi 'yun ni Sir kanina. Wala pa nga siya gaanong nadidiscuss tapos may rounds agad? Seryoso ba siya? Lol." "Right, I think so too." Matapos ang kaunting mga usapan namin ni Chino, tahimik na lang kaming nagpatuloy sa pagkain nang wala ni isa sa amin ang nagsasalita dahil sa kaba na malapit na ang start ng next class namin. Hindi namin namalayan ang oras. --- [May isusuot ka na ba?] "Wala pa nga, e. Namomroblema na 'ko rito sa kwarto. Kanina pa ako paikot-ikot dito, hindi ko alam kunh saan ako kukuha ng maayos na damit." Nandito ako ngayon sa kwarto habang namomroblema kung ano ang susuotin ko sa dinner namin mamaya kasama ang mga magulang ni Chino. Alam ko kasi na formal dinner ang mangyayari dahil kilala rin ang pamilya ni Chino. Malapit ako sa mga magulang ni Chino. Lagi nila akong inaalala. Alam din nila kung ano ang totoo kong estado sa buhay at never nila iyon ginawang basehan ng pagtrato nila sa akin. That's why sobrang komportable ko kay Chino at sa pamilya niya. [Wait for me there na lang. I'll bring you some clothes. May mga extra dress pa ako here na hindi ko pa nagagamit---] "Gagi ka, Riles. 'Wag na. Hindi na kailangan, magsusuot na lang ako ng mga damit ko rito. Pwede pa naman 'tong mga 'to, nakakahiya na. Lagi mo na lang akong binibigyan ng damit." [Whatever, it's fine with me Tala girl. I got you. Punta na ako d'yan since I am done preparing naman na.] "Sure ka ba? Oh sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho! Salamat, Riles! Love you!" Binaba ko na rin ang tawag agad dahil hindi pa ako tapos maglinis sa kwarto ng mga damit na pinaggugulo ko kanina. Ewan ko kung bakit masyado akong magreready para mamaya e dinner lang naman 'yon kasama ang parents ni Chino. Hindi ko alam. Dati naman na akong kumain ng dinner kasama sila pero hindi ko alam kung bakit masyado akong aligaga ngayon. "May lakad ka?" "Opo, Mama. Dinner po kasama sila Riley and Chino, pati rin po parents ni Chino. Matagal na raw po kasi kaming hindi nakikita nila Tita kaya inimbitahan po kami ni Riley sa dinner mamaya." "Ah, oh sige mag-ingat ha? May pera ka ba? Bibigyan kita para in case lang---" "Mama, hindi na po! Wala naman ho akong gagastusin dahil sabay po kami pupunta roon ni Tala at panigurado ay ihahatid din po nila ako rito mamaya pauwi. Hindi ko naman ho kailanhan ng pera, Ma. Itabi mo na lang po sa 'yo 'yan para kapag may gusto kang bilhin, may ipanggagastos ka po." "Sigurado ka? Mayroon naman akong extrang pera ngayon. Nagtataka lang ako sa 'yo dahil ni minsan ay hindi ka nanghingi ng pera sa akin," nagaalalang sambit ni Mama. Kahit naman kasi dati ay hindi talaga ako nanghihingi ng pera kay Mama. Ewan ko. Ayokong nanghihingi ng pera sa kahit na sino. Pakiramdam ko ay kailangan ko iyong suklian ng kung ano man sa matagal pang panahon. "Wala naman ho kasi akong bibilhin, Ma. Itabi niyo na lang po. Hihingi naman po ako sa inyo kapag may kailangan po akong bilhin para sa school kaya 'wag po kayong mag-alala sa akin, Mama." Nabigla ako nang bigla akong yakapin ni Mama mula sa likod ko. Kasalukuyan ko kasing tinitiklop ang mga damit na ginulo ko kanina kaya naman nakatalikod ako kay Mama kanina habang naguusap kami. Hinarap ko si Mama at niyakap siya pabalik. Hindi ko alam kung bakit nagiinit ang magkabilang sulok ng mga mata ko na tila bang nagbabadya ang mga luha ko sa pagpatak. "Umiiyak ka ba?" "Hindi, Mama. Bakit naman po ako iiyak? Feeling ka, Mama ha," pagbibiro ko habang pinupunasan ang mga tumakas na luha mula sa mga mata ko. "Oh siya sige na, babalik na ako sa trabaho. Mag-enjoy ka anak, ha? Mag-ingat kayo nila Chino." "Opo, Mama. Text niyo po ako agad kapag may hindi po maganda na nangyari, okay?" Ngumiti sa akin si Mama at lumabas na ng kwarto. Sakto lang din pala ang paguusap namin ni Mama dahil tapos na ako mag-tupi ng mga damit. 1 new message. Natanggap ko ang isang text mula kay Chino na hindi raw makakasama si Tala dahil nagkaroon daw ng emergency ang Mama ni Riley. Agad akong lumabas ng mansiyon at diretsong nagtungo sa labas ng gate dahil nandito raw si Chino dahil siya ang susundo sa akin dahil hindi nga makakapunta si Riley. "Hi, sorry about Riley. Do you still want to go even though Riley's not present?" Pagtatanong niya. "Oo naman. Nakakahiya naman kala Tita kung tatanggihan ko ang dinner invitation nila dahil lang hindi makakasama si Riley. Ayos lang sa akin. Hintayin mo ako rito, magbibihis lang ako saglit." "Wear this." May inilahad siyang paperbag sa akin na halatang galing sa mamahaling tatak dahil lagi ko itong nakikita online mula sa mga artista. "Gago ka ba? Hindi ko matatanggap 'yan. Mahal 'yan, e. Wala akong pangbayad kapag namantsahan 'yan o kung ano pa mang aksidente ang pwede mangyari d'yan." "Mama gave this to you. Sabi niya isuot mo raw mamaya sa dinner. Tinanggihan ko nga rin nung una dahil alam kong hindi ka papayag na tanggapin mo 'to pero sadyang mapilit si Mama. Alam mo naman 'yun. Kapag gusto, gusto." Nagaalangan pa ako nang kunin ko ang paperbag mula kay Chino dahil ayokong isipin ng iba na dahil sa mga materyal na bagay ang dahilan kung bakit kaibigan ko sila Chino at Riley. "May magagawa pa ba ako? Kulit talaga ni Tita. Magpapasalamat na lang ako mamaya. Sige na, hintayin mo ako rito para makaalis na rin agad tayo pagtapos ko mag-ayos." Chino gave me a thumbs up bago pumasok sa kotse niya kaya naman tinakbo ko na papasok ulit sa mansiyon para sa madaliang pag-aayos ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na makakapagsuot ako nang ganitong damit na may ganitong tatak. Pagpasok ko sa kwarto, agad akong nagbihis at sinuot ang bigay ng Mama ni Chino. Hindi ko maiwasang mapatitig sa salamin nang makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. Ako ba talaga 'to? Sa sobrang ganda ng bestida na ito, maayos nitong nadepina ang hubog ng katawan ko. Hindi formal, pero hindi rin informal. Sakto lang ang dress na ito para sa mga casual dinner o night outs kasama ang mga kaibigan. Pati ang haba nito ay sakto lang sa akin. Tinali ko ang buhok ko nang pa-ponytail para mas bumagay sa suot ko. Nagpabango lang ako at lumabas na rin ng kwarto. "Where are you going?" Devil's breathe nga naman oh. "Secret, walang clue." Sinubukan kong lagpasan na lang siya pero hinigit niya ako sa aking baywang kaya naman napalapit ako sa kaniya nang sobra. Konti na lamang ay magdidikit na ang katawan naming dalawa pero hindi ko magawang lumayo dahil tila nanigas ako ngayon sa kinatatayuan ko. Tinitigan niya ako hanggang sa bumaba ang mga tingin niya sa labi ko kaya naman doon na ako nagkaroon ng lakas para itulak siya palayo. "Ano ba'ng problema mo!?" "I asked you. Where are you going?" Tanginang mga mata 'yan. Gusto ko siya murahin at gusto kong magalit pero hindi ako makapag-focus dahil nangungusap ang mga mata niya habang direktang nakatingin sa akin. "Alam mo naman siguro kung ano ang ginagawa mo ngayon, ano? Hindi ka naman siguro tanga o ano pa man. Ano ba ang gusto mo? Ano ba'ng kinakaganiyan mo? Kasi tangina, naaabala mo 'ko." Mariin kong sambit dahil sa pagaalalang may makarinig sa amin dahil nandito kami ngayon sa sala nila. Lumapit siya nang bahagya sa akin nang hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Habang lumalapit siya, lumalayo naman ako. Ayoko. Ayoko ng ganito, at hindi ko gusto ang ganitong nangyayari. "Will you believe me If I tell you?" "Iyo na 'yang rason mo, Laxus. Hindi ko gustong marinig ang kung ano mang sasabihin mo. Kung nangtitrip ka lang, pwede bang 'wag na ako? Busy akong tao, e. Wala akong panahon sa ganiyan." "But---" "'Wag mo akong igaya sa mga babae mo, Laxus. Hindi ako mababang tao. Kaya pwede ba? Kung manggugulo ka lang, doon ka sa kanila." Tumalikod na ako at palabas na sana nang magsalita siyang muli na halos ikatigil ng paghinga ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. "Pero hindi naman sila ikaw, Rielle."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD