ALL this time I thought he was in a warm place, comfortably lying in a soft bed with tulips and sunflowers on the side table. I imagine him sleeping soundly with a mellow background music. I was able to sleep at night thinking that he was in a good condition. Subalit kaiba sa inaakala ko ang lahat. Ang katawan ng aking Lolo ay nasa loob ng isang masikip na kapsula at nakababad sa malamig na kulay asul na tubig. Maraming mga nakatusok na kable sa katawan niya, konektado ito sa capsule at machine. Bakas ang pagkalukot ng mukha ni Lolo, mas lalong tumanda ang itsura niya dahil sa mga kulubot na balat at maputing buhok. Wala ang taimtim na musika na inaasahan ko, bagkus ay ang ingay na mula sa mga makina rito sa loob ang siyang maririnig. Sandali pa lang ako rito sa loob ng silid na ito sub

