“These are all the papers you need to sign.” Ibinaba ni Sandra ang isang buntong mga folder sa aking lamesa. Seryoso ang kaniyang itsura at nararamdaman ko na naman ang pagiging propesyonal niya. Ang kaniyang tingin ay nasa mga dokumentong ibinaba niya kanina ko pa napapansin na malamig ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko lamang binibigyang atensyon dahil abala ako sa mga binabasang mga dokumento. Isang gabi lang akong nawalan ng gagawin ay tambak na agad ang mga dapat kong basahin. Narito ako ngayon sa Malacañang at kasalukuyang nilalangoy ang dagat ng mga dokumentong nakahain sa aking harapan. Marami man akong iniisip dahil sa mga nalaman ko ay hindi iyon naging hadlang para kalimutan ko ang mga responsibilidad ko bilang pangulo ng bansa. Nagawa ko pa ngang dumalo sa pag-uusap kas

