PATULOY sa pagsayaw ang mga bulaklak habang hinihipan ito ng malamig na hangin. Ang paligid ay napakaaliwalas tingnan, ang sarap tumulala sa ganda ng tanawin sa aking harapan. Ang tagal na panahon na nang huli akong nakapunta rito. Halos malimutan ko na kung kailan ko huling nahawakan ang puntod ng aking mga magulang.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napangiti ako nang makita ang dalawang kulay dilaw na paruparo na lumilipad sa paligid ng isang kumpol ng bulaklak. Naalala ko kung paano ako pinagbawalan ni Mama dati nang subukan kong hulihin ang isang napakagandang paruparo na naligaw sa loob ng aking silid.
"Huwag mong hulihin ang mga paruparo, Manuela, alam mo ba na kaunti na lamang ang bilang nila? Diretso sa pagliit populasyon nila habang lumilipas ang panahon, 'nak. Kung huhulihin mo ang bawat magagandang kang paruparo ay mauubos sila pagkalipas lang ng ilang taon," malumanay ang boses ni Mama nang sabihin ito sa akin, tila ba ipinapaunawa sa akin nang maigi ang isang napaka importanteng bagay.
Ibinaba ko ang aking tingin sa nakatikom kong kamay. Nasa loob ang isang maliit na kulay asul na paruparo. Hinuli ko ito nang makita kong pumasok siya sa balcony ng aking kwarto at dumapo sa isang vase na may lamang mga bulaklak.
"Pero ang ganda po kasi niya, Mama, gusto kong alagaan at paramihin!" Pilit kong sinipat sa loob ng kamay ang maliit na nilalang. Nakita kong lumilipad-lipad ito sa masikip na espasyong mayroon sa aking nakasaradong mga daliri.
"Mamamatay sila kung ikukulong mo, anak, lahat ng may buhay na tatanggalan mo ng karapatang maging malaya ay mawawalan ng lakas na mabuhay. If you want that cute, little thing to live, then, you have to set it free," nakangiting sambit ni Mama at saka pinisil ang aking ilong.
Malungkot akong tumingin kay Mama, lumabi ako at saka mahinang nagsalita, "Will she really survive if I let her go?"
Hinatak ako ni Mama pabalik sa balcony. Itinuro niya ang magarbo naming garden sa ibaba. Nakita ko roon ang mga nagliliparang mga paruparo, iba't iba ang kanilang kulay at napakaganda nilang pagmasdan. Sa palagay ko ay higit sa sampu ang bilang nila, nagkalat sa paligid ng hardin ang mga ito at may kani-kaniyang bulaklak na pinaliligiran.
"Yes, baby, she will."
Pagkatapos sabihin iyon ni Mama ay hinawakan niya ang aking kamay. Hinimas niya ang braso ko at saka ko dahan-dahang binuksan ang nakasarado kong kamay. Nang tuluyang magkaroon ng butas ay nakawala na ang kulay asul na paruparo. Lumipad ito palayo sa amin at doon humalo sa mga kapwa niya paruparo.
"There will be time when you need to let go of the things you really want to keep. No matter how valuable it is for you, you need to learn how to let it go." Muling pinisil ni Mama ang aking ilong at hinalikan ako sa pisngi.
"Tara sa kusina, ipagluluto kita ng paborito mong carbonara. Mayamaya lang ay darating na ang papa mo, siguradong pagod at gutom siya. Tulungan mo si Mama magluto, okay?"
Nang marinig ang tinuran ni Mama ay agad na napawi ang lungkot sa akin. Masaya akong tumingin sa aking ina at saka ginawaran siya ng malapad na ngiti habang tumatango-tango. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila na palabas ng aking kwarto. Masaya kaming dalawa na bumaba sa kusina at nagluto ng aking paboritong pagkain.
"I. . . I missed you, Mama," mahinang sambit ko habang nakatingin sa puntod ng aking ina.
Hindi ko alam kung bakit, pero kahit mahabang panahon na ang lumipas na wala siya sa aking tabi ay nakararamdam pa rin ako ng pangungulila. Bata pa ako nang huli kong makasama si Mama, kaunti lang ang mga alaalang mayroon ako sa kaniya dahil na rin sa palagi siyang nasa trabaho noon. Kung susumahin ay kaunting panahon lang ang mayroon kami, agad silang binawi sa akin.
"You will still visit me in dreams, right? Please, visit me often, Mama, habaan mo po ang oras ng pagbisita sa panaginip ko dahil doon na lang kita nakikita."
Tanging sa panaginip ko na lang nayayakap ang aking ina. Sa panaginip ko na lang naririnig ang masuyo niyang boses at ang napakaganda sa pandinig niyang halakhak. Hindi ko sigurado kung tama pa ba ang pagkakaalala ko sa boses ni Mama, pero pakiramdam ko ay maski ang boses niya'y unti-unti nang nabubura sa aking alaala. Unti-unti ko nang nalilimutan ang tinig ng sarili kong ina dahil sa haba ng panahon na hindi ko ito naririnig.
"These past few days, maraming mga pangyayari ang nagaganap sa akin, Ma. Ang lahat ng iyon ay may kinalaman sa inyo ni Papa."
Inilipat ko naman ang aking tingin sa puntod ni Papa. Katulad ni Mama ay malinis din ang paligid ng kaniyang libingan. Magkatabi ang kanilang puntod at malayo sa ibang mga puntod. Tanging silang dalawa lamang ang narito sa lugar na ito.
Ang kanilang libingan ay napalilibutan ng mga bulaklak. Iba't ibang uri at lahat ay mga bago pa. Mayroong nangangalaga sa lugar na ito, binayaran ko si Ate Ysa para maglinis at magpalit ng bulaklak t'wing Lunes at Huwebes. Kaya naman wala ni isa sa mga nakapalibot na bulaklak ang lanta at luma.
My mother used to love flowers. Kaya ang aming bakuran noon ay puno ng mga naggagandahang halaman. Hilig ni Mama ang mag-alaga ng mga bulaklak, masaya siya sa t'wing dinidiligan niya ang mga ito sa umaga. Kaya lang, nang mamatay sila ay napabayaan na ang hardin. Lumipat kasi ako sa bahay ni Lolo Felix, bihira lamang akong payagan ni Lolo noon na lumibot sa dati naming bahay.
"I went here to ask for your guidance, hindi ko alam kung saan patungo ang aking kapalaran. Umaasa na lamang ako sa mga pangaral na itinanim ninyo sa akin, marami akong mga tanong at hindi ko alam kung paano ito masasagot."
Hindi ko alam kung kanino ako dapat na lumapit para manghingi ng tulong. Sa mundong ginagalawan ko, hindi ako p'wedeng magtiwala agad. Maraming mga tao sa aking likuran, ilan ay mga kaibigan ngunit higit na mas marami ang kaaway.
Wala akong ideya kung sino ang totoo at kung sino ang nagkukunwari lamang. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng mga kasagutan, pakiramdam ko, lahat ng taong nakapalibot sa akin ay may lihim na itinatago. Tanging ang mga kaaway ko lamang ang natitiyak kong maraming nalalaman. Pero magagawa ko bang lumapit sa kanila at humiling na sabihin sa akin ang mga nalalaman nila?
"Papa. . ."
Kung maaari ko lamang na mahiram kahit ilang sandali ang mga nalalaman niya, wala na sana akong problema. Kung kaya ko lang sana na makausap si Papa kahit sandali ay tiyak kong masasagot na ang mga tanong ko.
Manuel Sawyer was the legendary engineer of his time. His knowledge and endless futuristic ideas made him the best among his peers.
"Where can I find the answers that I am looking for?"
Umupo ako sa makapal na bermuda grass at saka hinawakan ang malamig na lapida ng ama. Hinimas ko ito at tinunton ng aking hintuturo ang bawat letrang nakaukit sa lapida ni Papa.
"Ano ba ang mga sikretong itinatago ninyo ni Mama, Pa? Akala ko noon ay simpleng confidential research lamang ang tinatrabaho ninyong dalawa, kailan ko lang naisip na maaaring konektado ito sa inyong pagkamatay," mahinang sambit ko habang nakatitig sa lapida ni Papa.
Malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman sa kanilangang research o naudlot na imbensyon ang dahilan kung bakit sila pinatay. Natatandaan ko noong huling mga araw na magkakasama pa kami nina Mama, narinig ko na may nagpapadala sa amin ng death threats. Kapansin-pansin din ang dalas ng pagbisita ng matandang hindi ko nakilala sa amin. Sa rami ng kaniyang body guards, alam ko na agad na ang matandang may kakaibang kulay na mata ang kanilang bisita.
"Sino ang matandang iyon, Pa? Natitiyak kong malaki ang papel niya sa mga nangyari noon."
Masyado pa akong bata para maisip noon ang dahilan kung bakit kami tinambangan. Basta ang alam ko lang noon ay ang mga Salazar ang may gawa sa amin no'n, hindi ko na inalam pa ang dahilan dahil masyado akong nabulag sa galit. Gustong-gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko, gusto kong mabulok sa kulungan ang mga taong nasa likod ng pagkamatay nila kaya hindi na sumagi sa isip ko ang tanungin sila.
"Ang mga Salazar ba talaga ang nasa likod ng pagkamatay ninyo? O mayroon akong nalaktawang mahalagang detalye noong araw na 'yon?"
Ngayon lamang sumagi sa isip ko ang tanong na iyon. Sa mga nagdaang taon ay sigurado ako na ang pamilya Salazar ang pumatay sa magulang ko. Ngunit ngayon, habang kinakausap ko ang malamig na puntod ng ama ay nabubuo ang mga komplikadong tanong sa akin. Tila ba nagkakaroon ako ng iba pang hinuha, kaiba sa nauna kong pinaniwalaan.
"Who killed you, Papa? Who planned the ambush? At higit sa lahat. . ." Tumigil ako sa pagsasalita nang maramdamang may taong nakatayo sa aking likuran.
Dahan-dahan kong inilingon ang aking ulo at itinaas ang tingin. Hindi ko agad nakilala kung sino ang babaeng kasama ni Vaughn dahil nakasuot ito ng malaking Rayban at isang malaking sombrero.
"Lhexine," malambing na tawag nito sa aking pangalan.
Nang banggitin nito ang aking pangalan ay saka ko pa lang nakilala kung sino ang babaeng kasama ni Vaughn. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa bermuda grass habang nanlalaki ang mata.
"A...a-nong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.
Humakbang ito nang tatlong palapit sa akin at saka hinawakan ang aking nanginginig na kamay. "I went here to see you, Lhexine, mula nang malaman kong narito ka na sa Pilipinas ay hindi na ako mapakali. Gustong-gusto na kitang puntahan para makausap, ngunit alam kong hindi p'wede."
Nangilid ang luha ko habang nakikinig sa kaniya. Tulad ng dati ay walang nagbago sa paraan niya ng pagsasalita. Napakalambing at masuyo pa rin ng kaniyang tinig tulad ng kay Mama. Ang hitsura niya ay ganoon pa rin, katulad pa rin ng dati, parang walang nagbago. Hindi man lamang tumanda ang hitsura ni Tita Lucianna!
"Ang kapal ng mukha mong pumunta rito. Sa tingin mo ba ay natutuwa akong makita ka?" galit na tanong ko.
Lumambot lalo ang ekspresyon sa mukha ng ina ni Vaughn. Nakita kong umawang ang labi nito nang marinig ang tinuran ko.
Ano bang akala niya? Sa oras na makita ko siya ay tatakbo ako palapit sa kaniya para lamang yakapin siya? At sasabihin ko kung gaano ako nangulila na makausap at makita siya?
"L...L-hexine. . ." Akmang hahawakan nito ang kamay ko nang tabigin ko ang kaniyang kamay palayo sa akin.
Agad na hinawakan ni Vaughn ang braso ko. Sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin ay alam kong magbabakat iyon mamaya. Galit na ibinaling ko sa hayop na Vaughn ang aking tingin. Batid kong nangingilid na ang luha ko at tiyak na kaunting salita pa ay tuluyan nang tutulo ito.
"Gaano katigas ang pagmumukha ninyong mga Salazar? Kulang pa ba na pinahihirapan ninyo ako sa pamamagitan ng paglagay sa tabi ko nitong anak ninyo? Kailangan ba na buong angkan ninyo ay magpakita sa akin? Sino pang susunod, ha? Si Tito Leonard naman ba?"
Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan pang magpakita sa akin ni Tita Lucy. Gaano man ako kalapit sa kaniya noong bata pa ako ay hindi niyon mabubura ang lahat ng katarantaduhang ginawa nila sa aming pamilya. Ang pagtatraydor nila kina Mama at Papa!
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Tita Lucy sa aking mga sinabi. Umiiyak na siya ngayon at halos mawalan ng lakas habang humahagulgol sa aking harapan.
"Lhexine, maniwala ka man o hindi ay wala kaming kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo. Alam mo kung gaano kalapit sa akin si Celestine, she is my best friend. My best partner! Paano ko magagawa ang ibinibintang mo?" tanong nito sa akin.
"Alam ng lolo mo na malinis ang aming mga konsensya. Alam ni Senior President Sawyer ang lahat," dagdag pa nito at saka pilit na lumapit sa akin.
Lumayo ako nang halos mahawakan na ako ni Tita. Hindi ko kayang mapalapit pa sa kaniya. Masyado nang malalim ang sugat na ginawa ng kaniyang pamilya sa akin, masyado na akong nasaktan.
"Paano, Tita? Paano ako maniniwala sa inyo kung mismong ako ang nakasaksi sa ginawang pagbaril ni Tito kay Papa?"
Sa pagkakataong ito ay lumuhod na si Tita Lucy sa damuhan. Ang tuhod niya ay nasa bermuda grass at hindi na niya inalintana ang suot niyang dress. Ang sakit makita na nakaluhod at nagmamakaawa sa akin si Tita Lucy.
I never thought that this day would come, I never imagined to see her begging in front of me. She used to be my favorite aunt. My mother's best friend and the mother of my sweet Alysabeth. I used to give her hugs ang kisses whenever I see her at our house with Mama. I used to love her fresh, baked cookies and cakes, but now, it's different.
I loath every bit of her. Everything that's connected with the Salazars, I hate them all. They are a family of a two-faced b***h, trying to masquerade as an angel, but is actually a devil in disguise.
"Mama, please, stand." Ang lamig ng boses ni Vaughn ay tila dumoble nang sabihin niya iyon.
Pilit niyang itinatayo ang sariling ina mula sa pagkakaluhod sa aking harapan. Alam ko ang nararamdaman niya, masakit makita na nagmamakaawa ang sarili mong ina sa harap ng ibang tao. Lalo na kung ang taong iyon ay ang inyong kaaway.
Sa halip na sundin ang sinabi ng anak ay mas lalo lamang nagpumilit si Tita Lucy. "Makinig ka sa akin, Lhex, I can prove you wrong. Kaya kong linisin ang aming pangalan sa iyo!"
Sarado na ang isip ko sa pakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang kumbinsihin ako, sarado na ang kaso. Wala nang nakakaalala ng ginawa nila sa amin, bakit kailangan pa niya akong guluhin?
"Y...Y-our parents. . ." nanghihinang sambit nito.
"They will tell you everything, Lhex."
Napabaling sa kaniya ang tingin ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nahihibang na ba si Tita Lucy? Patay na ang mga magulang ko kaya paano pa nila sa akin masasabi ang totoo?
"Stop telling lies, Tita. Umalis ka na bago ko pa kayo ipakaladkad palayo." Galit kong ipinukol ang tingin sa anak niyang nakatingin sa akin.
"The next time you bring your mother in front of me, you'll be good as dead."
Tumalikod na ako sa kanila at muling hinarap ang puntod ng aking mga magulang. Mabilis na pumatak ang luha sa aking dalawang mata nang saktong pagtalikod ko. Tahimik akong humikbi at dahan-dahang pinupunasan ang mga tumutulong luha sa aking mata. Sinisikap na huwag malaman ng mag-ina na tumatangis ako ngayon nang hindi nila nalalaman.
I will never let them see my f*****g tears again. Never ever again!~•~