Peculiar Eyes

1616 Words
NAGTATAKHA kong tinititigan ang mga nakaunipormeng mga lalaki sa aming bahay. Hindi ito pangkaraniwang scenario para sa akin, sanay man akong maraming guards na gumagala sa paligid ng bahay ay takhang-takha pa rin ako dahil sobrang rami nila ngayong araw. Kilala ko ang mukha ng mga guards dito sa bahay, ngunit halos karamihan sa mga mukha ng mga lalaking narito sa amin ngayon ay hindi pamilyar sa akin. Agad na nangilid ang luha ko nang mabaling sa akin ang tingin ng isa sa mga 'di ko kilalang lalaki. Seryoso masyado ang ekspresyon ng kaniyang mukha, nakakatakot! "A...A-te Ysa!" naluluhang tawag ko sa kasambahay namin. Agad akong dinaluhan ni Ate Ysa kahit na ang kamay niya'y puro bula pa. Niyakap ako nito nang makitang namumula ang aking mata. "Bakit, Lhexine? Anong problema?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Siniksik ko ang aking sarili kay Ate Ysa nang muling bumaling sa akin ang tingin ng lalaki. Pakiramdam ko ay bigla na lamang akong susunggaban ng lalaking 'yon at ilalagay sa sako. Hindi ako sumagot kay Ate Ysa, niyakap ko lamang siya at saka ibinaon ang aking mukha sa kaniyang saya. Nang maramdaman ni Ate Ysa ang takot ko ay hinimas niya ang likod ko habang inaalo. "Tara muna sa kusina, Lhexine, samahan mo na lang si Ate Ysa na maghugas ng pinggan." Inakay na ako ni Ate Ysa patungong kusina. Nang makarating doon ay saka ko lamang inalis ang mahigpit na yakap sa kaniyang baywang. Mabuti at walang mga nagkalat na lalaki rito sa gawing kusina namin, halos lahat sila'y nasa itaas ng bahay. Mga nakatayo sila at tila hindi gumagalaw kahit na isang kilos man lang, ang mga dala nilang b***l ay nasa kanilang baywang. "Bakit po ang daming tao ngayon dito, Ate? Nasaan sina Mama?" tanong ko kay Ate Ysa nang mawala na ang takot ko. Saglit na lumingon ito sa akin at ngumiti bago sumagot, "Ah, nasa opisina sila at mayroong importanteng bisita." Kumunot ang noo ko sa pagtatakha. Akala ko ba'y aalis kami ngayon? Bakit sila tumanggap ng bisita? "Po? Pero, 'di ba, pupunta kami ngayon kina Tita Lucy? Matutuloy pa ba 'yon kung may bisita sila, Ate Ysa?" "Pasensya na Lhex, pero hindi ko alam. Ang sabi ni Ma'am Celestine sa amin ay ipaghanda ng makakain ang bisita niya. Mukhang malaking tao ang panauhin ng mama mo, baka matagalan ang pag-uusap nila." Malungkot akong pumangalumbaba matapos marinig ang sinabi ng kasambahay. Kung inutusan sila ni Mama na maghanda ng meryenda, tiyak na matatagalan nga ang pag-uusap nila ng kanilang bisita. Madalas kasi ay sa sala o hindi naman kaya ay library nila pinapatuloy ang kanilang mga bisita. Doon sila nag-uusap lalo na kung hindi naman gaanong matagal ang kanilang meeting. Ngayon pa lamang sila tumanggap ng bisita sa kanilang opisina. "Kilala mo po ba, Ate, kung sino ang bisita nila? Bakit sila nasa office nina Mama?" Hindi nagpapapasok ng bisita sa opisina ang mga magulang ko. Ang sabi nila ay may mga pribadong dokumento silang itinatago sa kanilang office na hindi puwedeng makita ng mga bisita. Kahit ako ay hindi nila hinahayaang makapasok doon lalo na kung ako lamang mag-isa. Mahigpit ang security lock ng kanilang opisina, kung tutuusin ay iyon ang may pinaka komplikadong lock sa lahat ng silid. "H...h-indi ko alam kung sino ang bisita nila, Lhexine." Umiwas ito sa akin ng tingin nang sumagot ito. Nagpatuloy siya sa kaniyang paghuhugas ng pinggan at hindi na muling nagsalita pa sa t'wing tinatanong ko siya ng tungkol sa bisita nina Mama. Nang tuluyan akong mabagot sa pakikipag-usap kay Ate Ysa ay iniwan ko na siya. Sinilip ko ang sala kung naroon pa ba ang mga nakakatakot na mga guards. Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang makitang wala na sila roon. Wala ng tao sa sala namin maliban sa iilang mga kasambahay na naglalampaso ng sahig at ilang nagpupunas ng aming mga mwebles. Patakbo kong inakyat ang mahabang hagdan. Buti na lang at hindi nagtagal ang bisita nina Mama, ibig sabihin ay makapupunta pa kami kina Tita Lucy! "La la la~" umaawit pa ako habang masayang inaakyat ang hagdan. Nang makarating sa pinto ng opisina nina Mama ay kakatok na sana ako nang makitang bukas ito. Akma ko nang itutulak ang pinto para tuluyan akong makapasok nang marinig ang isang hindi pamilyar na boses. Kausap nito ang aking mga magulang at base sa tigas ng kaniyang pananalita ay alam kong nakakatakot siyang tao. Hindi ko man lubos na maunawaan ang kaniyang sinasabi ay nakinig pa rin ako. Sinikap kong isilip ang ulo sa pinto ngunit dahil sa takot na mahuli ay nanatili na lang ako sa aking pwesto. "Technological singularity may allow those robots to do anything. If the machines are smarter than us, that would be dangerous." The baritone voice of an old man echoed around my parent's office. He was sitting comfortably on the couch while puffing a cigarette with his index finger. The way he spoke gave me chills. His voice was deep and scary, I can compare it to the voice of a killer villain in a movie. "We need to slow down the creation of superintelligence." The way he delivered those words was full of authority, it seemed like he's commanding my parents to stop their project or else, something bad will happen. "But, professor, we can't just stop the project. We are already on its peak, one last trial, and everything's done." Ang boses ni Mama ay punong-puno ng pagsusumamo nang sabihin niya iyon. Tila ba nakikiusap siyang pakinggan ng matanda ngunit walang balak na makinig ito sa kaniyang mga sinasabi. "Celestine, you don't know what you are dealing with. You will put your daughter's future at stake once you try to pursue this project. It will cause chaos to the whole world!" "Walang magiging problema, professor, mabusising pag-aaral ang ginawa namin para maperpekto ito. Isa pa, kung sakaling magkatotoo man ang inyong iniisip ay may naisip na agad kaming solusyon para itigil ito. Please, give us chance, sir, we will never disappoint you." Nakita kong lumakad si Papa palapit kay Mama, hinimas nito ang likod ni Mama at may ibinulong. Mayamaya lang ay huminahon si Mama at lumingon sa nakaawang na pinto ng opisina nila. Nang magtagpo ang aming tingin ay ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko, lumakad si Mama palapit sa kinaroroonan ko at bahagyang yumuko. Kausap ni Papa ngayon ang matanda. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil ang atensyon ko ngayon ay na kay Mama. Nakatayo ito sa hamba ng pinto habang nakatingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi at saka tumingin na lang sa aking mga daliri. "What are you doing here, Manuela? Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na kapag may bisita kami, bawal kang pumunta rito?" masuyo ang boses ni Mama nang itanong niya 'yon sa akin. Walang bakas ng galit sa mata niya ngunit ramdam ko ang tensyon na mayroon sa kaniya. Sa edad na pitong taon ay alam ko na kung gaano kapribado ang trabahong mayroon ang mga magulang ko. Marami silang ginagawa na hindi ko p'wedeng pakialaman dahil ang sabi nila ay may kontrata silang pinirmahan. Walang iba na dapat makaalam ng kanilang mga ginagawang proyekto para sa isang tao, maski ako ay hindi nila sinasabihan. "I. . . I just want to ask you when will I see Aly, Mama." Tumitig sa mata ko si Mama, sumilay ang bahagyang ngiti sa labi niya. "Soon, Manuela. We will visit her, I promise." Halos tatlong buwan nang hindi pumupunta si Alysabeth dito sa bahay para makipaglaro sa akin. Maging si Tita Lucy ay bihira ko na lamang din makitang magawi rito sa bahay. Sa t'wing makikita ko ito ay bakas ang pagod at pagkabalisa niya, nagmamadali ito lagi na makaalis kaya hindi kami gaanong nakakapag-usap. Nang tanungin ko si Mama kung bakit, ang sinabi lang niya ay may sakit si Aly, pero masyado nang matagal iyon. Nag-aalala na ako para sa kalagayan ng aking kaibigan. Nangako sa akin ang mga magulang ko na bibisitahin namin si Aly sa bahay nina Tita Lucy sa oras na lumuwag na ang oras nilang dalawa. Akala ko ay ngayong araw iyon, ngunit nang makitang may dumating silang bisita para sa araw na 'to ay mukhang malabo na ang pagbisita namin kay Aly ngayon. "Are you okay, Mama? Pinagagalitan po ba kayo no'ng lolo na 'yon?" nakangusong tanong ko kay Mama. Hinawakan ko ang kamay ni Mama at hinimas ito. Iyon ang palagi kong ginagawa sa t'wing nakikita kong pagod si Mama. Madalas na napapangiti ko siya kapag ginagawa ko 'yon, ngunit ngayon ay mukhang malaki ang problema niya. Hindi niya ako mabigyan kahit na isang maliit na ngiti. "No, baby, Mama's fine. We're just talking about something important, will you please give us privacy, baby?" Ayaw ko mang umalis ay wala akong nagawa. Natatakot akong mas lalong pagalitan ni Mama kapag nanatili ako roon. Bago ako umalis ay ibinaling ko ang tingin sa loob. Gusto kong makita kung sino ang matandang kausap nina Mama. Subalit bago ko pa makita ang kabuuan ng mukha ng matanda ay agad nang sinarado ni Mama ang pinto. Tanging ang pinaghalong kulay berde at asul na mata lamang ng matanda ang nakita ko. Pamilyar ang mga matang iyon. Kahit na banyaga ang kulay nito ay alam kong minsan na akong nakakita ng ganoong klaseng mata. Hindi ko alam kung bakit, pero nang masilayan ko ang kakaibang kulay na mata na iyon, ang mga mata ni Vaughn Cohen Salazar ang aking nakita. They don't have the same color, but their eyes were both filled with mystery hidden behind those different shades.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD