Lhexine Manuela Sawyer's POV HINDI ko magawang ialis ang aking tingin sa telebisyon kung saan napapanood ko ang brutal na pagpatay ni Vladimir sa mga inosenteng buhay. Dalawang oras pa lang buhat nang magising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Hindi ako makapaniwala na ang dalawa hanggang tatlong araw na operasyon ko ay tatagal ng humigit-kumulang isang buwan. Nabanggit sa akin ni Sandra ang lahat ng kasamaang naganap noong wala akong malay. Detalyado niyang ipinakita sa akin ang kaganapan sa labas ng laboratoryo kung saan nila ako dinala. Katulad ng inaasahan, matagumpay ngang natuton ni Vladimir ang Neurolink laboratory. Subalit, bago pa tuluyang makarating dito ang kampo niya'y agad na akog naisipat sa underground laboratory. Mabilisang kumilos ang lahat. Isinarado nila a

