"We need to secure the area. Ellis, activate the shield at its optimum level. Make sure all the security devices are set in motion. Vaughn, let your team stabilize the condition. Guard the entrance of this place, don't let them come in here!" Nagising ako sa natutulirong boses ni Sandra. Hinang-hina pa ako at halos hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa kawalan ng lakas. Sinubukan kong igalaw ang daliri ko. Hindi ko ito maramdaman dahil sa pamamanhid. "The president is awake!" Malakas na anunsyo ng isang babae at saka ko naramdamang may humawak sa dalawang pulso ko. Hindi ko man magawang idilat ang aking mata, alam ko na may mga nakatitig sa akin. Ramdam ko ang intensidad ng kanilang mga sulyap na tila ba ang tagal na nilang naghihintay sa aking paggising. Maraming mga kamay ang humaha

