The President's Guard

1900 Words
"The Presidential Security Team is waiting for you at the front door, Miss President." Tanging tango lamang ang naging tugon ko sa tinuran ni Sandra. Abala ako sa pagbabasa ng mga importanteng dokumento na ipinadala sa akin ni Angelic. "Tell them that I'll be there in five minutes." Isinarado ko ang holographic computer nang matapos ang pagpapasa ng mga files. "Do I have free time on my schedule today?" tanong ko habang inaayos ng mga papeles na dadalhin. Nang nakitang kumpleto na ang lahat ng kakailanganin sa conference na pupuntahan ay inabot ko iyon kay Sandra. Diretso ang lakad namin palabas ng opisina. Lahat ng makakasalubong ko ay binabati ako, hindi ko na ito nabalingan ng tingin dahil habang naglalakad ay patuloy ang pag-scroll ko sa aking iPad. "The conference meeting will end at exactly 1:30 PM, Miss President, you only have thirty minutes to eat your lunch because your next conference for the media will start at 2:30," sambit ni Sandra. "Is that all?" tanong ko. "No, Ma'am. Your presence will also be needed at the annual year celebration of Quiltech Corporation tonight, at the Modesty Empire in Taguig," dugtong pa nito. Matapos marinig ang sinabi niyang iyon ay awtomatikong umikot ang mga mata ko. Umaga pa lamang ay nararamdaman ko na ang sakit ng ulo at pagod para sa araw na ito. Ganito ba talaga ang schedule ng isang Presidente? Bakit ang lolo ko noon ay nagagawa pang sabayan ako sa pagkain ng umagahan kahit na alas nuwebe na ako nagigising? Samantalang ako ngayon ay haggard na kahit alas-otso pa lang ng umaga, kulang na lang ay isakripisyo ko ang pagkain ng umagahan at pagtulog sa gabi matapos lamang ang mga dokumentong dapat kong pirmahan! "Do you want me to ask for a representative to attend the annual year celebration tonight, Madame President?" agad na tanong nito sa akin nang nakitang busangot ang aking mukha. "Sino'ng mga importanteng tao ang imbitado sa selebrasyong iyon?" tanong ko bago magdesisyon kung dadalo ba ako o hindi. "I heard that the President of Carlson Robotech will be at the celebration." Kaagad akong napabaling kay Sandra nang sabihin niya iyon. Tumigil ako sa paglakakad at kinuha sa kamay niya ang kaniyang tablet. Mabilis kong in-scan ang pangalan ng mga bisita, nakita ko roon ang ilang politiko, businessmen at iba pang kilalang mga tao. "I'll be at the party tonight." Kung dadalo ang Presidente ng Carlson Robotech, dapat lamang na naroon din ako. Oras na para harapin ang kalaban, hindi ako pinalaki sa puder ng mga militar para lamang takbuhan at iwasan ang mga kalaban. General Rhodes never failed to embed courage on my system. Hindi na nagsalita pa si Sandra, narinig kong may tinawagan siya at sinabing ihanda ang susuotin ko para sa pagdiriwang na dadaluhan mamayang gabi. "Bakit narito ang lalaking iyan?" Matalim ang tingin ko nang nakitang nakahilera sa hanay ng security team ko si Vaughn Cohen Salazar. His signature grin is plastered on his goddamn face. "I forget to mention that he is part of your Presidential Council, Ma'am, he's your adviser," mahinang tugon ni Sandra. Nang nakalapit na ako sa mga nakaunipormeng team ay inisa-isa kong titigan ang kanilang mga mukha. Mababakas ang pagiging propesyonal nila sa paraan ng kanilang pagtindig. Ni kurap o pag-iwas ng tingin ay hindi nila ginawa nang salubungin ko ng malamig na titig ang kanilang mga mata. Lumapit sa akin si Salazar at bruskong nagpakilala, "Good morning, Miss President. We are the Presidential Security Team. We are personally picked by the National Defense Committee to ensure the security and protection of the President at all cost," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ako madaling magtiwala, mas lalo na ngayon kung kasama ng mga taong dapat na pumrotekta sa akin ang anak ng pumatay sa pamilya ko. Baka sa halip na saluhin ang balang tatama sa akin ay siya pa ang mismong kumalabit ng gatilyo para patamaan ako. The National Defense Committee is insanely ridiculous. "Protect me at all cost huh?" sarkastikong sambit ko at saka napahalukipkip, bago magpatuloy sa sasabihin, "I don't think so, baka ikaw pa ang manguna sa pagkitil ng buhay ko, just like how your family ambushed my innocent family a few years ago." Nabura ang bruskong ngisi niya nang marinig ang tinuran ko. He clenched his delicately sharp jaw and stepped closer to me. Akala ba niya ay masisindak niya ako? Hah! It takes more than those clenching jaws and sharp eyes before I back down. "Be careful on your false accusations, Miss President. My family isn't guilty for the traumatic incident you've encountered," mariing sambit niya. Habang nakaarko ang kilay at nakangisi ay umiling ako, nilampasan ko siya para makalapit na sa sasakyan. Bago ako pumasok sa loob ay nagbitiw ako ng isang atake na siguradong makakapagpainit ng ulo ng isang Salazar, "Gaano kalinis ang konsensya ng pamilya ninyo? Masyado bang malinis kaya hindi kinaya ni Alysabeth at iniwan na lang kayo?" Taas noo akong pumasok sa sasakyan at mabilis nang pinaandar ng iyon ng driver. Hindi mabura ang ngisi sa labi ko dahil sa sobrang galak, ang sarap sa pakiramdam na nasupalpal ko ang Salazar na iyon. Hindi ko planong gamitin ang pangalan ni Aly, ngunit hindi ko kayang palampasin ang pagmamalinis nila. Hindi ibig-sabihin na nabilog nila ang ulo ng husgado, ay tunay na wala nga silang kinalaman sa pagkamatay nila mama at papa. Gaano man karaming ebidensya ang itapon nila sa pagmumukha ko para lamang mapatunayan na malinis ang pangalan nila, ay hinding-hindi ako maniniwala dahil ako mismo ang nakakita. With my two bare eyes, I saw how his grandfather pointed his g*n at them. He pulled the trigger and shot my papa right on his chest! Ngunit walang naniwala sa akin, my testimony wasn't enough to prove that their family was the one who murdered my mama and papa. Sino nga bang maniniwala sa salita ng isang limang taong gulang na batang may Posttraumatic stress disorder? Of course, the chief justice invalidated my testimony! "You shouldn't say that, Lhexi," bulong ni Anj habang nag-aayos ng mga papeles na hawak niya. Inikuwento ko sa kaniya ang naging sagupaan namin ni Salazar kanina. Akala ko ay papalakpakan niya ako dahil sa binitiwan kong banat, we both hate the Salazars. Ako, dahil sa ginawa nitong pagpatay sa mga magulang ko, at siya dahil katunggali niya ang Carlson Robotech sa larangan ng pagma-manufacture ng robotics and prototypes. "I know, but you know how much I loathe them. I love Aly, she's our dearest sweet Alysabeth but I really hate her family." Bumuntong hininga ako at saka hinilot ang sentido. "We should visit Aly,it''s been a long time since I went to see her," sambit ni Anj at saka ako inakbayan. "I missed our squad bond, iyong panahon na hindi pa naaapektuhan ng galit mo ang pagkakaibigan nating tatlo." I missed Aly too. Her sweet voice, cheeky grins, and clingy hugs and kisses. Gusto ko na ring makita siya, pero hindi ko pa kaya, hindi kayang tabunan ng samahan namin ang lahat ng trahedyang hatid ng pamilya niya sa akin. "I'm sorry Anj, but I can't. Hindi ko gustong lokohin ang sarili ko at piliting ngumiti sa harap ni Aly, habang matindi pa rin ang galit ko. Alam kong walang kinalaman ang kaibigan natin sa ginawa ng mga magulang niya sa pamilya ko, pero ang hirap talaga. Sana ay maintindihan mo ako," mahabang paliwanag ko habang nakapikit. Ayokong umiyak at makaramdam ng panghihina. Sa oras na hayaan kong pumatak ang luha ko, ay tila sinayang ko ang ilang taon kong paghihirap. Uncle Rhodes taught me to never shed a single tear for the past. I should set my eyes on the present to create a better future. "Okay, I understand, Lhexi." Matapos ang pag-uusap na iyon ay nagpaalam na ako kay Angelic. Dumiretso ako sa mga mahahalagang tao rito sa conference at saka nakipag-usap habang hinihintay ang pagsisimula ng meeting. Ilan lamang sa miyembro ng National Unity Department Association ang naririto. Karamihan sa kanila ay nagpadala lamang ng representative dahil sa iba't ibang pagkakaabalahan nilang hindi nila maiwan. Lumipas ang ilang minuto ay narinig ko na ang aking pangalan sa entablado. Diretso ang tingin ko sa pasilyo habang naglalakad, walang kahit na isang binalingan hanggang sa nakalapit sa mikropono. "Growing up, many people see Lhexine Manuela Sawyer as a weak orphan. A fragile and incapable daughter of a legendary robotic engineer and chief tech analyst," panimula kong sambit. Huminga ako nang malalim at inilibot ang aking tingin sa mga taong nakikinig ngayon sa akin. "I wasn't spoiled, my mother taught me to accept that not everything I want is meant for me to have. While my father told me that if I want something, I must do my best to achieve it on my own." My parents are the best. Kahit na kailan ay hindi nila ako tinuruang maging hambog, pinuno nila ako ng mga pangaral upang maging mabuting tao. I am the only daughter of Manuel Sawyer, the well-known engineer who initially designed the automated MoBlast. It is a high technological vehicle that can manually drive a car at the speed of 490.48 kilometers per hour, its specs are quite astonishing as well. While my mother Celestine Luis Sawyer was the genius chief tech analyst of NeuroLink Robotics and Prototypes. She was the one who gave the Senior President an idea about humanoid artificial intelligence. "Today, I am standing here in front of you not as a granddaughter of the most renowned Senior President Sawyer, but as someone who's capable enough to be a part of the Philippine history." Inilibot ko ang aking mata sa lahat ng mga nakaupong mga tao. Nais kong makita ng mga kababayan ko na isa akong Presidente na may kakayahang mamahala. Katulad ng kung paano sila nagtiwala sa kakayahan ng aking lolo at kung paano tinangkilik ng publiko ang mga kahanga-hangang imbensyon nila mama at papa, at gusto ko ring patunayan ang aking sarili. Kaya ko, hindi dahil apo ako ng dating mahusay na Pangulo, kun'di dahil mayroon akong abilidad na mamuno. I earned the presidency through hard work and definitely not because of my influential bloodline. "Huwag ninyo sanang limitahan ang aking kakayahan dahil lamang sa aking sekswalidad at edad. Bigyan ninyo ako ng pagkakataon para tuluyang burahin ang kaisipang mahina ang mga kababaihan at walang kayang gawin ang mga kabataan, dahil patutunayan ko sa inyo na hindi ko man kayang makipagsabayan sa mga nagdaang mahuhusay na lider ng bansa, ay kaya ko naman itong higitan." Do I sound too brazen and arrogant? Well, I am not. Dahil ang mga katagang binitiwan ko ay kaya kong gawin, hindi ito mananatiling salita lamang. "Theodore Roosevelt once said, believe you can and you're halfway there." Lumakad ako patungo sa gitna ng entablado habang naka taas ang ulo. Maraming mga kamera ang nakatutok sa akin, ang ilaw ay nagliliwanag habang nakasunod sa bawat paghakbang ko, nang nakarating sa gitna ay humarap ako sa kanilang lahat at yumuko. In front of these hundreds of people, some friends, and some foes, I bowed my head as a sign of my sincere promise. I swear to do my best in all honesty, in everything I do. I will serve my fellow Filipino citizens and give glory to my country.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD