Devilish Angel

2416 Words
"Oh s**t, Lhexine Manuela Sawyer, you are splendid tonight!" eksahedarang bati sa akin ni Anj habang umiikot para tingnan ang detalye ng suot kong damit. "You look stunning, Madame President, siguradong lahat ng kalalakihan sa selebrasyon ay hindi mapipigilang humanga sa iyo," nakangising sambit naman ni Sandra. I am wearing the MARISSA sequin gown. I love how elegant this gown is, it was made with a stretchy sequins fabric featuring criss-cross straps a thigh-high slit on the left leg, and zip closure in the back. I paired it with a Serena stiletto sandals made of mirror-effect metallic leather. My hair and make-up was done by the best make-up artist, I made sure that I would look intimidating yet sulking hot tonight. Mahabang panahon na ang nakalipas nang huli kong nakaharap ang taong iyon, I was a vigilant weak child back then. Sa muling pagdapo ng tingin ko sa kaniya mamaya ay sisiguraduhin kong makakaramdam siya ng takot. "She always has that drop-dead body, kahit ano'ng isuot niya ay bumabagay dahil sa perpektong kurba ng katawan. Ang daya Lhexi, bakit lahat yata ng grasya ay nasa 'yo ha?" nakangusong dugtong pa ni Anj. Hindi ko mapigilang tumawa nang narinig ang tinuran niya, maganda rin naman si Angelic, hindi man kasing kurba ng katawan ko ang kaniya ay hindi rin naman mapag-iiwanan. "I wasn't born with these traits Anj, I worked out a lot to perfect my curves. Ang hirap kasi sa 'yo ay gusto mong gumanda ang katawan, pero hindi ka naman nagwo-work out!" sagot ko sa kaibigan. "Whatever, tara na nga at baka mahuli pa ang Presidente!" nakairap na sambit nito. MABILIS ang naging byahe, tulad ng nakasanayan na ay maraming nakasunod na sasakyan sa kotseng sinasakyan ko. Hindi kami magkasama ni Angelic sa sasakyan, dahil kasama niya ang kaniyang manliligaw na siyang date niya ngayong gabi. Lulan ng kotseng sinasakyan ko ay isang driver at si Salazar na nasa front seat, tanging pagkunot lamang ng noo ang naging reaksyon ko nang nakitang pati pala sa selebrasyong ito ay kasama ko siya. Wala na akong nagawa pa nang sabihin ng Commander in charge na si Vaughn Cohen Salazar ang leader ng Presidential Security Team. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa posisyong iyon, hindi na ako nag-abala pang magtanong, dahil wala rin naman akong magagawa pa kahit na magreklamo ako. Ayokong gamitin ang posisyon ko para lamang masunod ang hinaing ko. I will not take advantage of my presidency for my personal grudge. Nang nakarating kami sa mismong venue ng party ay nakita kong sa labas pa lamang ng hotel ay may red carpet na. Iba't ibang istasyon din ng telebisyon ay nakapuwesto na sa gilid para sa live coverage ng gaganaping selebrasyon. Huminto ang kotse sa harap mismo ng hotel, dali-daling bumaba ang aking security team, at humanay sa magkabilang gilid ng daraanan ko. Bumukas ang pinto ng kotse, at nakita kong si Salazar ang nagbukas niyon, nasa gilid niya ang sekretarya kong si Sandra, na kapwa naghihintay na rin sa pagbaba ko. Taas-noo akong lumabas ng sasakyan, kaagad na nagkagulo ang media nang nakita ako. Napuno ng ingay ang red carpet mula sa samu't saring tanong ng mga reporter sa akin, lahat ay naghahangad na makakuha ng kahit kaunting panayam mula sa akin. I maintain my fierce composure nang tuluyan na akong nakababa. I clung my right arm to the man beside me, hindi nakalampas sa pandama ko ang ginawa niyang pagpitlag sa gulat. Hindi niya inaasahang ikakakawit ko ang braso ko sa kaniya, palihim akong napairap nang dahil doon. Naglakad kami sa red carpet habang dinudumog pa rin ng mga reporter. Salamat na lamang at mahusay ang security team ko, wala ni isang kamay ang nakahawak sa akin. Nang nakarating sa pictorial area ay doon lamang ako ngumiti. Ako lamang mag-isa ang kinukuhanan ng photographer, nakita ko ang pagdating ng ilang mga politiko at businessman, ngunit hindi pa rin nawala sa akin ang atensyon ng media. "Anong masasabi ninyo Madame President sa mga taong bumabatikos sa inyo?" "May balak ka bang ipagpatuloy ang naudlot na proyekto ng nakaraang administrasyon?" "Hanggang kailan ninyo balak na itago sa publiko ang kinaroroonan ni Senior President Sawyer?" Ilan lamang ang mga katanungang 'yon na naririnig kong isinisigaw ng mga humahabol sa aking reporter. Katatapos lamang ng media conference ko kanina, sinagot ko na ang mga importanteng tanong ng media. Sinigurado kong ang inilaan kong apat na oras sa harap ng kamera ay sapat na para punan ang kuryosidad ng publiko tungkol sa aking adbokasiya at pagkatao. Wala na sana akong planong sagutin ang kahit na isang tanong ng mga reporter, nang narinig ko ang isang tanong na kumuha ng atensyon ko, "Hanggang ngayon ba ay may sama pa rin kayo ng loob sa mga Salazar dahil sa pagkamatay ng inyong mga magulang?" Napahinto ako sa paglalakad, kaagad kong nilingon ang paligid para hanapin ang boses ng isang babaeng nagtanong. Inilapit ng reporter ang mic sa akin at tinutukan ng ilaw at kamera. Tuluyan kong tinalikuran ang kasama ko, at ngumiti sa harap ng kamera bilang pagpapakita na magsasalita ako. "Mahabang panahon na nang nangyari ang insidenteng iyon, marami nang nakalimot. Hindi ko ugaling magtanim ng galit lalo na't malapit ang pamilyang iyon sa aming pamilya." Hindi ako tanga na aaminin ang nararamdamang galit, wala akong planong ipangalandakan sa buong Pilipinas ang pagkamuhi ko sa pamilyang iyon. "Matatandaang tumestigo ka noon laban sa Presidente ng Carlson Robotech at sinabi mong siya ang bumaril sa iyong ama at ina, anong masasabi mo tungkol dito?" dugtong pang tanong ng babae. "Everything I said before doesn't matter anymore, pero hindi ibig sabihin niyon ay binabawi ko na ang binitiwan kong testimonya." Lumingon ako sa katabi kong si Salazar, hindi siya nakaharap sa akin dahil diretso ang titig niya sa babaeng reporter. I noticed how Salazar's face darkened as he stared at the girl in front. Ngumiti ako at umarteng balewala na sa akin ang bagay na iyon bago magpatuloy, "I respect the decision of the chief justice. If the court proves that I was just seeing things because I am suffering PTSD back then, okay. Wala na akong planong bumalik pa sa nakaraan." Lies, stupid question. Do these people expect me to easily forget my dark history and just move on? How the f**k could I forgive those people behind the incident even without receiving any apologies? Hell, no! "Let's go, Ma'am," mahinang sambit ni Salazar at saka tinanguan ang team para mailayo na sa amin ang reporter. Hindi na ako umalma pa, diretso na kaming pumasok sa hotel nang walang ibang sinasagot na tanong. Pagkapasok sa loob ng venue ay humiwalay na ang security team, kumalat sila sa palagid, pero siniguradong hindi masyadong malayo ang distansya sa akin. Nang napansing nakaangkla pa rin ang braso ko kay Salazar ay kaagad ko itong tinanggal. Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay. "Huwag ka nang dumikit sa akin. Sa paligid ka na lang din at magbantay." He shook his head before answering, "I am tasked to stay with you 24/7, to ensure your safety, Madame President, I'm afraid I can't follow your command right now." Agad na umarko ang kilay ko nang marinig ang sagot niyang iyon. "Oh come on Salazar, stop acting like you really care about my safety. We both knew how much your family wants me dead, the last Sawyer standing." Bago pa tuluyang masira ang gabi ko ay tinalikuran ko na siya. Kaagad akong nilapitan ng mga kakilala sa politika, maganda ang ngiti ko nang harapin sila. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap sa Minister of Industrial Technology nang naramdaman kong may gumapang na kamay sa aking baywang. Hindi ko pa nililingon kung sino ang pangahas na taong humawak sa akin ay agad na itong tumalsik palayo sa tabi ko. "What the f**k dude?!" singhal ni West na pumukaw sa atensyon ng lahat. Nakataas ang dalawang kamay ni West habang gulat na nakatingin sa grupong kaagad na pumalibot sa kaniya habang may nakatutok na b***l. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ay kaagad na lumapit sa kaniya si Vaughn at itinutok sa noo niya ang nguso ng b***l. Nanlalaki ang mata ko nang nagsigawan ang mga bisita dahil sa nakikita. "Put the g*n down. Geez! He's my friend!" gigil kong utos. Nang narinig ang utos ko ay sabay-sabay ngang ibinaba ng team ang b***l na nakatutok kay West, huling nagbaba si Salazar habang matalim ang tingin sa lalaki. Humarap siya sa akin at lumapit. "Tell your friend to follow the protocol before approaching the President, the next time he does that kind of trick, he'll be dead." Umirap pa ito sa akin bago tumalikod at tinawag ang security team. "Go back to your position, eight meters away from the President, always be attentive and guarded. Lopez and Cenon, check the facility and report to me once you notice something or someone suspicious," utos nito bago lumayo ng ilang hakbang sa akin. Humakbang ako palapit kay West na hanggang ngayon ay tulala pa rin at namumutla. Pinalilibutan siya ng ilang mga ka-edad na pawang mga nakapormal din. Nang nasa harap na ako ni West ay kaagad na lumayo ang mga nakapalibot sa kaniya para bigyan kami ng espasyo. "I'm very sorry, West," panimula ko. "T-that's fine, Lhex—I mean, Madame President." Napakamot pa ito ng batok niya at saka umiwas ng tingin. Ngumuso ako nang marinig ang pag-aalinlangan sa tono ng pananalita ng kaibigan. "Let's go there, I owe you a drink. Mukhang nabigla ka sa nangyari, pasensya na." Dahil sa mestisong lalaki si West ay kitang-kita ang pamumutla niya, halatang sobra siyang nagulat sa nangyari. Kung sa bagay, sinong hindi mahihintakutan kung papalibutan ka ng hindi kilalang grupo habang direktang nakatutok sa 'yo ang mga b***l. Mukhang hindi lang ako ang mag-aadjust sa posisyon ko, maging ang mga kaibigan ko ay kailangan nang masanay sa protocols na dapat sundin sa t'wing nasa paligid ako. Dati ay natural lang ang biglang may pupulupot na braso sa baywang ko o hindi kaya ay biglaang nakaw na halik sa labi. Walang masama kung tatawagin ako gamit ang mga nakaka-offend na tawag, o biglang may yuyugyog sa balikat ko. Ngayon ay kaunting maling galaw lang nila ay kaagad na silang palilibutan ng mga armadong lalaki. "Here," nakangiting alok ko sa kaniya. Kinuha naman niya ang inabot kong inumin at kaagad na nilagok iyon, kumuha pa siya ng isang baso at saka muling inisang lagok bago humarap sa akin. Huminga siya nang malalim at saka tumawa. Habang nakatingin sa kaniya ay tumawa rin ako. "Okay Lhexine, what the f**k just happened? Talaga bang gano'n kahigpit ang Presidential Security Team? Muntik na akong maihi sa kinatatayuan ko kanina!" Dahil malayo na kami sa mga tao ay naging komportable na si West. Paminsan-minsan ay lumilingon siya sa paligid para makita kung may nakatingin sa amin. "Nahihiya ako sa 'yo, West, I don't know what to say. Maging ako ay nag-aadjust pa sa sitwasyon ko ngayon," nakangusong sambit ko sa kaibigan. Akmang lalapitan niya ako para yakapin nang napahinto siya matapos makarinig ng isang eksaheradong tikhim, hindi ko man hanapin kung sino iyon ay alam ko kaagad na si Salazar iyon. Dahil sa hindi na humakbang pa ang kaibigan ay ako na mismo ang kusang lumapit para yumakap sa kaniya. Agad naman niyang sinuklian ang yakap ko. "This is so frustrating, I can't even show them my craziness. It feels like I am only allowed to be formal and intimidating all the damn time!" bulong ko habang tumatawa. "I don't believe you, mukhang gamay na gamay mo na ang pagiging President. Hindi halatang naninibago ka pa, this is what you've been dreaming since we were in high school right?" Bumitiw ako sa yakap kay West at saka umiling habang nakangisi pa rin. "Whether you believe it or not Kennedy West Quilor, yes I am still adjusting." "Congratulations, Lhex. I am so proud of you," seryosong sambit ni West. Si West ay isa sa tatlong anak ng CEO ng Quiltech Robotics. He is a friend of mine since I was in high school. "Oh my West, is that you?" nangibabaw ang matinis na boses ni Anj, sabay kaming napalingon ni West sa kaniya. Kaagad na tumakbo si Anj sa direksyon namin nang ibinuka ni West ang braso niya para salubungin ng yakap ang kaibigan. "I missed you, bro. It's been years!" sambit ni Anj habang nakasiksik sa dibdib ni West. Umiling ako nang narinig ang tikhim ni Ellis, manliligaw ni Angelic na siyang kaibigan ko rin. "Ops, tama na Angelic, nagseselos ang iyong beloved Ellis," tukso ko sa kanila. "Wait, where's Sandra?" tanong ni West nang napansing kulang kami. "I saw her talking to the coordinator of this celebration earlier, she's too busy to say hi to me." Umiling naman si Ellis matapos sagutin si West. "What? Lhexine, pagpahingahin mo naman si Sandra, mukhang siya ang napapagod sa pagiging sekretarya mo!" si Anj na ngayon ay nakapulupot na muli sa manliligaw. I rolled my eyes on them and crossed my arms. "I didn't force her to be my secretary, she's the one who dragged me to hire her." Bakit parang kasalanan ko pa ngayon na stress na si Sandra Nicole? Yes, my secretary is also part of our squad. She's a workaholic and a serious one in our group. "Feeling ko talaga lesbian na si Sandra at in love siya rito kay Lhexine, grabe ang effort at suporta rito sa kaibigan natin," tumatawang sambit ni Ellis. "Shut up Ellis, ayoko ng panibagong kaagaw kay Madame," patol naman ni West sa tinuran ni Ellis. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong nakakakulitan ko na ang mga kaibigan ko. These passed few months I feel like I was being restricted to show my craziness and vulnerable side to the public. Tila ba awtomatikong nalimitahan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kailangan ang ipakita kong side sa publiko ay 'yong seryoso at istriktong ako. Dahil kung hindi ay mamaliitin at hindi ako seseryosohin ng mga tao. It has been 4 decades since the last woman president. I am the youngest among the previous leaders. I don't want them to see the Sawyer Administration as a joke, I want them to take me seriously. I needed them to trust me because I will be the only leader who will save the Philippines from its dead end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD