"Cheers to another year of success to the Quiltech Corporation," maligayang sambit ng Presidente ng kompanya.
Mula sa VVIP seat ay tanaw ko ang malawak na ngisi ng buong pamilya ni West. Marahan akong tumango at itinaas ang wine glass ko saka lumingon sa mga katabing importanteng tao rin sa pagdiriwang na ito.
"Cheers," I said then drink the wine.
Nasa tabi ko pa rin si Salazar habang may hawak ding wine glass, samantalang malayo sa akin ang mga kaibigan ko dahil nasa designated seat sila. Napag-alaman kong hindi lamang pala pagiging body guard ko ang ipinunta ni Salazar, he will represent the Carlson Robotech tonight. Kaya naman pala ang ayos niya ngayon ay hindi pang-guard lang, he's wearing dark black tux and a white tie. Napakapormal niyang tingnan, hindi iisipin ninuman na siya ang aking personal guard dahil sa timbre niya.
"Where's Alejandro, hijo? Hindi pa rin ba siya dadalo sa pagdiriwang na ito?" rinig kong usisa ni Mr. Alvarez kay Salazar.
"I am not sure, Sir, Lolo said he would be here tonight, but I doubt that. Ilang pagdiriwang na ng Quiltech Robotics ang hindi niya pinaunlakang daluhan," sagot naman ni Salazar.
Bumunghalit ang malakas na halakhak ng kausap nito nang narinig ang tinuran niya. Maging ako ay napailing na lang, kay tanda na nito ngunit kung makipagkompetensya ay akala mo kabataan.
Buhat nang kilalaning pinakamalaking manufacturer ang Quiltech Robotics, ay pumangalawa na lamang ang Carlson Robotech na siyang pinamumunuan ni Retired Col. Alejandro Salazar. Noong panahong si lolo pa ang nanunungkulan, ay sila pa ang naghahari sa industriya ng pagawaan ng mga makabagong kagamitan dahil sa suportang ibinigay ni lolo sa kanila. Ngayong mas malakas na ang Quiltech, ay hindi ito matanggap ng matanda.
Lumapit sa akin si Sandra at kaagad na bumulong nang nakarating sa tabi ko. Nakita ko pang lumingon sa akin si Salazar habang nakakunot ang noo, "The President of Carlson Robotech just entered the venue. He will be here anytime soon, Ma'am," sambit nito.
Hindi pa man ako nakapagsasalita ay kaagad nang naagaw ang atensyon ng mga panauhin nang bigyang pansin ang pagdating ni Alejandro Salazar. Nakita ko kung paano siya palibutan ng kamera habang diretso ang lakad patungo sa aking direksyon. The way he graces the red carpet, screams authority. His mere presence is enough to silence the whole celebration.
Lahat ng kasamahan ko ay nakatayo habang binabati ang matanda, samantalang nanatili lamang ang malamig kong tingin sa kaniya. Kaagad na umugong ang bulong-bulungan nang naglahad ito sa akin ng kamay. Awtomatikong pumalibot ang security team sa akin nang gawin niya iyon, itinaas ko ang kanang kamay para palayuin ang team.
"Don't be rude, boys. He's not a foe." Tumayo ako at tinanggap ang inilahad na kamay ng matanda kahit ang nais ko talagang gawin sa oras na ito ay tampalin iyon palayo sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi.
"Senior Alejandro Salazar," banggit ko sa pangalan nito. "It's a pleasure to meet you, Sir. I've been dreaming for this scenario to happen. I am very honored to meet the legendary robotic engineer of all generations." I firmly shook his rough hand while a sweet smile is still plastered on my lips.
Kaagad na napuno ng media ang paligid namin para kuhanan kami ng larawang dalawa. It's too rare to see a member of Sawyer and Salazar in one photo, everyone will be dying to see this kind of picture.
"I hope that you are doing great, Miss Sawyer, and congratulations on getting the presidency. I will gladly offer my humble services to help you."
Nakita kong lumakad si Salazar palapit sa miyembro ng security team. Matapos ang ibinulong na utos ay isa-isang nawala ang mga nakapalibot na kamera sa amin, maging ang mga nakiki-usyosong bisita ay pinabalik sa kani-kanilang upuan. Nakatayo sa gilid ko si Sandra habang matamang nakatingin sa kausap ko.
"Thank you for the offer, Sir," sagot ko at saka binalingan ng tingin ang apo niyang ngayon ay nasa tabi ko na. "Malaking tulong na ang iluklok ang apo ninyo bilang head ng security team ko. With Vaughn by my side, I know that my life is not in danger anymore, paano pa kung nariyan din kayo para tulungan ako?" Tumawa ako at nilingon si Salazar.
I tapped his firm shoulder while intensely looking at him. Ibinaling nito ang kaniyang tingin sa akin habang kunot pa rin ang noo.
"I think it will be best if you'll go to a private room to continue your conversation, Madame President. Maraming mga mata ang nakabantay sa inyo ngayon," malamig na sambit nito.
"I agree with him, Ma'am, let me arrange the room for you," singit naman ni Sandra habang nakakunot ang noo sa akin.
"No, I'll set a schedule with Col. Salazar to continue our conversation. Hindi ko gustong agawin ang spotlight ng mga Quilor, after all we're all here to attend their annual celebration, right?" Matapos ang sinabi ko ay umupo na kaming lahat. Nasa VIP table naman ang matanda, may kalayuan sa inuupuan ko. Laking pasasalamat ko nang nalamang hindi rito sa table ko ang designated seat niya.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang bulong sa akin ni Sandra habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya, at saka marahang tumango bago sumagot, "Yes, alam ko rin namang darating siya ngayon kaya nga ako nandito, 'di ba?"
Hindi na muling nagtanong pa si Sandra sa akin nang namatay ang ilaw, tanda ng umpisa na nang eksibisyon ng mga bagong teknolohiyang ilalabas ng Quiltech. Sa t'wing ginaganapin ang annual celebration ng kompanyang ito ay iyon din ang araw ng pagpapakilala nila ng mga bagong imbensyon, kaya naman imbitado ang lahat ng mga mahahalang tao sa Pilipinas.
Lahat ng mga naglalakihang businessmen at tech companies ay dumadalo para bilhin ang kanilang bagong produkto na kanilang ititinda sa publiko, o hindi kaya ay naimbitahan para sa posibleng kolaborasyon.
"Mukhang handa nang tanggapin ni Col. Salazar ang panliligaw ng Quiltech sa Carlson Robotech. Ito ang unang beses na dumalo ang Lolo mo, nabanggit ba ito sa iyo nang Lolo mo, Hijo?" 'Yan lamang ang mga bulungang narinig ko habang diretso akong nakatingin sa harap at mistulang interesado sa eksibisyong nagaganap sa entablado.
Nagawa ko pang uminom ng wine at saka pumalakpak habang mistulang namamangha. Nang magkatinginan kami ni West mula sa table ng pamilya niya ay itinaas niya ang wine glass, ginawa ko rin iyon bilang pagtugon sa kaibigan. He mouthed something I didn't understand, I just shrugged my shoulders as a response to him.
"Senior Col. Salazar will never collaborate with the Quilors. He will rather end his life than build a connection with them," sagot ni Salazar gamit ang malalim na boses.
"Why? Pinangungunahan ba siya ng ego niya?"
Ramdam ko ang titig ni Vaughn sa akin habang kinakausap siya ni Mr. Alvarez. Dahil sa hindi ko na matagalan ang walang habas na pagtitig nito ay kunot ang noo kong ibinaling sa kaniya ang tingin.
"Salazars don't do dirty works, we don't kill our friends just to be on top." Kumalabog ang puso ko nang marinig ang tinuran niya. What does he mean by that? Pinaparatangan ba niyang ganoon ang mga Quilor?!
"We are not like them," diretsong pahayag ni Vaughn at saka umiwas sa akin ng tingin.
Tumayo ito't lumapit sa kanang kamay niya. Kaagad na lumapit ang isang security team sa akin para humalili sa umalis na si Vaughn.
"Akala ko ba hindi 'yon aalis sa tabi ko? Bakit umalis siya at iniwan ako rito?" nakataas ang kilay na tanong ko. Wala namang isinagot sa akin ang lalaking humalili kay Vaughn. Hindi ito umupo sa upuang pinanggalingan ni Salazar, nakatayo lamang ito sa gilid ko habang ang dalawang kamay ay nasa likod.
"What does he mean by that?" bulong ni Sandra sa akin.
Siya lamang ang kaibigang kasama ko ngayon dito sa table. Si Anj, Ellis, at West ay kasama ng kanilang pamilya, they are both mechanical engineers. Si Anj ay nasa Quiltech, habang si Ellis naman ay sa Carlson, pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung bakit hindi pa sinasagot ni Angelic ang kaibigan namin. She wants Ellis to leave his job at Carlson's and transfer to Quiltech, but Ellis refused to do that.
"I don't know, maybe he's just pointing fingers to other people to clear their freaking name. We both know how good Quilors are," sagot ko at saka umiling.
Kilala ko ang pamilya ni West. Mula noong una kong nakilala si Tito Fred ay hindi kailan man ako nito pinagmalupitan. Walang ginawa ang pamilya nila sa akin kun'di puro kabutihan, mula kay Tita Vienna, Kuya Royce, Ate Cheska at maging si West na siyang kaibigan ko pa. They are all humble people, lahat ng mayroon sila ngayon ay bunga ng pagsisikap nila.
Unlike the Salazars, si Alysabeth lamang ang tanging nakisama sa akin nang mabuti. Mula sa ugat hanggang sa pinakabatang puno ay puro mga mapaghangad, hambog at tuso. Buhat ng tangkilin ni lolo ang Quiltech, ay dumalang na ang pagbisita ni Col. Alejandro kay lolo, minsan ko pang naabutan ang pagtatalo nilang dalawa. Ang lakas ng pagsigaw ni Col. sa aking lolo ay hindi kailan man nawala sa aking alaala.
Mga manggagamit lamang sila, kapag tapos na ang serbisyo mo sa kanila ay tatalikuran ka na.
"Mozhet. yest' etot tanets?" Napukaw ang atensyon ko nang naglahad ng kamay si West sa akin.
"Da, ty mozhesh'," sagot ko sa paanyaya niya sa aking sumayaw.
Ipinatong ko ang aking palad sa nakalahad na kamay ng kaibigan. Naglakad kaming dalawa patungo sa dagat ng mga sumasayaw na magkapareha. Ikinawit ko ang aking kamay sa batok niya, habang ang braso naman niya'y nakapaikot sa aking baywang. We were always like this back when we were in Moscow, he's the closest guy to me ever since I left the Philippines for Russia.
"You looked stunning as ever Lhexine," manghang bati sa akin ni West habang mabagal kaming sumasabay sa musika.
"Palagi mo na lang iyang sinasabi sa akin, West. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha kong ito?" tumatawang tanong ko sabay iling.
Ilang taon kaming halos araw-araw na magkasama ni West. I was 13 when I left the Philippines, tatlong araw lamang matapos ang nangyaring trahedya sa mismong selebrasyon ng aking kaaarawan, ay lumipad na ako patungong ibang bansa.
The threat to my safety is too high. Uncle Rhodes immediately brought my a*s out of the Philippines, while Lolo's still in a coma. Half a year have passed before I finally reconnect with my comatose grandfather.
"Sino'ng magsasawa sa 'yo, Lhex? Imposibleng may maumay sa 'yo." Tumawa siya at saka lalong lumapit sa akin. "Ginugulo ka ba ng Salazar na iyon? Kanina pa ako nakatingin sa inyo nang lalaking iyon. Hindi ka niya tinatantanang titigan habang hindi ka nakatingin," bulong niya.
Maging si West pala ay napansin ang pagtitig ng gunggong, ibang klase si Salazar, wagas kung tumitig, akala mo balak na lusawin ako. Ganoon ba katindi ang pagnanais niyang tapusin ang buhay ko? Miski sa pagdiriwang ay hindi itinatago ang tunay na intensyon?
"Just a typical p*****t, alam mo naman kung gaano kalakas ang alindog ko, miski kaaway ay nahahalina," mayabang na sambit ko at saka kumindat pa.
Sabay kaming tumawa ni West sa tinuran ko. I can't believe that I would feel at ease tonight, buong akala ko'y magiging seryoso at pormal ako rito dahil nasa paligid lamang ang mga taong kinasusuklaman ko. Tiyak na kung wala si West ay ibang-iba ang kinalabasan ng pagpunta ko rito. I probably just sit on my presidential seat with those oldies, while talking about my advocacies, plans, and business.
Nakailang palit na ng musika nang may tumikhim sa gilid namin. Sabay kaming lumingon ni West sa taong iyon at napahinto nang nakitang si Vaughn iyon habang nakakunot ang noo.
"What do you need?" tanong ko nang napansing mariin lamang ang titig nito kay West at tila walang balak na magsalita.
Ibinaling nito ang matalim na titig sa akin, ibinaba niya ang tingin sa baywang ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni West.
"I need my date," diretsong sagot nito sa akin. "May I borrow my President, Mr. Quilor? I just want to dance with my date tonight." Mariin ang bawat salitang binitiwan niya nang sabihin iyon.
Lumingon muna sa akin si West habang nakataas ang kilay. Tila ba naguguluhan siya sa tinuran ng lalaking nasa harap namin.
"He's your date? I thought he's just—" Hindi na naituloy ni West ang sasabihin nang alisin ko ang kamay kong nasa batok niya. Kaagad na hinawakan ni Vaughn ang baywang ko at hinatak palapit sa kaniya.
"Yes, I am her date. Do you have any problem with that?" bruskong tanong nito sa kaibigan ko.
Gusto kong salungatin ang tinuran niyang iyon, ngunit nang nakitang may nakatingin na sa aming mga magkapahera rin ay hindi na ako umalma pa. Ayokong maging laman ng usap-usapan bukas, baka isipin pa ng mga taong nakarinig na itinatanggi ko si Vaughn para sa ibang lalaki.
Puno ng media ang pagdiriwang na ito. Isang kuha lang ng larawan at malisyosong headline ay tiyak na magiging iskandalo na ito kinabukasan. Involving the Salazar and Quilor into one picture is not a good thing.
"I'm sorry, West, I'll get back to you later." Lumabas ang maangas na ngisi sa labi ni Salazar nang narinig ang sinabi ko. Hindi na umalma pa ang kaibigan ko, tanging maliit na ngiti lamang ang naging reaksyon niya sa akin.
"Take care," sambit nito bago kami talikuran.
Pagkaalis ni West ay kaagad akong hinila ni Vaughn palapit pang lalo sa kaniya. Halos magkadikit na ang dibdib naming dalawa sa sobrang lapit. He placed his arms around my waist and gently caressed the small of my back as he slowly moves our body to follow the rhythm of the mellow music.
"Why don't you encircle your arms on my nape like how you perfectly did with your boy?" His baritone voice breathes in my ears as he whispered those freaking words.
Ramdam ko ang pagtindig ng balahibo ko nang naramdaman ang mainit na hininga ni Vaughn sa bandang leeg ko. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng reaksyon ang rumehistro sa mukha ko. One thing I am sure of is that my face is extremely red right now.
"Stop hitting on me Salazar, you're making me p**e in disgust!" Mahinang tumawa si Vaughn nang sabihin ko iyon, umiling pa siya na tila ba nawiwili siya sa usapan naming ito.
"Is that the reason why your face is so red and your heart is beating frantically?"
"What's wrong with you? Kanina lang ay nagbabaga ang mga mata mo sa galit, samantalang ngayon ay tila nawiwili kang ako naman ang galitin!" inis na turan ko sa kaniya.
Galit ako kay Vaughn. Kung p'wede lang ay huwag ko na muling makita ang pagmumukha niya. Ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa lalaking ito hindi lang dahil sa ginawa ng pamilya niya sa amin. Mayroon pang mas malalim na dahilan kung saan nanggagaling ang pagkamuhi ko sa kaniya.
I hate his existence, sana ay hindi ko na lamang siya nakilala noon. Sana ay hindi na lamang ako nagtiwala sa kaniya kung alam ko lang na palabas lamang pala ang lahat ng iyon, he used me. He pretended that he was emotionally attached to me, he said we were friends, but what he did to me is not an act of friendship.
"You betrayed me," halos pabulong kang sambit nang muling bumalik sa alaala ko ang ginawa niya sa akin. Ang dahilan kung bakit halos isumpa ko siya.
Hindi man lamang nagsalita si Vaughn nang sabihin ko iyon. Itinigil lang niya ang pagsayaw sa katawan namin, ngunit hindi siya lumayo kahit na kaunti.
"Why did you have to swear to me that you would do everything to find out the truth if you have no intention at all?" I didn't force him to help me. He insisted to help. Nangako siyang anuman ang mangyari ay hahanapin niya ang tunay na may sala sa pagkamatay ng mama at papa ko, pero ano'ng ginawa niya? He didn't help me, he sabotaged everything to ruin my investigation.
"Did you find out something? Who are you trying to protect?!" galit na tanong ko habang nangingilid ang luha.
Ayokong umiyak pero hindi ko mapigil ang pamumula ng mata. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon dahil sa galit. Sa t'wing naaalala ko ang bagay na ito ay nanginginig pa rin ang laman ko sa galit.
"Manuela," nanghihinang tawag nito sa akin. Mula sa pagkakahawak sa baywang ko ay dahan-dahang itinaas niya ang kaliwang kamay para hawakan ang mukha ko.
"D-don't call me that," nanghihinang sambit ko habang nakatitig ng diretso sa mata niya. I want him to see the rage in my eyes. I want him to feel my endless wrath, my disgust.
"I'm sorry, hindi ko intensyong saktan ka." Sarkastikong tawa ang pinakawalan ko. Hindi makapaniwalang tingin ang itinapon ko sa kaniya. "Stop trying to justify your actions Vaughn, malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawa mong pagtataksil sa akin."
Ano man ang sabihin niya ay sarado na ang tainga ko. Hindi na ako tumatanggap ng kung ano man na eksplanasyon mula sa kaniya, what he did is enough proof of his disloyalty. Hindi ko kailangan ng ganoong uri na tao sa buhay ko.
I refuse to entertain toxicity in my life. True friends don't leave their friends behind just to save their asses.