ISANG malakas na sampal ang iginawad ko sa lalaki. Pumaling ang mukha nito pakanan dahil sa lakas ng aking hagupit sa kaniyang pisngi. Tumulo ang dugo mula sa labi niyang may maliit na sugat, ang pawis din niya ay nag-uunahan sa pagbagsak mula sa noo hanggang sa kaniyang leeg.
Halos apat na oras na kami rito sa loob ng aking opisina. Nasa bahay na ako at kasama ko ang aking security team, maging ang lider ng mga bandidong grupo na namaril sa amin kanina. Nakagapos ito at may bahid ng dugo ang kaniyang noo dahil sa ginawang pagpukpok ng b***l ni Vaughn sa kaniya.
Matalim ang kaniyang tingin sa akin habang ang paghinga ay malalim. Wala talaga siyang balak na magsalita, kanina pa namin ito pinapaamin, ngunit masyadong tikom ang kaniyang bibig. Masyadong p**********p at pananakot na ang ginawa sa kaniya, pero hindi man lamang siya nasindak. Buong tapang niyang sinangga ang lahat ng suntok, sipa at sampal ko. Whoever hired this man must be a realshit. He trained him well, taught him enough on how shut his freaking mouth!
"Hindi ka talaga magsasalita? Naiinip na ako at nawawalan ng pasensya," sambit ko habang sinusuri ang b***l na hawak ko. "Don't wait till I completely lose my damn patience or you'll gonna regret it," dugtong ko pa.
Ang haba na ng oras na iginugol ko sa kaniya. Hindi puwedeng wala akong makatas na kahit kaunting impormasyon sa gagong ito!
"Salazar!" malakas na tawag ko kay Vaughn na kasalukuyang nakasandal sa barandilya ng balkonahe ng aking opisina.
Tamad itong lumakad palapit sa kinatatayuan ko. Iniabot ko sa kaniya ang hawak kong b***l nang hindi siya binabalingan. "Iabot mo nga sa akin ang stapler ko."
Mula sa peripheral vision ay nakita kong kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagtatakha. Sumunod naman siya sa aking inutos, lumakad siya palapit sa lamesa ko at kinuha ang malaking stapler.
"Here," malalim na sambit nito.
Ngumisi ako at saka padaskol na kinuha sa kamay niya ang stapler. Ngumuso ako sa lalaking masama pa rin ang tingin sa akin.
"Dahil wala ka pa yata sa mood na magsalita. . ." Pinutol ko ang aking sinasabi nang kalutkutin ko ang stapler para makita kung may bala ba ito. Nang makita mayroon ay mas lalo akong ngumisi at mahinang humagikgik pa.
"Then, I am not gonna force you anymore. Hindi ko naman ugaling pilitin ang isang tao kapag alam kong labag sa loob niyang gawin ang inuutos ko."
Ibinaling ko ang tingin ko kay Vaughn, nakatayo pa rin ito sa aking tabi at tila naghihintay sa sunod kong iuutos.
"Do you think it's a good idea if I'll close his mouth for the mean time, Salazar? You know, baka kasi mag-ingay siya at may makarinig pa sa kaniya." Tumaas baba ang kilay ko habang sinasabi iyon.
Walang pagdadalawang isip na kinuha ni Vaughn ang malaking stapler sa aking kamay. Humakbang siya palapit sa lalaki at walang pag-iingat na hinatak ang buhok nito palapit sa kaniya.
"A...a-nong gagawin mo?" kabadong tanong nito kay Vaughn.
Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang mabakas ang kaba sa boses nito.
"Marunong ka naman palang magsalita, bakit kailangang ngayon lang kung kailan wala na akong ganang makinig sa sasabihin mo?" nang-uuyam na sambit ko.
"Kumain ka naman siguro bago n'yo kami pinagbabaril kanina, right?" taas ang kilay na tanong ko.
Mas lalong bumakas ang takot sa mukha niya. Ngayon ay halos mamutla siya nang siguro'y nakuha ang naiisipan kong gawin sa kaniya. "Oh, bakit namutla ka yata bigla? Pagbibigyan lang naman kita sa gusto mong mangyari. Hindi ba't ayaw mo namang magsalita? Kaya ayan, isasarado ko pansamantala ang bibig mo."
Tumango ako kay Vaughn bilang senyales na maaari na niyang gawin ang pag-stapler sa bibig ng lalaki. Kung ayaw niyang magsalita, pwes, pagbibigyan ko siya. Enjoy-in niya ang katahimikang gusto niya!
"Hmm. . . hmm. . . hmm," ungol nito nang tuluyang maisarado ang bibig niya.
Dahil sa nakagapos ang kamay at paa nito sa bangko na inuupuan niya ay wala siyang nagawa. Hindi ito nakapanlaban kay Vaughn at sa kasama nito nang pagtulungan siya ng mga ito habang ini-stapler ang bunganga niya.
Nakuha ko pang manghingi ng alak habang pinapanood ang pagdurusa ng lalaki. Pawis na pawis siya habang nagwawala sa kaniyang upuan. Dahil sa sobrang paggalaw ay tuluyang nabuwal ang bangko.
Nakahiga siya nang patagilid sa sahig habang ang bibig ay tadtad ng stapler. Nang matitigan ko ang mata nito ay kahit kaunting awa wala akong naramdaman. Pilit kong hinanap ang habag sa aking kaloob-looban, ngunit talagang hindi ko ito matagpuan sa akin.
"Sa lahat naman kasi ng lugar na guguluhin ninyo ako, bakit sa nananahimik na himlayan pa ng mga magulang ko ang napili ninyo?"
Walang kapatawaran ang kalapastanganang ginawa nila. Pasalamat na lang ang iba niyang mga kasama at namatay na sila kanina, dahil kung hindi ay mas masakit ang mararamdaman nila sa kamay ko.
"Paniguradong laman na ako ngayon ng balita. Mahirap itago sa publiko ang ginawa ninyong katangahan." Umirap ako at nilagok ang alak. "Kung sa bagay, hindi ko naman kailangang itago. Mas mabuti nga kung malalaman ng iba para mas mapadali ang paghanap kung sino nga ba ang tunay na nag-utos sa inyo na iligpit ako."
Imposibleng itong lalaking ito lamang ang pasimuno ng pamamaril sa akin.
"Hanga rin ako sa boss ninyo, mahusay magpatahimik ng aso!" Tumawa ako at saka pumalakpak pa.
Umiiling-iling pa ako na tila ba galak na galak. Sa kalagitnaan ng pagtawa ko'y lumapit sa akin si Vaughn at bumulong, "Nariyan si Sandra kasama si Mr. Theofilo Mendez. Naghihintay sila sa 'yo sa baba."
Mahigpit kong ipinagbilin na huwag magpapapasok ng kahit na sino. Kahit na si Sandra ay hindi ko pinayagang makapasok ngayon sa aking opisina habang ini-interrogate ko ang gagong lalaking ito.
Sinenyasan kong lumapit sa akin ang tatlong lalaking nakatayo sa pinto ng opisina. Agad silang lumapit sa akin. "Itayo n'yo yan," utos ko.
Walang pag-aalinlangan nilang sinunod ang utos ko. Pilit pa ring nagwawala ang lalaki at halos hindi siya makatayo dahil sa sobrang panghihina.
"Anong gagawin mo sa kaniya?" tanong ni Vaughn gamit ang mahinang boses.
"If you're gonna tell me to give him to the law enforcement agents, then, my answer is no."
I'll keep this bastard with me. Hindi siya makaaaalis sa puder ko hangga't wala akong nakakatas sa kaniya.
"I will keep him as long as I need to. Hindi ko alam kung sinong nag-utos sa kaniya para iligpit ako. Kung isusuko ko siya sa mga pulis o kahit sa National Defense Committee, tiyak na hindi ko makukuha ang kailangan ko sa kaniya!"
Kung malaking tao ang nasa likod ng pamamaril sa akin, madali lang para sa kaniyang iligpit ang lalaking ito. Kung may lakas siya ng loob na ipapatay ako, paano pa ang pagligpit sa kalat na maaaring magturo sa kaniya?
"I'm not gonna ask you to do that, Madame President." Binaling niya saglit ang tingin sa lalaki at saka muling ibinalik sa akin ang seryosong tingin.
"Alam ko kung ano ang inaalala mo and I agree with you. Hindi natin siya p'wedeng ibigay sa mga pulis o kahit sa iba pang ahensya na may kaugnayan sa terorismo."
Hindi ko mapigilang itago ang pagkagulat sa aking ekspresyon. Hindi ko inaasahang kakampihan niya ako sa pagkakataong ito. Palagi kasi siyang tumataliwas sa aking suhestiyon, anong sumanib sa kaniya ngayon at umayon siya sa akin?
"Do you have any place in mind where we could hide him? Somewhere safe, somewhere that is off the radar of anyone," dugtong pa nito.
Nag-aalinlangan pa ako kung maniniwala ba ako sa inuusal niya ngayon. Seryoso ba siya?
"Iniisip kong sa basement na lang ng mansyon ni Lolo. Walang nagpupunta ro'n liban sa akin."
Kalagitnaan pa lang ng sinasabi ko ay umiiling na si Vaughn.
"Hindi p'wede, tiyak na agad siyang matutunton do'n. Dapat ay sa lugar na maging ikaw ay hindi mo iisiping naroon siya."
Sa unang pagkakataon ay sumang-ayon ako sa kaniya. Minsan ay may laman din pala ang utak nitong gunggong na 'to. Mula noon kasi ay puro kabalastugan lang ang laman ng kokote ni Salazar, puro pambubuyo o mga salitang walang saysay.
"Where could it be, then?" Kunot ang aking noo habang direktang nakatingin sa mata ni Vaughn.
"Let me handle him for now. Mamaya mo na isipin kung saan mo siya itatago dahil kailangan mo nang babain si Mr. Theofilo ngayon."
Saka ko lang naalala na naghihintay nga pala sa akin ang sekretarya ni Lolo. Kung bakit kasi sa lahat ng panahon na nagdaan ay ngayon pa niya naisipang puntahan ako, kung kailan may importante akong inaayos. Kakaiba talaga ang timing ng matandang hukluban na iyon!
Naglakad ako palapit sa tatlong security team na may hawak sa bihag namin. Nanliliit ang aking mata nang hawakan ko ang baba nito at ipinaling ang mukha patagilid.
Ibinaon ko ang matulis kong kuko sa balat niya. Sinigurado kong magsusugat iyon sa oras na pakawalan ko ito mula sa aking hawak.
"Hindi pa ako tapos sa 'yo, hintayin mo ako dahil maglalaro pa tayo." Nanlalaki ang mata ko sa diin ng pagkakasambit ko no'n.
"Babalikan kita at lulumpuhin. Dudurugin ko ang bawat buto mo sa katawan hanggang sa magsalita ka. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo," sambit ko at saka padarag na binitiwan ang mukha niya.
Naglakad na ako palabas ng aking opisina. Naiwan sa loob ang tatlong security team dahil sumunod sa akin si Vaughn hanggang sa labas ng silid.
"Bantayan mo nang maigi 'yan, kung may makakatas kang impormasyon sa kaniya ay gawin mo. Kung wala naman ay pahirapan mo na lang, huwag mong hahayaang makatakas pa 'yan."
"Yes, ma'am."
Hindi ko alam kung bakit, pero kahit na seryoso naman ang ipinapakitang ekspresyon ni Vaughn ngayon sa harap ko, pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ako. Para bang naririnig ko ang pambubuyo niya sa isip ko ngayon.
"Siguraduhin mo lang, kundi, ikaw ang malilintikan sa akin!"
Nang sabihin ko iyon ay nakita ko ang pagnguso ni Vaughn. Saglit din niyang ipinaling ang mukha sa gilid at piniga ang ilong at saka tumikhim. Sabi ko na, eh! Pinagtatawanan talaga ako nitong gagong 'to sa isip niya!
Ganitong-ganito ang galaw niya sa t'wing nagpipigil ng malademonyong tawa. Iyong tipong kahit na seryoso ang ipinapakitang mukha, may pakunot ng noo ang arte ay pinagtatawanan ka na sa isip!
Dahil sa inis ay agad kong sinipa ang tuhod ng gago. Napaaray siya sa sakit dahil do'n. Ha, buti nga sa kaniya!
"Anong nakakatawa sa sinabi ko? Bakit mo ako pinagtatawanan, ha?"
Mas lalong nanlaki ang mata ko sa inis sa kaniya nang ngumuso siya. Kinagat pa ang ibabang labi para pigilan ang paglitaw ng malapad na ngisi.
"What are you saying? Hindi kita pinagtatawanan!"
"Lolo mo! Wala kang mauuto rito, Salazar, kilalang-kilala kita. 'Yang mukha mong 'yan pati 'yong mga galaw mo ay basang-basa ko." Tumaas ang kilay ko at saka ko ikinrus ang kamay sa dibdib. "May nakakatawa ba sa nangyayari?"
Matapos kong sabihin iyon ay tuluyan na ngang bumunghalit ang tawa nito. Sa sobrang lakas niyon ay tiyak kong rinig sa buong palapag nitong bahay.
Nagawa pa niyang humawak sa balikat ko habang ang ang isang kamay ay nasa tiyan niya. Tuwang-tuwa siya at naluluha pa nga dahil sa sobrang saya. Umiiling-iling na akala mo'y kanina pa talaga niya gustong humalakhak nang ganito.
"Putangina?" malutong na mura ko sa kaniya nang ilang minuto na ay hindi pa rin malubay sa katatawa.
So ano? Masayang-masaya talaga siya at buong araw akong pagtatawanan, gano'n ba? Ang lokong ito ginawa pa yata akong entertainment niya!
"Lulubay ka sa katatawa o lalagasin ko 'yang ngipin mo?" inis na sambit ko habang ang kilay ay halos magsalubong na sa pagkakakunot.
"Pft. . . okay, okay I'll stop."
Itinaas pa niya ang dalawang kamay na akala mo'y sumusuko talaga. Isang malakas na tawa pa muna ang pinakawalan bago tuluyang humupa ang ligaya sa katawan ni Salazar. Nang matigil sa katatawa ay nagpunas siya ng luha at saka tumikhim para maibalik ang dating postura.
"Okay ka na?" sarkastikong tanong ko habang nakataas ang kilay.
Tumango siya sa akin. Wala nang bakas ng katatawanan sa mukha niya. Balik sa pagiging stoic ang ekpresyon niya habang nakatindig na akala mo ay hindi ako ininsulto sa pamamagitan ng tawa niya.
"Anong nakakatawa sa nangyari? Masaya kang may nagtangka sa buhay ko, gano'n? O masaya ka dahil nalaman mong bukod sa pamilya ninyo ay may iba pang naghahangad na makita ako bilang isang malamig na bangkay?"
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtawa ni Vaughn. Wala namang nakakatawa sa sitwasyong ito, pero nagawa pa niyang humalakhak nang ganoon. Hindi ba't kabastusan iyon?
If he was on my shoes, will he still laugh the same knowing that there's someone trying to take him down?
"Hindi sa gano'n, Madame President. Nanibago lang ako sa inyo, this is the first time I saw your brutality. Hindi ako sanay," kaswal ngunit seryosong sagot nito.
"Bakit? What façade do you often see me as? Kind, warm, and sweet?"
Umiling ito sa akin. "Genuine and authentic leader," he calmly said.
Without any hesitation he dragged me closer to him. "W...w-hat do you mean?"
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kumikirot ang puso ko. Pinakiramdaman ko ang puso ko kung kumakabog ba ito nang malakas, ngunit wala akong naramdamang dagundong. Saan nagmumula itong kakaibang nararamdaman ko kung normal naman ang t***k ng puso ko ngayon?
Hindi ko maintindihan kung bakit, pero halos wala akong maramdamang t***k ng puso sa akin. Hindi ito tulad noon na kapag nalalapit ako kay Vaughn ay parang sasabog sa lakas ng kabog ang dibdib ko. Bakit ngayon, wala?
"Your authenticity of living in the moment with conviction and confidence. You have this façade of staying true to yourself even if you are facing your enemy. How can you act like a great and genuine warrior at all times?"
His beautiful gray eyes were watching me closely. He was showering me with his hypnotic stares from my eyes down to my nose and to my slightly, parted lips. Itinaas niya ang kaniyang daliri patungo sa aking labi. He gracefully traced my lips without breaking our eye contact.
My breathing hitched when he tilted his head sideways, then advanced himself near my face. I abruptly closed my eyes because of that. I don't know why, but it feels so right. Para bang ang gaan sa pakiramdam na ganito kami kalapit sa isa't isa.
"How can you do such breathtaking moves on me, baby? How can you possibly melt me even if you're not really here with me?"
Hindi ko maunawaan ang kaniyang sinasabi. Gustuhin ko mang pag-isipan ang kaniyang tinuran ay hindi ko magawa. Masyadong magulo ang isip ko ngayon, wala akong kakayahang mag-isip nang matino dahil ang tanging laman lamang ng isip ko ngayon ay ang mapang-akit na labi ni Vaughn Cohen Salazar.
I wonder how soft those freaking red lips of his? Does he know how to kiss tenderly despite his rough features?
"Won't you get mad at me if I kiss this girl? I really wanna kiss you right now, my president."
I don't know what's gotten into me, but as I continuously listened to his words, I can't help but feel sad and hurt. I can feel his misery and longing for someone.
"W...w-hy are you so sad, Vaughn?"
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang malambing ngunit punong-puno ng sakit na boses na 'yon. Halos 'di ko makilala ang tinig kong iyon, parang hindi ako. I never thought that I am capable of making that kind of voice, sweet and soft. Parang kay Mama.
"Because I miss my president so much. I miss my Manuela," basag ang boses na tugon ni Vaughn.
Why do you miss me, Vaughn? Narito lang naman ako?
Gusto ko sanang sabihin iyon, ngunit nawalan na ako ng lakas at hindi ko na rin mahagilap pa ang boses ko nang mas lalo niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Nagtatama na ang aming mga ilong, masyado na ring malapit ang aming katawan. Tiyak na kung may makakakita sa amin ngayon ay mai-issue kaming dalawa, pero wala akong planong putulin ito.
Hindi ko mahanap ang kagustuhang itulak si Vaughn palayo sa akin, sa halip ay gusto ko pa siyang yakapin nang mahigpit palapit. I want to envelop him in my arms, what the hell is wrong with me?
"I want to kiss my Manuela," bulong ni Vaughn kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha.
Walang pagdadalawag isip na hinatak ko siya palapit sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mata at itinulak ang sarili para salubungin ang labi niya ng aking labi.
Yes, I kissed him. I kissed Vaughn Cohen Salazar the moment I felt his tears on my cheeks.
I know it isn't me whom he's longing for, it isn't me whom he wants to kiss right now. But I still kissed him because it feels so right.