The Art of Killing

1799 Words
"I heard what happened at the cemetery. How are you?" The old man maintained his stoic expression as he spoke using his deep voice. Mr. Theofilo Mendez is the well-known secretary of Senior President Sawyer, his phlegmatic personality was too hard to forget. Everyone knew him for being my grandfather's loyal apostle. Matagal na panahon na nang huli kong makita sa personal ang lalaking ito. Buhat yata nang mapunta ako sa Russia ay hindi ko na siya muli pang nakasama nang personal. I only see him on the holographic screen every time he updates me about Lolo's condition. "I'm fine. Wala kang dapat na ipag-alala, Mr. Theofilo," sagot ko sa matandang prenteng nakaupo sa aking sofa. He is with Sandra, his nephew. Katulad ng pamangkin niya ay seryoso at walang bakas ng pagbibiro ang mukha nito. Diretso lamang ng tingin sa akin ni Sandra habang masinsing umiinom ng malamig na pineapple juice. Tumaas ang kilay niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Mabilis kong binawi ang aking tingin mula sa kaniya. Nakaramdam ako ng hindi inaasahang ilang nang sumagi sa isip ko ang ginawa ko kanina kay Vaughn. Ngayon ko lang naisip na maaaring si Sandra ang tinutukoy ni Vaughn kanina. Tumikhim ako at marahang umiling. Pinilit kong sipain paalis sa sistema ko ang pait nanamumuo sa aking lalamunan dahil sa naisip. "You look old. I almost didn't recognize you. Masyado ka bang pinapahirapan ni Lolo?" I said like it's a matter of fact. Hindi ko na binalingan pa ng tingin ang gawi ni Sandra. I don't want to think that I am starting to feel something strange to Vaughn. Kung tunay na may namamagitan sa kanilang dalawa, ayaw kong sirain iyon. Isa pa, hindi ako maaaring makaramdam ng kahit na ano sa lalaking iyon! Sinuri ko nang maigi ang matandang kaharap ko. Ibang-iba na talaga ang hitsura niya, I don't remember him being this old. He was still the composed and well-built, middle aged man in my memories. But right now, he already has a fringe of gray-white hair around his balding, flecked scalp. The light from the chandelier illuminated his tired, worn face, wrinkles boring deeply into his skin. "It's good to hear that. Have you seen the news?" He completely ignored my insult like it does not affect him even a bit. Umirap ako sa kaniya at bahagyang ngumuso. "Not yet. Pero alam ko namang ako ang laman ng balita ngayon, paniguradong maging sa mga social networking sites ay trending din ako." "Why are you here, anyway? Alam kong hindi ka narito para lang tanungin kung kumusta ako. You are never the affectionate type of person to me," dagdag na tanong ko pa. Nawala ang atensyon ko sa matandang kausap nang makita kong tumayo si Sandra mula sa pagkakaupo. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong umakyat siya sa ikalawang palapag ng aking bahay. Mula sa second floor, nakita kong nakatayo si Vaughn habang matamang nakatingin sa akin. Mahigpit ang hawak nito sa barandilya at halos magtagis ang bagang. Ramdam ko ang agarang pag-init ng aking pisngi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng hiya kay Vaughn. Tumayo ako at lumakad patungo kay Mr. Theofilo, tumaas ang kilay nito sa akin na tila ba nagtatakha sa aking biglaang pagtayo. Nanliit ang mata nito nang mapansin ang pagkabalisa sa aking kilos, nasisigurado kong pansin din niya ang pamumula ng aking pisngi maging ng aking leeg! "Why don't we go to the garden? Mas maganda ro'n at mas maaliwalas. Let's go," yaya ko sa matanda at saka hinawakan pa ang kamay nito para tulungan siyang tumayo. Hindi ko yata kayang manatili rito kung alam kong nasa paligid lang si Vaughn. Ayaw ko ring makaramdam pa ng pait sa aking sistema sa oras na makita kong magkatabi at nagbubulungan silang dalawa ni Sandra. Whatever they have in between, I don't care. Tahimik kaming naglalakad ni Mr. Theofilo patungo sa labas ng bahay. Inutusan ko pa ang ilang bodyguards ni Mr. Theofilo na huwag magpapapunta ng kahit na sino sa garden, I specifically mentioned Sandra and Vaughn. "Why did you bring that goon in here? You should have surrendered him to the authority." Direkta sa akin ang tingin ni Mr. Theofilo. Nakuha ko agad ang nais niyang sabihin. Hindi na ako nagtakha pa nang malamang alam niya na nasa puder ko ang lalaki. Maraming galamay ang matandang ito, imposibleng hindi niya malaman agad. Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit siya naparito. "He's a dangerous person. You shouldn't keep him near you. Sa oras na makahanap siya ng pagkakataon ay paniguradong totodasin ka niya," dagdag pa nito sa akin. Umiling ako sa matanda. I understand his sentiments, but I can't just surrender the bastard to the authorities. I need to keep him until I get something from him! "I will keep him until he tell me who ordered him to kill me." "Then let the NBI do the investigation and interrogation!" matigas na sambit nito sa akin. Padarag niyang binitiwan ang basong may lamang alak sa marmol na lamesa. Lumikha ito ng maingay na tunog sa pagitan naming dalawa. "You are the leader of this country. The president of millions of Filipinos, you need to be careful in everything you do. One mistake and you might put the country at stake!" "You don't think that I am still the careless and fragile kid before, do you?" May bahid ng pagkainsulto ang tono ko nang sabihin ko iyon. Base sa kaniyang sinasabi ay para bang iniisip niyang nagpapadalos-dalos ako sa aking mga desisyon. He always see me as an incapable granddaughter of his president. He never liked me. Akala ko sa paglipas ng panahon ay mababago iyon, ngunit tila kahit na anong gawin ko ay hindi ko na maiiba pa ang opinyon sa akin ng matandang ito. "I just want you to be like your grandfather, Miss Lhexine. I don't want you to lose on your track while trying to chase something that's off limit to you." Nanliit ang aking mata dahil sa sinabi nito. "I am trying to be a good leader to the Filipinos, you don't know hard I try to act like one. Pero kahit na anong gawin ko. . ." Unexpected tears fell from my eyes, what the heck am I crying for? "I can't be like him. I am not yet good enough like Senior President Felix Sawyer, but believe me that I am doing my best. I am not just slacking off my position, I am working to be a great leader. Give me time to improve and chance to prove that I am also capable," mahabang sambit ko. Hindi ko akalain na sa muli naming pagkikita ni Mr. Theofilo ay magiging ganito ako kaemosyonal. Kahihiyan para kay General Theodore Rhodes ang aking pagluha, he taught me to be a brave soul. He called me the lioness of his chosen battalion because of I never slack, I am always the fierce and ruthless one among his descendants. Yet, here I am, weeping like a wounded soldier. Tumayo si Mr. Theofilo at lumakad palapit sa akin. Without any visible emotion on his eyes, he tapped my shoulders. "I only want what's best for you, because after all, you are still the only granddaughter of my president," he breathed those words in his stern voice. Pinutol nang sunod-sunod na tunog ng kaniyang cell phone ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Direkta niya muna akong tinitigan, halos nanginig ako nang makita kong kumislap ang mga mata niya. Kakaibang kislap iyon na tila ba nagpapahiwatig ng isang bagay. Without breaking our eye-contact he accepted the call, muffled sound from the other line can be heard. I creased my brows in confusion. It was Sandra on the other line. "Hmm! Hmm!" Nanlaki ang aking mata nang maisip na maaaring ang bihag namin iyon. Bakit tumatawag pa si Sandra? At bakit kasama niya ang lalaking iyon? Inilipat ko ang tingin kay Mr. Theofilo, malamig pa rin ang ekspresyon nito. Walang kahit na anong mababakas sa kaniya. "Masyado kang matigas, ayaw mo talagang tumahol?" Ang boses ni Sandra ay naririnig ko. Ibang-iba ang tono nito, para bang kanina pa siya nagpipigil ng galit. Kumaluskos ang panibagong ingay mula sa kabilang linya, tila ba pinagpupukpok nila ang lalaki base sa naririnig kong daing nito. "Let's stop wasting our time, Sandra, if he really won't speak, then, kill him." The clicking of a g*n registered on the line, it was then followed by a shrieking voice of the man. He's muffling inaudible sounds, his screams sounded like he's in deep pain. I wonder what Sandra's doing to t*****e him. "Yes, Sire!" Sandra answered like she's too excited to kill the man. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Mr. Theofilo, hindi ako makapaniwalang hinayaan niya itong mangyari. Siya pa talaga ang nagsabi kay Sandra na tapusin na ito. I am about to run inside the mansion to stop Sandra from killing the man when Mr. Theofilo's tight grip stopped me from moving. He placed his index fingers in between his lips as if he's asking me to stay quiet. Few milliseconds passed, I heard another snick sound of the g*n from the other line. "Oh! Kakanta ka rin pala, eh," naaaliw na sambit ni Sandra. I imagined her on her scary grins in front of the man with a g*n pointed on the forehead of that poor bastard. "Umihi ka pa talaga rito. Dahil ba 'yan sa sobrang takot? Nabahag ang buntot ng aso!" Bumunghalit ang halakhak ng mga kasama ni Sandra. "Good job, Sandra. Ngayon, katasin n'yo na ang nalalaman niyan at saka ninyo iligpit." Iyon ang huling sinambit ni Mr. Theofilo bago niya pinatay ang tawag. Saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag nang matapos ang tawagang iyon. Para akong tumakbo nang ilang milya dahil sa ginawa kong paghahabol ng hininga. Matalim kong ipinukol ang aking tingin sa matandang kasama ko. I can't believe that he's this brutal! "If you want to gain something, then be ready to do everything. Don't just pretend to be someone who's capable of killing, but be someone who can actually pull the trigger if necessary," mariing sabi sa akin ni Mr. Theofilo habang ang mata ay direktang nakatitig sakin. "The only thing your grandfather lacked is the ability to kill. He's an empathetic person, never failed to think about what's good and what's best regardless of who and what the opponent is." Mas lalong dumilim ang tingin ng matanda sa akin. Sumingkit ang mata nito at bahagyang inilapit ang kaniyang mukha para bumulong, "Iyon ang dapat na malampasan mo. Naniniwala ako sa abilidad mo bilang isang lider. But if you aim to be the greatest among the previous leaders, you must master the art of killing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD