HALOS hindi maimulat ni Glanys ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto ang mga iyon mula sa pag-iyak niya nang magdamag. Hindi siya nakatulog kahit na isang segundo. Nang mag-umpisang sumikat ang araw ay pinilit niya ang kanyang sarili na bumangon, ngunit ayaw sumunod ng katawan niya.
Nanatili siyang nakahiga sa kanyang kama. Wala siyang makapang pag-asa sa puso niya. Adam had simply left. Malamang na mamaya lang ay tuluyan na siyang iiwan nito. Babalik na ito sa lungsod, sa dati nitong buhay. Maghahanap ito ng ibang babae na hindi nabuntis ng high school teacher.
Muling dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Bakit ba niya naisip na iba ito? Bakit ba siya umasa? She knew that falling in love was painful, but she had still let herself fall. Tanga nga yata siyang talaga. Nagpabiktima na naman siya sa ikalawang pagkakataon. Nasaktan na naman siya nang labis.
Mabubuo pa bang muli ang kanyang puso sa pagkakataong ito?
Napapitlag siya nang makarinig siya ng katok. Nanatili siya sa higaan at hindi kumilos. Wala siyang pakialam kung sinuman ang kumakatok sa pintuan niya. Wala siyang lakas upang tumayo. Ni hindi niya mapahiran ang kanyang mga luha. She was miserable.
Kahit pa ang lola niya ang nasa pintuan, wala siyang pakialam. Kahit na ayaw niyang makita siya nitong nagkakaganoon muli, hindi pa rin niya mapilit ang kanyang sarili na tumayo at pagbuksan ang kumakatok.
Pagkalipas ng ilang sandali ay unti-unting bumukas ang pintuan niya. Hindi siya nag-abalang mag-angat ng paningin upang malaman kung sino ang pumasok sa silid niya. Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata.
Naramdaman niya ang paglundo ng kama. May kung anong bagay na inilapag sa malapit sa mukha niya. May kaaya-ayang amoy na nanuot sa ilong niya. Pagdilat niya ay mga orkidyas na iba’t iba ang kulay ang kanyang unang nakita.
Naramdaman niya ang pamilyar na mga labi ni Adam na humahalik-halik sa kanya. “I’m sorry I left you last night,” anito sa mahinang tinig. He softly kissed her ear. “I love you, Glanys Robin.”
Hope and happiness filled her whole being. Naiyak siya ngunit sa pagkakataong ito ay dahil sa kaligayahan. He loved her!
He gently gathered her into his arms. Sandali nitong hinayaan na umiyak siya. He dried her tears with his lips. “Tahan na. Namumugto na ang mga mata mo. You’re not going to lose me, Glanys. I love you so much.”
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg nito. “I thought...” She sobbed.
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. “Hindi ako nakatulog, alam mo ba? I kept on thinking about the past, about the stupid things I did in my life. I made out with groupies all the time. I had so many one-night stands during tours. There were so many girls I didn’t respect. All I wanted was to hook up, get laid. Napagtanto ko, sino ako para maging mapanghusga? I am far from being a saint. Sino ako para maging maselan, para maapektuhan nang husto? Hindi na rin naman ako virgin. For all I know, I may have fathered children.
“Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Lahat ng tao ay nakakagawa ng maling desisyon sa buhay nila. Nobody is perfect. Na-realize ko na hindi naman talaga nagbago ang nararamdaman ko. I guess I was just shocked. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa `yo. Alam kong mas minahal pa kita pagkatapos kong malaman ang lahat.”
“Adam...” Sana ay hindi panaginip ang lahat. Hindi niya kakayanin kung binibiro lang siya ng Diyos. She badly wanted this. She badly wanted Adam.
“You don’t have to forget everything. I don’t want you to forget your baby. Kailangan ko lang tanggapin na wala na akong mababago sa nakaraan. The past is part of who you are. I want to love everything about you, Glanys. Yayakapin at mamahalin ko nang buong-buo ang buo mong pagkatao. I’m not perfect, you know. I hope you can also embrace my imperfections.”
Hindi na nito kailangang hilingin iyon sa kanya. Mamahalin din niya ang buong pagkatao nito. Hindi niya hihilingin na palitan nito ang mga colored brief nito o tigilan nito ang paninigarilyo dahil parte iyon ng pagkatao nito. Parte iyon ng lalaking mahal na mahal niya. Mariin niyang hinagkan ang mga labi nito. “I love you, too. I love you so fuckin’ much.”
He laughed. “Don’t say the F word again. Hindi bagay.”
Napangiti na rin siya. Napatingin siya sa mga bulaklak na dala-dala nito. Sa unang tingin pa lang ay alam na niyang galing sa greenhouse ang mga iyon. “Nagpaalam ka ba kay Lola Ancia?”
Nakagat nito ang ibabang labi nito. “Masama bang magalit ang lola mo?”
“Lagot ka,” nakangiting tudyo niya na tila hindi siya umiiyak at miserableng-miserable kanina. Adam could make her happy in instant. She deserved to be happy. Everyone owed themselves some happiness.
HINDI na nagulat si Glanys sa dami ng mga taong dumalo sa kickoff concert ng Asian tour ng Merry Men sa Pilipinas. Adam had always been amazing at hindi nagmamaliw ang suporta ng mga Pilipino rito at sa banda nito.
Nakilala na niya ang mga kabanda nito pagdating ng mga ito sa bansa. Lahat ng mga ito ay mababait sa kanya. Ramdam niyang tanggap na siya ng mga ito bilang seryosong nobya ni Adam.
Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nagiging masaya sa relasyon nilang dalawa. Naipakilala na niya ito sa buong pamilya niya. Kinausap nila ang Lolo Aurelio niya. Hindi siya humingi ng paumanhin. Hiningi niya ang pang-unawa nito. Hindi sila ni Adler ang nakatadhana para sa isa’t isa. Alam niyang disappointed ito sa nangyari, ngunit wala silang magagawa ni Adler sa kinahinatnan ng lahat.
“It doesn’t really matter,” anang lolo niya sa kaswal na tinig. Prente itong nakaupo at nakatingin sa kanila ni Adam. “Ang importante ay tuluyan ka nang nakaahon.”
She felt a strong urge to hug him tight. Siyempre ay hindi niya ginawa iyon. Pagagalitan siya nito. Alam niya na hindi ito sanay sa pisikal na pagpapakita ng pagmamahal. Noon lang niya napagtanto kung gaano siya kamahal ng abuelo niya. He wanted her to get over the past. He wanted her to be happy. Hindi dahil sa negosyo kaya siya nito naisipang ipakasal kay Adler.
She was thankful to him because she found Adam.
He was so amazing on stage. Napakaganda ng tinig nito. He even sang a couple of Tagalog songs.
She was so proud of Adam. Nasa malapit sa stage siya nakapuwesto. Kasama niya sina Adler at Kiyora. Merry Men was bringing the house down. Everyone was having fun—especially Adam. He was sweaty and his hair was messy as usual, but he looked great.
Base sa hiyawan ng mga tao, alam niya na ayaw na ng mga ito na matapos ang concert. Lalong naging wild ang crowd pagkatapos ng encore. Lumapit ito sa audience, sa may gawi niya. Nakatingin ito sa kanya habang iniaabot nito ang kamay sa ilang fans na nais itong mahawakan. She smiled and mouthed “I love you.”
He reached out his hands for her. Awtomatikong itinaas niya ang kamay niya para abutin ang kamay nito. Naramdaman niya ang biglang pagbuhat sa kanya ni Adler. Adam pulled her up on stage. Nakaalalay sa likuran niya si Adler.
Nang nasa stage na siya ay siniil ni Adam ng mainit na halik ang kanyang mga labi. The crowd shrieked their lungs out. He kissed her in front of thousands of people. Wala na siyang nagawa kundi ang gumanti. They had just told the whole world how much they loved each other.
BELLE FELIZ
•••WAKAS•••