8

1656 Words
“WOW. COOL. Who uses this music room?” “My cousin Kiyora,” tugon ni Glanys sa tanong ni Adam nang pumasok sila sa music room. Nakasuot na ito ng sando at basketball shorts. “She’s really into music. She breathes music.” Malaki ang music room na puno ng iba’t ibang klase ng musical instruments. Kiyora could play seven musical instruments. Mas kilala ito sa husay nito sa violin. Sa isang bahagi ng pader ay naroon ang shelf na punong-puno ng mga CD. Ang isang bahagi naman ng silid ay nagsisilbing work nook ng pinsan niya. May desk doon at tufted chair. Nasa desk ang mga music sheet nito. Kompleto ang sound equipment na kailangan ni Kiyora. “Where is she?” tanong nito sa kanya nang ilabas nito ang gitara mula sa case niyon. The shiny thing was pink in color. Hindi niya naiwasan ang mapailing. Kiyora owned several guitars and they were either shiny black or silver.  “She’s in the city,” tugon niya. “Madalas ba siya rito? This is a very sophisticated music room. Sayang naman kung hindi niya gaanong nagagamit,” anito habang ikinakabit nito ang strap ng pink na gitara. “Madalas siyang magpalipas ng weekend dito. Kapatid niya si Kuya Damian. Dati, dito nakabase ang dad nila, si Uncle Utoy. Siya ang namamahala ng buong hacienda pero nasa lungsod ang pamilya niya. His wife loves the city. Tuwing bakasyon, narito ang mga anak niya. Bata pa lang si Kiyora ay mahilig na siya sa musika. She’s gifted. Uncle turned this room into a music room for her. Ito ang nagsisilbing playground niya mula pa noong bata siya.” “I want to meet her.” “Kapag umuwi siya habang narito ka, makikilala mo siya,” kaswal na sabi niya. “So, if you don’t need anything else—” “Stay,” anito nang umupo sa isang stool. “I want you to stay with me.” Saglit na natigilan siya. “Ha?” Nginitian siya nito nang banayad. “Please? Hindi ka rin naman makatulog, `di ba?” Halos wala sa loob na lumapit siya sa tufted chair at umupo roon. Talaga bang nais niyang makasama pa at makakuwentuhan ito? Ni hindi niya masabi kung gusto o ayaw niya ito. Nagtaka siya nang hindi nito patugtugin ang gitara nito. Nakatingin lang ito sa kanya. Nailang na naman siya. “Tell me things about yourself,” hiling nito. “Bakit interesado kang malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa `kin?” tanong niya. Hindi naman nito kasalanan kung bakit ayaw niyang magsabi ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili niya. Sadyang hindi na siya komportable sa pagsasabi ng kahit na ano sa ibang mga tao. She isolated herself; iyon ang madalas na sabihin sa kanya ng kapamilya niya. No one could really blame her for doing that. “Dahil interesado ako sa `yo,” walang kagatol-gatol na sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi nabubura ang magandang ngiti sa mga labi nito. His brown eyes were looking into her own. Tumikhim siya, saka umiwas ng tingin dito. She felt weird. Her heart was beating slightly faster than usual. Tila nais din niyang mamula na hindi niya malaman. “W-why?” hindi niya napigilang itanong. She couldn’t understand why she had to press the issue. She should just let it go. “You are very lovely,” sagot nito sa tanong niya. “Interesado ako sa `yo dahil parang puno ka ng misteryo. I want to unveil the mystery. I want to get to know you.” “Look at me,” utos nito. She reluctantly did. Lalo yatang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Puno ng paghanga ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. It was like his eyes were telling her so many things. Mga bagay na hindi niya maintindihan dahil abala siya sa pagkalma sa sarili niya. Ngayon lang niya nadamang muli ang ganoong pakiramdam. Matagal na rin mula nang magulo nang ganoon ang sistema niya. Dahil sa simpleng tingin ng isang lalaki na ngayon lang niya nakilala ay nagkakaganoon na siya. Sino ang lalaking ito? Bakit ganito ang epekto nito sa kanya? Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon kaya tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. “Okay! I think I’m sleepy now. Iiwan na kita rito. Have fun and goodnight,” aniya at tinungo na niya ang pintuan. He chuckled. “Goodnight, Glanys. I hope you dream of me tonight.” “I hope not,” bulong niya bago niya isinara ang pinto ng music room. Hindi niya masabi kung umabot sa pandinig nito ang sinabi niya. Hindi yata niya maaatim na mapanaginipan ito habang suot nito ang dilaw na panloob nito. Pagdating sa kanyang silid ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Hindi niya masabi kung dahil iyon sa dilaw na briefs nito o dahil sa ibang bagay. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Mahinahon na iyon, ngunit alam niya sa kanyang sarili na may nagbago. Hindi pa niya madesisyunan kung gusto niya o hindi ang pagbabago. GLANYS saw Adam wearing his bright yellow briefs. They were looking at each other. Dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha. His lips softly brushed against hers. Then he vanished into the air like a wisp of smoke. Ang sumunod niyon ay may tinatakbuhan siya. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Hindi niya alam kung bakit siya tumatakbo. Patuloy siya sa pagtakbo hanggang sa may mabangga siya. “Glanys?” Napatingin siya sa nabangga niya. His voice sounded familiar. Kaagad na dumagsa ang kaligayahan sa pagkatao niya nang makilala ito. “Alexander,” nakangiting sambit niya. Niyakap niya ito nang mahigpit. Doon siya biglang nagising. Kaagad na namasa ang kanyang mga mata. Pilit niyang pinigilan ang kanyang sarili na tuluyang maiyak. Hindi siya iiyak. Kahit na naninikip ang kanyang dibdib at nananakit ang kanyang lalamunan ay pilit niyang pinigilan ang mapaiyak. Hindi niya hinayaan ang kahit na isang butil ng luha na pumatak. Niyakap niya nang mahigpit ang isang unan. Hinayaan niyang alilain ng miserableng pakiramdam ang buong pagkatao niya, ngunit hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na umiyak. Matagal na siyang umiiyak. Ilang taon na siyang nagdurusa. Wala rin namang mababago sa sitwasyon niya. Hindi na babalik si Alexander. Hindi na maibabalik ang mga nawala sa kanya. Ilang minuto siyang nag-inin sa kama hanggang sa magdesisyon siyang bumangon na. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya ngunit kailangan niyang bumangon. May mga bisita na kailangang asikasuhin. Ayaw rin niyang magtaka ang lola niya kung hindi siya lalabas ng kuwarto niya. Lalong ayaw niyang mag-alala ito sa kanya. Siya ang maghahatid sa lola niya sa mausoleum dahil lumuwas sa Maynila ang Kuya Eduardo niya. Sumabay ito sa Kuya Phillip niya noong nagdaang araw. May mga kailangan itong bilhin para sa mga tanim nito at para makasama na rin ang nobya nito na nakabase pa rin sa lungsod. Kagaya ng inaasahan niya, gising na ang lola niya. Nadatnan niya itong nagkakape na sa maliit na dining room; kakuwentuhan nito si Adler na nagkakape rin. “Good morning,” nakangiting bati niya sa mga ito. Hinalikan niya sa pisngi ang lola niya. “Good morning,” nakangiti ring bati ni Adler. “Sana ay naging maayos ang pamamahinga mo,” sabi niya kay Adler nang umupo siya sa isang silya na katabi ng lola niya. Ang mga kawaksi ay nag-umpisa nang lagyan ng mga pagkain ang hapag.  “Ang himbing nga ng tulog ko,” tugon nito. “That’s good to hear,” anang lola niya. “Glanys, gusto kong ipasyal mo ang magkapatid sa paligid mamaya. I’ve been telling him about great places here and I have this feeling that he doesn’t believe me.” Adler chuckled. “Of course I believe you, Lola,” anito habang magiliw na nakatingin sa matanda. “I want you to see it for yourself, hijo.” “This villa alone is amazing enough. Hindi na ako makapaghintay na makapasyal sa paligid. Phillip has been telling me how beautiful Mahiwaga is. Sana ay magising nang maaga si Adam. He’s kind of nocturnal. Hindi pa gaanong nakaka-adjust ang katawan niya. Katatapos lang ng tour nila at pagkatapos ng dalawang buwan ay umpisa na naman.” “Nakakaaliw ang kapatid mo, Adler,” sabi ng lola niya. “Everyone says that,” natatawang sabi ng binata. “Adam has been special since the day he was born.” “Nadatnan ko siya sa kusina kagabi,” sabi niya. Pinigilan niya ang kanyang sarili na mapangiwi nang maalala niya ang dilaw na briefs nito. “Hindi raw siya makatulog. Dinala ko siya sa music room.” “Sana ay hindi ka gaanong nakulitan sa kapatid ko,” sabi ni Adler sa kanya. “He’s tolerable enough,” she retorted. She could clearly see that he was a good man. His eyes were kind and clear. Alam niya na hindi siya dapat na nagtitiwala sa panlabas na anyo, ngunit tila may tinig na nagsasabi sa kanya na mabuting tao ang napili ng lolo niya para sa kanya. Muli niyang naalala ang panaginip niya. Matagal-tagal na rin mula nang dalawin siya ni Alexander sa panaginip. Kanina, itinuon niya ang buong enerhiya at focus niya sa pagpipigil ng kanyang mga luha at hindi niya naisip ang maaaring maging kahulugan ng panaginip na iyon. Was Alexander sending her a message? Payag ba ito o tutol?  The scene of the dream was when she first met him. Was he encouraging her? Habang nag-aagahan ay nagkukuwentuhan silang tatlo. Sinikap niyang alamin ang ilang mga bagay tungkol kay Adler. Sinikap din niyang magbahagi ng ilang mga bagay tungkol sa kanyang sarili. Pagkatapos nilang mag-agahan ay niyaya ni Lola Ancia si Adler na sumama sa kanila sa pagbisita kay Lolo Andoy. Pumayag naman ang binata. Nagbilin siya sa kawaksi na kapag nagising si Adam ay hainan ito ng almusal at matapang na kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD