“BAKIT ka pumayag?” hindi na napigilang tanong ni Glanys kay Adler habang nasa ilog sila na malapit sa mausoleum ng Lolo Andoy niya. Pagkatapos ipakilala ng lola niya ang binata sa lolo niya ay binigyan nila ito ng pribadong oras.
Natuwa si Adler habang nakatayo sa isang malaking bato at pinapanood ang malinaw na tubig. Dahil sa linaw niyon ay nakikita nito ang ilang mga isdang lumalangoy. Nakaupo siya sa isang malaking ugat ng puno na nakausli.
Sandaling nanahimik si Adler bago sumagot. “I have two reasons, actually,” anito sa seryosong tinig. Umupo ito sa bato at tinitigan lang ang tubig.
Nagpasalamat siya na hindi ito nagkunwari na hindi nito naintindihan ang itinatanong niya. Alam naman nila pareho kung bakit naroon sila ngayon, kung bakit nagkrus ang mga landas nila.
Hindi siya nagsalita, hinintay na lang niya na magpatuloy ito. Nais niyang malaman kung ano ang dalawang dahilan ng pagpayag nito.
“I owe Tito Keith a lot. Mula nang dumating siya sa buhay naming mag-iina, naging maganda na ang buhay namin. He gave us shelter, food, and education. He has been a great father to us. We owe everything to him actually. Lahat ng mayroon kami ni Adam ngayon, hindi magiging posible kung wala siya. He supported us all the way like he was our biological father. Most of all, he made our mother happy. He made her his queen. He loves her. That matters so much to me. Noon pa man, alam ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng hilingin ni Tito Keith sa `kin. The thing is, he rarely asks anything from us. I would give my life for him.
“My mother used to be an OFW. Nagtrabaho siya bilang kasambahay ng isang mayamang pamilya sa New York. Doon niya nakilala ang isang lalaki na miyembro ng isang independent band, ang ama namin ni Adam. They fell in love. They lived together. They had me, then Adam came the following year. Limang taong gulang ako nang maghiwalay ang mga magulang namin. My mother couldn’t stand our father’s womanizing. Hindi raw maiwasan ng ama namin na mambabae dahil palagi siyang napapalibutan ng groupies. Gabi-gabi na lang na may nakadikit ditong babae. According to Mama, Dad was the most gorgeous rockstar next to Adam and me. Pagkatapos ng hiwalayan, nagdesisyon si Mama na sa Pilipinas na lang kami manirahan. Life in the Big Apple was hard. Nahihirapan siyang suportahan ang mga pangangailangan namin ni Adam. May mga pinapadalhan pa siya noon sa Pilipinas kaya hirap kaming talaga. Naisip niya na mas gagaan ang buhay namin dito. Nagkamali siya. Mahirap din ang buhay rito. Paiba-iba siya ng trabaho. Pinasok niya ang pagnenegosyo pero palagi siyang nalulugi.
“Pero maparaan naman si Mama at masipag. Ginawa niya ang lahat para maitaguyod kami ni Adam. Kahit na madalas na palipat-lipat kami ng tirahan dahil palagi kaming pinapaalis dahil hindi kami nakakabayad ng upa sa due date, masaya pa rin naman kami. Palagi niyang sinasabi na kami ang kaligayahan niya. Pero alam namin na naghahangad pa siya ng iba. Alam namin na nais niyang magkaroon din ng katuwang. Gusto niyang hindi lang sa kanya kami umaasa. Gusto niya na may ama na gumagabay sa aming magkapatid. Kaya nga lubos ang pasasalamat ko nang dumating sa buhay niya si Tito Keith.”
“Hindi mo na ba uli nakita ang ama mo mula nang umalis kayo ng New York?” tanong niya.
May bahid ng pait ang naging ngiti nito. “Nagpakita siya kay Adam no’ng sikat na sa buong Amerika ang Merry Men. Adam couldn’t believe the audacity of the man. After all these years. Pagkatapos naming maranasan ang kahirapan ay magpapakita siya sa sandaling maginhawa na kami at maganda na ang career ng kapatid ko?”
“You hate your biological father?”
“I thought I did. Buo rin sa isip ni Adam dati na galit siya sa ama namin. But we both realized, you can’t really hate a stranger. Kahit paano, utang namin sa kanya ang buhay namin. We owe him our talent and passion for music.” Banayad itong natawa. “Ayaw na ayaw ni Mama na magbanda kami. Nagalit siya nang malaman niyang palihim na nag-aral kung paano tumugtog ng gitara si Adam noong walong taong gulang siya. Nagalit siya nang sumama kami sa isang banda noong high school kami. Pero napagtanto rin niya na hindi niya kami mapipigilan. It’s in our blood. We’re rockstar babies.”
Napangiti siya. “You used to be a rockstar?” Tila mahirap paniwalaan ang bagay na iyon. Mukhang masyado itong pormal at malinis upang maging rockstar. Hindi niya ito ma-imagine na kagaya ni Adam.
“Guitarist.”
“Why did you quit?” Sa tingin niya ay mahal talaga nito ang musika. Kahit kasi tutol ang mama nito ay sumige pa rin ito. Bakit tumigil ito sa pagtugtog?
Tumingala ito sa kalangitan. “Dumating ako sa punto na hindi na ako komportable sa stage. Hindi na ako komportable sa hiyawan ng mga tao. I became uncomfortable performing in front of a crowd. I still want to play music but I don’t want to be up on stage anymore. Gusto ko ring pagbigyan noon si Mama. She had been putting on a supportive face but I know deep inside, she wanted us to have a normal jobs. Gusto niyang makatapos kami sa pag-aaral at maging doktor o businessman. Alam kong matindi ang pagnanais ni Adam na maging performer kaya ako na lang ang huminto. We’ve always been very proud of Adam.” Bigla itong nalungkot. “And there was someone I wanted to impress then. I wanted to be the best man for her.” Ibinalik nito ang tingin sa tubig.
Nais sana niyang tanungin kung ano ang nangyari sa “someone” na iyon, ngunit base sa lungkot na nababasa niya sa mukha nito, nahuhulaan na niyang hindi maganda ang kinahinatnan ng lahat. Hindi marahil sila magkaharap ngayon kung umayon ang lahat sa pagitan nito at sa someone na sinasabi nito.
Nagpalipas muna siya ng ilang sandali bago siya muling nagtanong. “What is the second reason?”
Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata. “I’m permanently damaged. My heart will never beat again. I might as well marry someone who’s as damaged as I am.”
“Sa ganoong paraan, hindi mo kailangang mag-invest ng emosyon,” aniya. “Hindi mo kailangang mag-expect. Ganoon din ako.” She smiled softly. Hindi niya ikakaila na permanently damaged din siya. Tama naman ito. Siguro, hindi lang niya maamin sa kanyang sarili ngunit ganoon din ang nasa isip niya.
Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyari dito ngunit alam niya na may koneksiyon sila. Pareho nilang dinanas ang lupit ng pag-ibig. Hindi na kailanman maitatama ang damage na nilikha niyon. Kapwa sila hindi na naniniwala sa pag-ibig. O marahil, mas naniniwala sila na hindi na sila kailanman iibig pang muli.
“We can be friends,” anito kapagkuwan. “Let’s just try to indulge everyone.”
“Friends,” nakangiting sabi niya. “And thank you for telling me things about your family. I appreciate it.”
“Kapag komportable ka na, you can tell me about yourself and your family. You give me the impression that you’re all sealed up. I’m not expecting you to open up this soon. We’ve only just met, I know. Let’s take our time.”
Puno ng pasasalamat ang naging ngiti niya rito. Adler was a prince. Naisip niya na kung nakilala niya ito sa ibang pagkakataon at panahon, magugustuhan niya ito. Ano pa ba ang hihilingin ng isang babae sa isang katulad nito?
They would be fine. They would be friends.