HINDI alam ni Glanys kung tama ang napili niyang isuot. Simpleng puting T-shirt at pantalong maong ang suot niya. Lumang sneakers ang sapin niya sa mga paa. May tinig na nagsasabi sa kanya na magsuot siya ng bestida, ngunit tila over the top na iyon. Hindi siya nagsusuot ng bestida sa villa kung wala namang pagtitipon. Iyon ang normal na ayos niya. Nais niyang makilala siya ni Adler, ang normal na siya. Ayaw niyang magkunwari.
Matagal na rin mula nang maging conscious siya sa mga isinusuot o sa ayos niya.
Lumabas na siya ng silid niya nang masigurong presentable na siya. Nang umagang iyon ang dating ng mga bisita sa villa. Kasamang darating ang Kuya Phillip niya. Madaling-araw umalis ang mga ito sa Maynila upang umaga pa lang ay nasa villa na ang mga ito. Kailangan ding bumalik ng kapatid niya sa Maynila kinagabihan dahil may meeting ito kinabukasan.
Nag-almusal siya kasama ang lola at dalawang pinsan niya.
“Ikaw na muna ang bahala sa mga parating na bisita,” anang Kuya Eduardo niya. Ito ang panganay sa kanilang lahat. “May kailangan akong asikasuhin sa manggahan. Makakabalik din naman ako bago magtanghalian. Kakausapin ko si Phillip.”
“Sanay naman ako sa pag-eestima ng mga bisita, Kuya,” tugon niya habang nakangiti. Dahil siya ang babaeng apo na naroon, sa kanya nakaatang ang pag-eestima sa mga bisitang dumarating. Siya ang naniniguro na komportable ang mga ito. Siya rin ang tila house manager sa villa. Lahat ng kailangan sa malaking tahanan nila ay sa kanya unang ipinapaalam.
“Susubukan ko ring umuwi kaagad,” anang Kuya Damian niya. “May mga baka na kailangan kong iniksiyunan ngayon. Pero hindi naman siguro ako aabutin ng tanghali.” Isa itong beterinaryo. Responsibilidad nito ang lahat ng mga hayop sa hacienda. Kasama na ito ng lola nila noong nasa kolehiyo pa lang ito.
“Kung magkikita kayo ni Cameron ay isama mo siya rito,” bilin ng lola niya rito. “Isama mo na rin si Hunter. Magpapaluto `kamo ako ng paborito niyang ulam.”
Napangiti siya. Matalik na kaibigan ni Kuya Damian si Cameron at anak nito si Hunter. Magiliw ang lola niya sa bata. Apo sa tuhod na ang turing nito kay Hunter. Ibayong sigla ang naibibigay ng bata sa lola nila tuwing bumibisita ito. Madalas niyang marinig na sabihin ni Lola Ancia sa Kuya Damian niya na gusto na nito ng mga apo sa tuhod.
Palihim siyang umiiyak tuwing naririnig niya iyon.
Napangiti rin ang mga pinsan niya. Kahit sila ay kinagigiliwan ang bata, lalo na siya. Tila nagkakaroon ng kakaibang sigla ang buong villa tuwing naroon si Hunter. Si Cameron din ang itinuturing niyang best friend. Lubos silang nagkakasundo at nagkakaintindihan dahil halos pareho sila ng karanasan.
Sinamahan ng Kuya Eduardo niya ang lola nila sa pagdalaw sa puntod ni Lolo Andoy. Susunduin niya ito mamaya. Siniguro niyang maayos na ang lahat sa villa. Muli niyang tiningnan ang guest rooms na gagamitin ng magkapatid habang nananatili sa villa.
Hindi niya maiwasang kabahan habang naghihintay sa mga bisita. Nasundo na rin niya ang kanyang lola. Pinapangako siyang muli ng matanda na kikilalanin muna nila ni Adler ang isa’t isa bago sila magdesisyon.
Lumabas sila ng lola niya nang sabihin ng isang kawaksi na papasok na ang sasakyan ng kapatid niya. Dalawang sasakyan ang huminto sa harap ng villa. Naunang umibis ang kanyang kapatid. Tumakbo ito palapit sa lola nila at pinupog ito ng halik.
Hindi niya magawang batiin man lang ang kapatid niya. Nakatuon ang atensiyon niya sa isang lalaki na lumabas mula sa sasakyan nito. He was looking at her, too. There was a polite smile playing on his lips. Base sa larawang ibinigay sa kanya, ito na ang lalaking gusto ng Lolo Aurelio niya. He was better-looking in person. His picture did him no justice. Paanong ang isang katulad nito ay kailangang ihanap ng mapapangasawa? Sa gandang lalaki nito, sigurado siyang maraming babae ang nagkakandarapa rito.
Ginantihan niya ang ngiti nito. Bumaling siya sa isa pang sasakyan. Iyon marahil ang sinasabi ng kapatid niya na kapatid ni Adler. Isang lalaki na may suot na dark glasses ang umibis ng ikalawang sasakyan. He was wearing a fedora, a black V-neck T-shirt, and fashionably faded jeans. His cheeks were stubbly. He was chewing something. Sa bawat pagnguya nito lumilitaw ang mga dimples nito.
Hinubad nito ang suot nitong dark glasses. Nakatingin din ito sa kanya. Isang matamis at malapad na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin dito. He looked so familiar. Hindi lang niya maalala kung saan at kailan niya ito nakita.
Lumapit sa kanila ang dalawang lalaki.
“Lola, Glanys, these are my friends, Adler and Adam. They’re brothers.” Bumaling ito sa magkapatid. “Guys, this is my lovely grandmother, Lola Ancia and my sister Glanys.”
They shook hands. Nanatiling polite ang ngitian nila ni Adler. Nginitian ng lola niya ang mga ito. “I’m pleased to meet you two.”
Nginitian din ng dalawa ang lola niya. “Thank you for having us, Ma’am,” ani Adler.
“You have a wonderful place,” ani Adam. Nabasa niya ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa paligid ng villa at sa villa mismo.
Her grandmother beamed. Palagi itong natutuwa sa mga taong nagsasabi na maganda ang tahanan nito. “Thank you, hijo. I hope you enjoy your stay here. Come inside.”
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay lalong namangha ang magkapatid. Lumapad ang ngiti niya. Hindi rin niya maiwasang masiyahan tuwing nagugustuhan ng mga bisita nila ang kanilang tahanan.
“This is fuckin’ great,” Adam murmured while hovering around the center table placed in the foyer. It was the center table with a winged lion for its base. Palaging pumupukaw ng atensiyon ang table na iyon. Nasa ibabaw niyon ang isang malaking bowl na umaapaw ng lamang orkidyas na iba’t iba ang kulay.
Tumikhim si Adler. “Language, Adam,” saway nito sa kapatid nito.
“Oh, sorry. This table is just so cool,” anito na nakatingin sa lola niya. “Would you like to sell it to me?” Then he winked playfully.
“Adam!” mariing saway ni Adler na tila hiyang-hiya.
Tumawa nang malakas si Lola Ancia. “Pasensiya ka na, apo, kung hindi ko maibebenta sa `yo ang center table na `yan. It’s special. But I know someone who can design something as good as that for you.”
“Really? Who?” he asked eagerly. Tila matindi talaga ang pagnanais nitong makuha ang center table.
“Cecilio Castañeda. I can call him for you.”
Adam groaned. “It’s so hard to get to him. There’s a long line. Mainipin po ako.”
“Kailangan pa bang pumila ng lola niya?” natatawang tugon ng matanda.
“He’s your grandson? Cool! Will I get a huge discount?” Tila ito isang bata na nakuha ang gusto. Napagtanto niyang hindi niya maalis ang kanyang mga mata sa binata. He was so irresistible to look at. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya iyon sa kabila ng stubble nito. Tila nakakahawa ang kasiglahan nito.
Lalong umaliwalas ang mukha ni Lola Ancia. “You can get it for free, even.”
Biglang niyakap ni Adam ang lola niya. “You’re the coolest grandma ever!” Hinagkan nito ang pisngi ng lola niya. “Feeling close na po ba ako?”
Malutong na tawa ang naging tugon ng lola niya. Malinaw niyang nakita na gusto na nito si Adam.