Ilang araw ko rin to pinag isipan simula ng araw na yun siguro ito na nga ang araw na yun,dapat ko nang sabihin sakanya na may anak kami.Kaylangan nang malaman ni Symon na sya ang tunay na ama ng mga anak ko.Balak ko kasi ito puntahan after work since alam ko naman kung nasaang hotel ito nag s-stay. Kinakabahan ako na parang ewan,parang katulad lang din ito ng pakiramdam ko nung gusto kung umamin kay Simon na buntis ako at gusto ko na makipag hiwalay.Ganitong ganito yun noon ang pakiramdam ko lahat ng pwede manginig sa kaba sa katawan ko ay nanginginig mabuti nalang at wala akong masyadong trabaho ngayon dahil parang holiday yata nag sasagot lang ako ng emails ngayon at tumatayo lang ako kung may ipag uutos si kuya. “Anong problema Claire kanina ko pa nahahalata na parang di ka mapirmi d

