Chapter1
Kahit mainit ang sikat ng araw ay malakas pa rin ang buhos ng ulan ngunit di ko alam bakit pero parang ang saya ko, napupuno ng kasayahan ang puso ko ngayon habang tinitingnan ito ang mapungay nyang mga mata,ang matangos nyang ilong hanggang sa natural na mapupulang labi nito ,those lips that i crave to taste.
ayyyy mali bad yun
Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko habang nakatanaw pa rin dito ang ganda ng mga ngiti nito habang nakikipag usap sa iba animoy nag liliwanag ang paligid dahil sa mga ngiti nya.
Natigil lang ako sa kakatingin ng may malalim na boses ang nag salita sa tabi ko
"staring is rude"
Agad ako napatingin dito para tingnan kung sino nag salita ng makilala ay agad ko binalik ang tingin ko sa taong kanina ko pa tinitignan
"anong kailangan mo?"tanong ko dito habang patuloy parin sa pagtingin sa crush ko na halos di ko na napapansin yung katabi ko na mukhang may tinatanong na sakin pero kiber mas importante yung nakikita ko ngayon
Ang saya nya talaga tignan lalo na pag nakangiti ito nakakahawa ang mga ngiti nya natigil lang ako ng dumilim ang paningin ko dahil tinakpan ng damuhong katabi ko
"i told you stop staring nakakahiya yung ginagawa mo"paninita nito sa akin
At ng sa wakas ay tanggalin na nito ang kamay nya sa pag kakatakip sa mata ko ay handa na sana ako murahin ito ng makita ko na nakatingin na ito sa akin salubong ang mga kilay na makapal halatang di gusto ang nakikita niya kaya dahil sa dala ng kilig ay pinag hahampas ko yung katabi ko
"aaahhhh!!!tignan mo nakatingin sya saakin hahahahahahahaha nakakakilig nakat---
"His looking at you because you look stupid now stop hitting me"saway nito saka ako tinulak ng mahina na ipinag taka ko kasi mas lalong kumunot pa ang nuo nito ,nakatingin pa rin sya sakin kahit may kausap ito at ako naman tudo ngiti dito kasi sa wakas ay napansin na ako nito pero bigla ito umirap sa akin saka bigla na lang umalis na ikinalulungkot ko naman
"Ayan umalis tuloy ikaw naman kasi bakit kasi andito ka baka akalain nun jowa kita bak-----
"Yuck ikaw papatulan ko?mag hunos dili ka nga sa sinasabi mo di mo ba tinitigan sa salamin yang itsura mo?"puno ng pandidiri nitong sabi with matching pag duwal pa walang hiyang baklang to ang sakit magsalita
Ako naman ang napairap dito habang nakatingin sa paligid at kinakausap ito
"For your information pinapaalala ko lang sayo baks lalaki ka parin okey kaya minsan mapag kakamalan talaga tayo kasi dikit ka ng dikit sa akin"
"Alam ko yun okey?pero ikaw?yuck bading di kita type ang.....oh my god is that Kevin?"eksaherada nitong sabi na may patakip pa ng bibig habang nakatingin sa isang wedding booth
Yung wedding booth na kaming mga senior tourism students ang nag organized at tama siya si Kevin nga yung isa kung crush ikinakasal sya sa isa naming kaibigan
"Oh my god ahas nya bakla ahas bakit sila ikakasal oh my god let's go kailangan itigil natin ang kasal nila"
"Gaga tumigil ka nga okey lang ako hayaan mo na silang sumaya,kakayanin ko to"nag dadrama kung sabi dito habang nakahawak pa sa dibdib ko pero sa totoo lang ay wala lang naman yun saakin marami pa naman akong crush kaya di rin naman ito ganun ka kawalan saakin mas gwapo pa sa kanya si Simon
“Ayaw mo umiyak teh?aba matagal mo din siyang crush ah”tanong nito saakin
Ngumiti lang naman ako saka umakbay dito na agad naman nya tinanggal ang pag kaka akbay ko dito tss maarte
“bakit ko sya iiyakan?si Simon ba sya?tsaka di naman ako yung type nya ei kaya bakit ko sya iiyakan ,mukha nya”
“Ang taray mo bakla bakit akala mo ba gusto ka din ni Simon?kung maka asta ka akala mo naman ang ganda mo hoyy babaita si Simon pinag uusapan natin kung di ka nga type ni Kevin si Sim—-
And as if on cue biglang dumaan si Simon sa tabi namin kaya muntik na ako matumba nung bigla itong tumingin ito sa akin he really took my breath away gosh this boy talaga he so
“stop staring at me di nakakatuwa and close your mouth”
Saka ito umalis kasama ang mga barkada nito na natatawa naman dahil yata sa akin di ko alam di ko sure wala namang nakakatawa pero pogi nya talaga kahit ang sungit nya saakin, kilala si Simon bilang magalang,mabait,matalino,at friendly sa mga estudyante dito pero ewan ko ba dun tuwing nag kakasalubong kami ay ang sungit nito sa akin siguro crush din ako nun di nya lang masabi kasi nahihiya sya
“Oh ano nanaman yang iniisip mo delulu ka nanaman bakla hayyy nako halika na may practice kapa”pag papaalala nito sa akin saka ako hinila paalis sa corridor papunta sa gym.
Napabuntong hininga nalang ako habang naka tingin sa mga estudyante na nasa gym ngayon na nag kakasayahan habang ako ito may practice sa banda kasi bakit?wala may performance kami mamayang 7pm dito sa gym katamad pero anong magagawa ko alangan naman di ako umattend diba?
Natigil naman ako kakatulala ng biglang may tumawag sa pangalan ko
“Guys ready? Claire!ready na?”
Napaayos ako ng tayo at inayos ang sarili saka sumenyas ng okey sa Drummer namin para makapag simula na ito tumugtog ng mag umpisa ito ay agad na ako nag focus naghahanap ng pwede tingnan ,like a couple you know someone that can inspire me.
Sa dami ng estudyante sa gym ay napatingin na naman ako sa kanya ,there he is studying or just simply reading a book he really looks peaceful parang ang sarap guluhin
Sa gilid ng mga mata tinitignan kita
Kahit saglit lang matanaw ang iyong mukha
Nakakainis ka kahit walang ginagawa
Para akong natunaw
Please naman wag ka sanang manukso
Natutuwa lang ako sa katulad mo
Walang makakaalam
Wala naman akong pagsasabihan
Walang dapat mangyare
Pero andito lang ako sa tabi
And as i sing my heart out nasa kanya parin ang atensyon ko looking at how gorgeous he is,
Unti unti kung pinikit aking mga mata at dinama ang kantang kinakanta ko di na alintana ang ingay sa paligid at kung pinag titinginan man kami
Sa gilid ng mga mata tinitingnan kita
Sa gilid ng mga mata tinitingnan kita
Sa gilid ng mga mata tinitingnan kita
Sa gilid ng mga mata
Sa pag mulat ko ng aking mga mata ay nagtagpo ang mga mata namin,nakatingin ito sa akin habang kumakanta ako di na ito nakatingin sa libro nito,kung di sa akin na, unti unting sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito as he silently mouthed
“I love you”
Walang makakaalam
Wala naman akong pagsasabihan
Wala naman kasing dapat mangyari
Pero andito lang ako sa tabi
Pero andito lang ako sa tabi
Pero andito lang ako sa tabi
And as i finish the song i mouthed back
“i love you too”
To my boyfriend…
To be continued……