Chapter 2

1549 Words
Ng matapos ang kantang yun nakailang kanta pa kami bago kami pinag pahinga ng drummer namin para narin di ako mamaos para mamaya,Oo ako ang lead vocalist ng banda di lang halata pero may talent din ako kailangan ko pa din to para di naman ako stress sa thesis namin ilang buwan na lang kasi ay graduation na namin sa wakas matatapos narin ang student life ko. Naglalakad ako pabalik sa building namin ng biglang may tumabi sakin “Ang galing mo dun ah,good luck mamaya baks” “Salamat baks good luck din mamaya sa pageant hayaan mo sabihin ko kay Hunter na sya na lang ang mag haharana sa inyo mamaya”nakangiti kung sabi dito si Hunter kasi ang isa sa mga Gitarista namin at minsan kumakanta rin ito sumasabay saakin, tumawa lang naman ito saka ako humawak sa braso nito habang patuloy na naglalakad papunta sa department building ng HRM dahil may aasikasuhin pa kami sa thesis namin Nang malapit na kami ay bigla naman nag kagulo at dahil dakilang tsismosa ang lola nyo ay agad ako nag tanong sa babaeng tumatakbo palapit saamin agad ko ito pinigilan at tinanong “ anong nangyayari?bakit kayo nagtatakbuhan?” “May babaeng buntis na tumalon sa building ng Nursing department”hinihingal nitong sabi na ikinagulat naming dalawa ng kasama ko di ko namalayan na nabitawan ko na ito sa gulat ko kaya tuloyan na rin tumakbo ang babae para makiusyuso sa kabilang department Hanggang sa pagkain namin ay yun ang usapan ng mga estudyante sa canteen at katulad ng inaasahan cancel today ang event bukas nalang daw kaya pinauwi na yung ibang estudyante at kung may natira man ay kaming mga senior student na may tinatapos mga piniling manatili para sa thesis “Grabe no?kaya ang laki talaga ng mawawala pag babae ang nabuntis ,ang laki din ng kahihiyan na natatanggap nila ,balita ko consistent dean's lister yung babae ei tapos sabi nila yung nakabuntis daw isa sa mga professor ng school”tuloy tuloy nitong sabi sa mahinang boses as much as possible kasi ay iniiwasan na itong topic dahil nga involved ang isang guro kahit di pa naman yun confirmed. Our day went horrible of course matapos mangyari yun ay di rin naman na ako tumagal sa school agad na ako umuwi sa bahay na walking distance lang naman mula sa University di ko masikmura yung nangyari may lumabas din kasing scandal matapos tumalon ng estudyante mukhang sya rin yung nasa video at yung prof na involved pero dahil malayo ang pagkuha ay ang babae lang ang nakikita sa video Pag pasok ko sa bahay ay agad ako sinalubong ni mama na nakaupo lang sa sala at nanunuod ng tv “Oh bakit ngayon ka lang umuwi balita ko pinauwi kayo ng maaga dahil sa nangyari” Agad naman ako humalik sa pisngi nito bago sumagot sa tanong nito “May pinapirmahan lang po kami ni Raymond para sa thesis namin ipapasa na kasi yung libro next week” Tumango lang naman ito bilang tugon saka ulit tumingin sa pinapanood nito kaya agad na ako umakyat sa kwarto para magpahinga pero pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko ay bumungad agad saakin ang lalaking nakatayo sa study table ko na mukhang kanina pa naghihintay sakin ,busy ito sa kakatingin sa mga libro na meron ako Ng makapasok ako ay agad naman napunta sa akin ang atensyon nito dahil agad nito binitawan ang libro ko at tumingin sa akin kaya agad ko sinara ang pinto ng kwarto ko para walang makakita sa amin agad ko rin sinara ang kurtena ng kwarto ko na nag kokonekta sa kabilang bahay. “Your late ano pa ginawa mo sa school at ngayon ka lang umuwi?”tanong nito saakin saka ito lumapit pero di ko ito agad pinansin binaba ko muna ang gamit ko saka ko lang ito tiningnan pero malapit na pala ito sa akin sobrang lapit kaya agad ako napaatras pero agad ako nito hinawakan sa bewang at hinila palapit dito para yakapin. “Simon”pag tawag ko sa pangalan nito “Shh just a second”mahina nitong sabi habang nakayakap parin saakin Ilang minuto kaming ganun di ko alam kung bakit sya ganito saakin maybe he just miss me after all girlfriend nya naman ako Oo girlfriend ako ng crush ko pero mas pinili namin itago yun saiba ang tanging nakakaalam lang ay ang parents namin magulo man pero mas gusto namin ito para di narin maapektuhan ang pag aaral namin pag alam kasi ito ng ibang estudyante o ang ibang tao ay pwedeng masira ang binubuong career ni Simon isa kasi itong artista ,bongga diba nag ka boyfriend ako ng artista marami na itong mga commercials,roles sa mga teleserye at guestings sa mga talk shows kahit na medyo bago lang ito kaya tudo ingat kami sa pangalang binubuo palang nito sa showbiz “I miss you babe sorry kung pinag sungitan nanaman kita,alam mo naman ang rason diba?but if you want i can be nicer to you sa school”mahaba nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko Ngumiti lang naman ako dito at di na piniling sumagot he already know what i would say kung ano ang dapat yun ang gagawin namin. Nag usap lang naman kami ng mga nangyari sa araw namin habang nakaupo sa kama ko while he was holding my hand at ako naman ay nakahiga sa balikat nito,just a casual talk as much as possible kasi ay nag uusap kami sa mga bagay na nangyari sa araw naman mga little updates lang naman kasi di naman ako nag kikita masyado sa school,di rin kami nag uusap kaya ito nalang yung time na nakakapag catch up kami sa nangyayari sa isat isa. “Bukas nga pala di ako makakapasok sa school i have a photoshoot and commercial na gagawin it's a perfume commercial i'll update you once i got home kasi baka di na ako makadaan dito bukas”pagpapaalam nito sa akin isa ito sa mga ginagawa nya at ako narin pag may mga gagawin kami na kailangan malaman ng isat isa para di naman magulat o magalit ang isa saamin pag biglang di kami pwede mag kita “Okey ,ako naman as usual mag rerehearse ulit kami bukas ng umaga para sa performance bukas ng gabi rin you know the little party na gaganapin sa school tyaka kami rin ang mag haharana kina Raymond sa pageant” “Speaking of that friend of yours,di ko sya gusto,lalo na nung tinulak ka niya kanina”pagrereklamo nito sa akin Sabi ko na nga ba babanggitin nya yun Natatawa na lang ako at pinaliwanag dito na biroan lang naman namin iyon ni Raymond saka pinaintindi dito na di nito kailangan magselos sa amin dahil wala itong gusto saakin at mag kaibigan lang talaga kami syempre di ko sinabi ang part na lalaki rin ang gusto ni Raymond dahil nirerespeto ko naman ang kaibigan ko Nag usap lang kami hanggang sa mag pasya na itong umuwi sa kanila dahil nagdidilim narin at baka mahuli rin kami ng parents ko kaya umalis narin ito “Mag ingat ka sa pag uwi okey?text mo ako pag nasa bahay kana”pag papaalala ko dito nang bumababa na ito mula sa balkonahe namin tumango lang nito at nang tuluyan na itong makababa ay kumaway na ito bago tuluyang umalis at sumakay sa sasakyan nito. Nang tuluyan ko na itong di makita ay bumalik na ako sa loob para mag bihis at para makababa narin para kumain ng dinner “Ate nakita mo na ba yung bagong kapit bahay natin?balita ko same school lang kayo nun Senior nadin”pagbabalita nito habang nasa hapag kami “Talaga?paano mo nalaman na Senior din sya”Tanong ko dito habang kumakain kami umalis kasi sina mama kaya kaming tatlo lang ng mga kapatid ko ang nasa bahay ngayon kaya pwede kami mga chikahan habang kumakain Ikwenento naman nito saamin kung paano nito nalaman yun at sabi nya ay nakausap nya daw ito ng lumabas ito ng bahay para pumunta sa kaibigan nito sa kabilang bahay lang din ,kesyo mabait daw ito kahit mukhang masungit ,at mayaman daw ang pamilya nito pero mabait daw dahil nakausap nya rin daw ang parents nito “Alam mo ate mas bagay kayo nun kesa dun sa boyfriend mo na tinatago ka lang naman,balita ko nga ate may ka love team na yung boyfriend mo ei at may rumors pa na—”bago pa nito matapos ang sasabihin ay tinigil ko na ito “Alam mo masaya kami okey,tyaka strictly for business lang naman daw yun tyaka kung ano mang rumors yan rumors parin yun di totoo”sabi ko dito saka tumayo para magligpit ng pinagkainan namin “Pero paano kung totoo yung mga chismis na girlfriend nya na daw si Chelsea?paano ka?” “Wala yun naniniwala ka naman sa chismis,sige na tama na yan umakyat na kayo sa kwarto nyo” “Basta ate nag aalala lang ako sayo ah di talaga kasi ako boto dyan sa boyfriend mo”habol pa nito saka tumalikod para pumunta sa kwarto nito ganun din ang bunso namin na tumingin lang saakin saka tumalikod To be continued…….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD