I am 27 years old and have been writing since i was a junior high student up until college and went hiatus after i graduated and got a job I\'m a Tourism Graduate.i hope you like my story
Lumaki si Dynrylle sa isang pamilyang wasak isang inang walang boses at isang amang walang puso. Sa bawat galos at luha, natutunan niyang tumahimik at tiisin ang pait ng buhay. Pero sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng kakampi si Wade, ang anak ng mayor, at si Archilles, ang tahimik ngunit maaasahang kapatid nito. Sila ang naging kanlungan niya mula sa karimlan ng tahanan.Ngunit isang gabi, tuluyang nagdilim ang mundo ni Dynrylle. Isang pangyayaring bumura sa kanyang pagkatao. Sa tagal ng panahon, inakala niyang nailibing na sa limot ang lahat, pero isang alaala ang bumalik at kasama nito ang mas masakit na katotohanan. Hindi ang amang kinamuhian ang tunay na salarin. Kundi ang taong akala niya’y kakampi.Ngayong alam na niya ang buong katotohanan, may karapatan pa bang magmahal si Dynrylle?
Tahimik, mayaman, at makapangyarihan. Si Nathan ay larawan ng isang lalaking halos perpekto sa mata ng lipunan chinito, seryoso, at hindi basta-basta naaabot. Ngunit sa likod ng malamig niyang anyo, may pusong nananabik sa isang mundong totoo, simple, at may saysay. Sa isang pagkakataon, nakilala niya si Elle isang kindergarten teacher na mas pinipili ang makulay na mundo ng mga bata kaysa sa marangyang alok ng kapalaran.Hindi inaasahan ang koneksyong unti-unting namagitan sa kanila. Ngunit paano kung biglang bumalik si Celestine, ang babaeng minahal noon ni Nathan at ngayon ay may bitbit na pangakong kapalit ng koneksyon at kapangyarihan? At paano kung si Lucas, ang matalik na kaibigan ni Elle, ay magtapat ng damdamin sa panahong gumuho ang tiwala niya kay Nathan?Sa laban ng puso at pananagutan, ng pag-ibig at karangalan, sino ang mananatili, at sino ang masasaktan?Handa ka na bang masaktan para sa taong tunay mong mahal?
Bago siya naging dahilan ng pagkalito ng puso ng isang Leon Arguelles, isa lang siyang simpleng babaeng may mop at basahan, masayahin, masipag, at may dignidad ngunit sa kabila ng maruming trabaho, Si Clarisse Dela Vega, isang dynitor na may lihim na pagkatao, ay hindi kailanman inakalang magugulo niya ang mundo ng isang lalaki na may obsesyon sa kalinisan si Leon Arguelles, isang sigurista na walang espasyo para sa gulo o pag mamahal.
Ngunit isang basang sapatos lang pala ang kailangan para mawasak ang kanyang perpektong sistema.
Habang unti-unti siyang nahuhulog kay Clarisse, muling bumalik ang isang anino ng nakaraan si Margaux, ang babaeng minsang pinag-alayan niya ng lahat, ngayon ay handang sirain ang lahat. Habang ang damdamin ni Leon ay nilalamon ng pagkalito, isang matagal nang lihim ang mabubunyag isang koneksyong magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay.
Ano ang mas pipiliin niya: ang pusong unti-unting natututo magmahal o ang mundong matagal na niyang ginawang perpekto?
At kailan nga ba mas marumi kapag may putik sa sapatos, o kapag ang puso ay nalugmok sa kasinungalingan?
DISCLAIMER
This story was written fictionally so any resemblance to reality is pure coincidence . Name of the characters in this story doesn't exist in real life so please HAJIMALAGO,grammatical errors can be seen even if it has already been edited by the author so JEBAL-YO careful with the suggestions and comments author is sensitive she might cry SARANGHAE.Si Claire ay isang simpleng estudyante na namumuhay ng simple at payapa kasama ang pamilya nito at ang minamahal nitong nobyo na sa loob ng halos anim na taon ay tinago nila ang relasyon nila dahil sa trabaho nito bilang aktor at iniingatan nitong pangalan sa industriya ,lahat ay naging maayos naman dahil naiintindihan nya naman ang rason ng nobyo niya kung bakit kailangan itago ang relasyon pero nag bago lahat ng yun ng makilala nya si Symon isang lalaki na bigla nalang lumitaw sa buhay nya chismoso ito yun ang unang pagkakakilala niya dito palagi siya nitong kinukulit at naiirita na sya sa presensya nito pero sa di malamang dahilan ay bigla siya nakaramdam ng kakaiba dito bakit parang nahuhulog na loob niya dito? di nya na alam kung bakit nararamdaman nya ang mga dapat di nya maramdaman dito.Nagugulohan sya may nobyo na sya na mahal na mahal nya pero bakit parang nahuhulog sya sa ibang lalaki bakit nararamdaman niya ito?