Claire’s POV Bakit nandito sya? “Simon?” pag tawag ko sa lalaking nakaupo ngayon sa sala namin. Di ako pwedeng magkamali,kahit yata ilang taon na ang lumipas simula ng huli kaming mag kita ay alam ko parin na sya ito,kahit likod nya palang ay kilala ko na at nang humarap ito saakin ay mas lalo akong nagulat na tama nga ako, sya nga ito. Anong ginagawa nya sa apartment namin? “Hi baby”bati nito saakin na may ngiti pa sa labi. Ganun parin sya,yun parin ang tawag nya saakin kahit na ang dami na ang nag bago saamin,may anak na sya at asawa pero di parin sya nag babago,mukhang gago parin ito.Tumayo ito at mabagal na lumapit saakin habang tinititigan ako hanggang sa tuloyan na nga ito tumigil sa harap ko ngayon,nakatingala lang ako dito at tulala di ako makapaniwala na mag kikita pa kami.

