Simon POV Nagising ako na masakit ang ulo ko at likod ko ,unti-unti ko ring minulat ang mata ko dahil sa ingay ng paligid ko at nang mag adjust ang paningin ko sa paligid ay nakita ko na wala ako sa bahay namin. Nasa bahay ako nila Claire,nasa sala nila ako natulog kaya pala masakit ang likod ko dahil naka baluktot ako para mag kasya lang ako sa sofa nila. "Gising kana pala"walang emosyon na sabi nito. Blangko ang mukha ng kapatid ni Claire na tumitingin saakin kaya agad ako napa bangon na muntik pa ako matumba dahil sa biglaang pag bangon,agad ko hinawakan ang ulo ko na masakit at tumingin dito. "Bakit andito ako?"tanong ko dito. Napairap naman ito at tumalikod saakin. "Lasing na lasing ka kagabi na pumunta dito,tapos bigla ka nalang natumba"sabi nito saka pumasok sa kusina nila

