Special Chapter 10

1145 Words

SANDRA’S POV Mula pa kanina habang pinagmamasdan ko si Xalvien, ramdam ko na may mabigat sa atmosphere. Oo, nagpakita si Simon at para bang sinubukan nitong bumawi kay Xalvien, pero bilang kaibigan o mas tamang sabihin, bilang taong may lihim na nararamdaman sa kanya alam ko kapag may hindi sinasabi si Xalv. At ngayong araw na ‘to, halatang may bumabagabag sa kanya. Wala pa siyang gaanong salita mula nang bumalik sa counter matapos tanggapin ‘yung egg tarts at sunflowers. Palihim ko siyang tinignan habang inaayos niya ang mga cups ng kape sa shelf. Ang lambot ng kilos niya, pero may bigat sa mga mata. "Ang dami mong fans, ha," biro ko para basagin ang katahimikan. Napangiti siya ng tipid. "Wala ‘yon, si Simon lang naman ‘yon." "Alam ko. Pero Xalv... okay ka lang ba talaga?" tanong ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD