Third Person POV Tahimik ang gabi sa silid ng maliit na hotel na pinasukan nina Simon at Xalvien. Sa malamlam na liwanag ng lampshade, magkatabi silang nakahiga, kapwa walang saplot, magkayakap na parang walang ibang bukas na darating. Ang kanilang mga katawan ay pagod sa sarap, ngunit ang init sa pagitan nila'y nananatili pa ring naglalagablab. Dahan-dahang gumalaw si Simon, dinama ang braso ni Xalvien na nakapulupot sa kanyang baywang. Mula sa mapayapang paghinga ng kaharap, alam niyang tulog na ito. Ngunit sa kabila ng katahimikan ng paligid, sa loob ni Simon ay may gulo isang damdaming hindi niya maipaliwanag kung dapat pa bang ipagpatuloy ang kanilang ginagawa o kailangan nang tapusin habang maaga. Bumangon siya nang dahan-dahan, iniiwasang magising ang lalaking katabi. Isinuot niy

