SINURING mabuti ni Rafael ang hawak na blueprint bago muling ibinalik ang tingin sa tinatayong gusali. “Engineer,” tawag sa kanya ng foreman na naka-assign sa pagtatayo ng building na iyon ng kumpanya ni Vincent Fabella. “Pinasimulan ko na po ang pagbubuhos para sa kadugtong na gusali.” Tumango siya. “Pero James, sa tingin ko mas magandang mag-focus muna tayo sa isang parteng ito ng gusali. Pakidagdagan mo ang mga trabahador sa side na ito. We can’t just move on to the next building ng hindi pa furnished ang side na ito. Handa na ba ang mga bricks na gagamitin?” “Opo, nai-deliver na sa atin kaninang madaling-araw,” sagot nito. “Okay, good. Iaabot ko na lang sa’yo ang concrete plan ng second building para mapag-aralan mo,” sabi niya habang patuloy pa rin sa pagsuri at pagmarka sa hawak

