NAKASUBSOB lang sa unan si Ashlee habang patuloy pa rin sa pag-iyak nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Napatingin siya sa Daddy niya nang pumasok ito sa loob at umupo sa gilid ng kama. “Ashlee,” panimula nito. “Talk to me, anak.” Napilitan siyang umupo at harapin ito. “Ano pa bang gusto mo, Dad? Magmamakaawa ka na naman ba? Para baguhin ko ang desisyon ko, para sa imahe ninyo at ng kumpanya ninyo?” sarkastikong tanong niya. Bumuntong-hininga ito. “Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ka naman dating ganyan. Ano ba ang problema ninyong dalawa ni Raffy?” “Pagod na ako, Dad. Hindi na lang dapat ako pumayag na ma-engaged sa kanya.” “Bakit? Akala ko ba mahal mo siya?” Umiling siya. “Hindi dahil pagod ka na ay kailangan mo ng putulin ang relasyon ninyong dalawa. Sadyang maraming problema

