“KUMUSTA ka na, Ashlee?” bati ni Sophia at naupo sa tabi niya. “You look pale. Bakit mo pinababayaan ang sarili mo?” “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Sophie. Nahihirapan na ako,” sabi niya, tumulo na ang mga luha sa mukha niya. Hinagod nito ang likod niya. “Ssshhh… you need to be strong, Ashlee. Pinasok mo itong sitwasyon na ito, natural lang na mahirapan ka,” napabuntong-hininga ito. “Ano ba talagang gusto mong mangyari sa buhay mo ngayon, Ash?” Tiningnan niya ito. “I just want to be with Rafael, kahit alam kong mahirap, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin at mahalin siya,” iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto niya. “This comfortable life, I’m tired of this. Ayos lang na mahirapan ako, or mapag-usapan ng ibang tao o di kaya ay ikahiya ng mga kaibigan at pamilya ko ka

