CHAPTER SIX

1106 Words
Pilit na pinipigilan ni Sanya ang inis na nararamdaman niya sa binatang si Gino ginagawa lang Naman niya ang tungkulin niya sa kaniyang trabaho. " Ako po ang ina sign ng aming Manager upang I'assist po kayu paumanhin po kung Hindi ko po mapapag bigyan ang nais niyo.." Nag titimping paliwanag ng dalaga at tumayo si gino sa pagkaka upo nito. " Bakit ano ba ang kaya mong ibigay na serbisyo sakin?" sarkastikong Tanong nito sa dalaga at unti unti ito lumapit sa kinatatayuan ng dalaga kaya bahagyang napaatras ito. " Sabihin nyu lang po kung ano po gusto niyo maayos ko po gagampanan ang aking trabaho." Pinakita ni Sanya na hindi siya nakakaramdam ng takot sa binata.Kaya mas lalo pa siyang nilapitan ng binata kaya nakailang hakbang din siya palayo dito ngunit isang step nalang ang magagawa niya dahil mahuhulog na siya sa pool. " A.ano ba ginagawa mo?, ano ba gusto mo?" nauutal na pagsasalita ni Sanya dahil nakaramdam na naman siya ng takot. " Masaya akong makita Kang muli." nakangisi nitong Sabi sa dalaga at mas nilapit pa nito ang kaniyang mukha kay Sanya at nagulat ang dalaga kaya muntik na ito malaglag sa pool ngunit na hapit ni Gino ang bewang niya. Nakatitig lang si Gino sa magandang mukha ni Sanya ramdam niya ang kabog ng dibdib nito. Ilan Segundo Ang naging titigan nilang dalawa.Maya maya pa ay binitawan ni Gino Ang bewang ni Sanya at tuluyan ng nahulog ito sa pool. Hindi aakalain ng dalaga na magagawa Yun ng binata mas Lalo lang naging masama ang tingin niya dito. " Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?" Galit na galit na tanong ng dalaga dahil basang basang na ang katawan niya . " Natutuwa lang akong makita ka ulit. mukhang mag-eenjoy ako sa hotel na ito." natutuwa pa nitong pang aasar sa dalaga at iniwan niya na ito sa pool mag isa Hindi alam ni Sanya kung paano niya ipapaliwanag ang kaniyang Sarili. Subrang kahihiyaan ang inabot niya sa mga taong naka kita sa kanya nang makababa na siya sa rooftop ng hotel. Agad nagpalit ng damit ang dalaga, Hindi niya aakalain na ganito mararanasan niya Kay Gino. " Kamusta ka naman iho? Dito saking hotel wag ka mahihiya dahil welcome ka dito." pangangamusta ni Mister Garcia "Maraming salamat po! maayos Naman po Ang pag assist nila sakin. actually napag desisyonan ko po na pansamantala mo na ko tutuloy Dito kaya magpapa reserve ako ng Isang room." Napatigil pag inom ng tea si Mister Garcia sa sinabi ni Gino. " Wow it's a nice idea" nagagalak na Saad ni Mister Garcia agad siyang sumang ayon sa gusto ng binata. Mukhang may pinaplano ang binata sa desisyon n'ya na pansamantala na manuloyan sa hotel. Bakas sa mukha n'ya ang galak Nang Makita Ang dalaga. Akala niya Hindi na Sila ulit pagtatagpuin ng dalaga. " Naka uwe na po ba si daisy?" siryosong Tanong ni gino " Actually inatras niya muna ang pag uwe n'ya dahil may mga tataposin pa raw siya dun" paliwanag ni Mister Garcia. " Ganun po ba? So, where are we going to talk about? napapaisip na pagtanong ng binata. " May mangyayaring transaction mamaya gusto ko ikaw ang mag accomplish nun. Magpapadala tayo ng dalawang daan na mga armas sa grupo ng Midnight Syndicate." deretsong Saad ni Mister Garcia sabay hithit ng ka'nyang tabako. " Bakit ho ako Ang gusto nyu mag accomplish nun? andyan Naman po Ang anak niyo na SI Adrian," pagtatakang pag uusisa ni Gino. "Sa ngayon ayaw ko muna siya makisali sa mga transaction ko.dahil tatlong beses n'ya na Kong nabigo.alam ko na magagawa mo to ng maayos Hindi mo Naman ako bibiguin diba? " Naka ngisi nitong pagkakasabi at tila humihingi ito ng pag sang ayon mula sa binata. Naging maayos naman ang pag uusap ni Mister Garcia at ni Gino para sa gaganapin na transaction mamaya.Ang organization na binuo ng ka'nyang ama ay mula noon pang 1985 napatakbo ito ng ka'nyang ama kasama ang mga malalaking tao at may mataas na position sa gobyerno, Kaya masasabing na-paka powerful ng organization na kinabibilangan niya. Darating ang panahon na siya ang magpapatakbo nito dahil siya lang ang nag-iisang tagapag mana ng ka'nyang ama na si Don Rafael. Hindi man hiniling ni Gino ang buhay na mayroon siya at gusto niya nang bumitaw sa ganitong uri ng pamumuhay, Hindi niya kaya humiwalay dahil sa diktador niya'ng ama." Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay nag tungo na si Gino sa Pina reserve niya'ng room sa hotel. " Hello si Mister Gino Rodriguez ito. I need a wardrobe assistant" pagtawag ni Gino sa concierge desk" Samantala, Habang nagbibihis si sanya sa staff locker room ay agad naman siyang pinatawag ng kanilang manager kaya. Nag tungo na ang dalaga sa office ng kanilang manager, ngunit bago pa man siya tumuloy sa pagpasok sa pintuan ay huminga muna ito ng malalim. " Magandang hapon po manager Ruiz" malugod na pagbati ng dalaga sa pag harap niya sa kanilang manager " Ikaw ang ia-asign kong personal concierge Kay Mister Gino Rodriguez kaya ayusin mo ang trabaho mo." nagulat si Sanya sa sinabi ng kanilang manager. " Huh, Bakit po ako?" Nagulat tanong ni Sanya at Nakita niya na kumunot ang noo ng manager nila. " Anong bakit Ikaw? bakit ayaw mo ba? Ako ang masusunod kung sino maa- assign sa mga VIP guest natin ." tila nadismaya nitong pagkakasabi at napayuko nalang ang dalaga. Wala siya magagawa, bawal siya mag reklamo dahil parte ito ng ka'nyang tungkulin. Nagtungo na si Sanya sa room ni Gino para ibigay ang mga damit na kailangan nito sinimulan niya ng kumatok sa room ng binata. Samantala, Habang naliligo Ang binatang si Gino, narinig niya ang pagkatok ng hindi pa nakilalang tao. Agad niyang tinapos ang kanyang pagligo at nagtapis ng towel upang buksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang magandang dalagang si sanya. Napansin niyang napalihis ito ng tingin dahil nakatapis siya ng towel kaya kapansin pansin ng 6-pack abs nito. " Huh,dala ko na po ang mga damit na kailangan niyo." tila nahihiyang pagsasalita ng dalaga at hindi niya kaya tumingin ng daritya sa binata. " Paki ayos mo sa wardrobe," utos ni Gino habang nakatingin sa dalaga. Napansin niya na tila kabado ang dalaga na pumasok kaya't tinalikuran niya ito at nagtungo ulit siya sa comfort room. Pumasok na ang dalaga sa room ni Gino upang ayusin Ang mga damit nito sa wardrobe. kahit hindi man niya ipahalata bakas sa mukha nito ang kaba dahil baka May gagawin na naman sa kanya ang binata ngunit nagpatuloy parin siya sa kanyang ginagawa. CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD