SANYA POV Naiiyak ako habang pinagmamasdan ko ang anak ko, nahihirapan siya pero wala ako magawa tumulo lang ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Maya- maya pa ay dumating na ang Doctor. Mababakas sa mukha nito na tila may balita siya na hindi maganda at hindi ko magustuhan. " Doc kamusta na po ang anak ko? Pag alala kong tanong. " Kinakailangan niya dumaan sa Isang Bone marrow transplant, may severe aplastic anemia ang bata" Malungkot na balita sa akin ng Doctor at tila babagsak ang katawan ko. " Ano po gagawin natin Doc? Naiiyak Kong Tanong " Kailangan niyo magpa test, Ikaw at ang ama ng bata kung sakali may isa sainyo ang mag match maari natin maisagawa ang Bone marrow transplant." Hindi ako maka hinga sa mga narinig ko. Kailangan ko ang tulong ng ama niya pero paano k

