Hininto ni Gino ang sasakyan niya sa harap ng bahay ng dalaga. Pinagmasdan niya ang dalaga dahil nakatulog Pala ito. Hinawakan niya ang mukha nito at naramdaman ng dalaga ang paghagod ng kamay niya sa mukha nito. Tumingin si Sanya Kay Gino nang maimulat niya mga mata niya. " Pasyensya na nakatulog ako" Paghingi ng pasyensya ng dalaga. " I think I love you" Siryosong pahayag ni Gino sa dalaga at nagulat ang dalaga. Hindi niya alam kung paano siya mag rereak. " Mali ito, Hindi mo pede maramdaman yan. Alam mo na magka iba ang mundo natin at higit sa lahat..." Hindi na natuloy ni Sanya ang sasabihin niya dahil muling inangkin ni Gino ang mga malalambot niyang labi. Naglakbay ang kamay ni Gino sa bewang ng dalaga. Gusto pigilan ni Sanya ang binata ngunit nagustuhan niya mga halik nito.

