Pagkatapos ng matagumpay nilang date, akala ni Bhem ay mapapanatag na siya. Pero hindi—dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, paulit-ulit niyang naaalala ang mga nangyari. Ang matamis na paghawak ni Jack sa kamay niya, ang titig nitong tila ba siya lang ang babaeng mahalaga sa mundo, at higit sa lahat… ang mainit na halik nito sa kanyang noo. Nakadapa siya sa kama, mahigpit na niyayakap ang unan habang kinikilig nang hindi sinasadya. “Lintek ka, Jack Lee! Anong ginawa mo sa’kin?!” mahina niyang bulong, pilit pinipigilan ang sariling ngumiti. Pero kahit anong pigil, hindi niya magawang itago ang kasiyahan. At ang mas nakakainis, kahit anong pilit niyang sabihin sa sarili na ‘wala lang iyon,’ alam niyang hindi totoo. Kaya nang magkita sila ulit sa university kinabukasan, aka

